KABANATA 8

1197 Words
NAPANGIWI NA LANG ang mukha ko nang makita sa mukha ni Sir Atlas na sarap na sarap siya sa kanyang kinakain na street foods. Katabi ko si Ma’am Aurora pero nasa kanya lang ang atensiyon ko. Natutuwa lang ako na kumakain siya ng mga pagkain na ganoon. Napatakip naman ako sa bibig ko nang maalala na may posibildad na kakain din siya ng paniki ng babae. Kung tutuusin, mas panget pa iyong street foods na binili ni Ma’am Aurura sa paniki naming babae. “Hey! Tumatawa ka naman mag-isa!” biglang sabi ni Sir Atlas. “Sir, hayaan mo na ako maging masaya. Ang mahalaga, naipasa ko ang neurological exam,” sabi ko. Nilingon ni Ma’am Aurora si Sir Atlas. “Sir Atlas, Mira is an optimistic person. Kaya natural lang sa kanya na maging masaya.” “Tama po si Ma’am Aurora,” pagsang-ayon ko. “Maarte ka pa rin,” sabi ni Sir Atlas. Napanganga na lang ako. Hindi pa rin siya naka-move on tungkol sa hindi ko pagkain ng street foods. Anong magagawa niya kung hindi ako sanay? Sensitive ang tiyan ko kaya mas mabuting umiwas. “It’s her choice, Sir. Her mouth, her rules,” sabi ni Ma’am Aurora. “Tama po si Ma’am Aurora, Sir,” sabi ko. Napalingon si Sir Atlas sa direksiyon namin kaya agad akong umiwas. “Alam mo, nakakairita ka.” Napanganga ako sabay hawak sa dibdib. “A-Ako?” mahinang sabi ko na ako lang din ang nakarinig. Napatawa si Ma’am Aurora. “Prepare yourselves, Sir Atlas. Yes, she can be annoying at times, but I am confident that she will give you her all. I’ll remind you that you were the one who told us that you’d make an excellent tandem.” “I’ve changed my mind,” sagot ni Sir Atlas. “Maybe you mean you’re distracted by Mira’s beauty,” sabi ni Ma’am Aurora. Hindi ko naman mapigilan na mamula ang mga pisngi ko. Nahihiya lang ako sa pinagsasabi ni Ma’am Aurora. Bakit naman madi-distract si Sir Atlas sa ganda na meron ako? Langit siya at totoo nga na maganda ako. Ano raw? Wala rin pala akong pinagkaiba kina Sir Atlas at Bridgette na buhat-bangko. “Are you accusing me of something?” sagot ni Sir Atlas. “Just kidding,” si Ma’am Aurora. “Good.” Napairap na lang ako. Para bang hindi ko nagustuhan ang sagot ni Sir. Parang gusto ko marinig muli sa kanya na maganda ako. “Mira, halika ka nga rito,” sabi ni Sir Atlas. Mabilis akong napatayo at agad na dumiretso sa kanya. Pagkaupo ko sa tabi niya kung saan may upuan, nakabukas ang account niya sa Biver. “Tell me your number,” aniya. Nang sinabi ko na sa kanya, agad niya akong in-add bilang isa sa mga contacts niya. Napanguso naman ako nang nagpadala siya ng isang tuldok. “Always check your Biver at baka may email akong kailangan pinadala sa iyo. Later, ibibigay ko ang mga contacts na kailangan mong kitain. Isa sa gawain mo, makipag-appoint sa mga possible clients natin. Ibibigay ko rin mamaya sa iyo ang buong schedule ko sa buwang ito para alam mo kung saan ako bakante,” mahabang litanya ni Sir. “Okay, Sir. Are they aware, too, sa sakit na meron ka?” tanong ko. Napalingon siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napatingin ako kay Ma’am Aurora at nakita ko na nakangiti lang siya. “Galit po ba?” tanong ko nang walang tunog. “Am I look sick?” tanong ni Sir Atlas. Napalingon ako sa kanya at nagulat na lang ako nang kunti lang ang pagitan naming dalawa. Napaatras ako nang kunti dahil nakaiilang. “Ang ibig ko pong sabihin is iyong ano. . . iyong mental condition ninyo.” “I know. Kalma. Nagtanong lang naman ako kung mukha ba akong may sakit.” Napabuntonghininga ako. “Pinapakaba mo ako, Sir. Pero sa totoo po, you look normal lang naman po.” Napangiti siya. “I know. One of the reasons, pogi ako.” Awtomatikong napangiwi ang mukha ko nang marinig ang sinabi niya. Nagsimula na naman siya sa paging GGSS niya. Hindi na naman niya kailangan gawin iyon dahil nakikita naman sa kanyang mukha. Nagmukha tuloy siyang mayabang. “Parang hindi ka sang-ayon sa sinabi ko,” aniya. “Wala po akong sinabi,” sabi ko. “Pero nakikita ko sa mukha mo na diring-diri ka sa akin. Dahil diyan, tatambakan kita ng trabaho bukas,” aniya. Narinig ko ang pagtawa ni Ma’am Aurora kaya napalingon na lang ako sa kanya. May panunukso sa mukha niya kaya napanguso na lang ako. “Punta ka na roon sa tabi ni Tita. Pakiayos ng letter ko. Huwag mo akong ipahiya,” sabi ni Sir Atlas. “Okay po. Pangako po na gagalingan ko.” Pagkaupo ko sa tabi ni Ma’am Aurora, binuksan ko na ang laptop na gagamitin ko sa trabaho. Dumiretso na rin ako sa Biver para kunin ang email ni Sir. Hindi naman ako kinabahan sa gagawin ko dahil malaki naman ang tiwala ko sa sarili ko. Nang sinimulan ko ng i-edit ang letter ni Sir, napansin ko na mahilig siyang gumamit ng malalalim na salita. Hindi siya basta-basta maiintindihan. Kailangan talaga na malawak ang vocabulary ng nagbabasa. Para mas madali maintindihan, pinalitan ko ang iilang malalalim na salita. Tinanggal ko rin ang mga unnecessary parts. Nagpapahaba lang ito sa liham. Dahil naintindihan ko naman ang point ng letter niya para sa business client, binago ko ito sa simpleng pamamaraan. Nang natapos ako, pinadala ko na ito muli kay Sir. Nilingon ko siya at hinintay na mabasa niya ang gawa ko. Sana lang ay magustuhan niya ito. Nang mapansin ko na may binabasa siya, nagsimula ng bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan lang ako. Kahit kampante ako sa gawa ko, hindi naman sigurado na magiging pasado iyon kay Sir. Napakunot ang noo niya sabay lingon sa akin. Iniwas ko agad ang tingin ko at nagkunwaring may ginagawa sa laptop. Napatikhim siya kaya mas akong kinabahan. Nakita ko sa peripheral vision ko na abala na siya sa kanyang laptop. Napabuntonghininga na ako. Hindi ko alam kung nagustuhan ba niya o hindi. Hindi ko nakita ang kanyang reaksiyon. Pinangunahan ako ng kaba. “Good job, Mira,” sabi ni Sir Atlas. Napatingin sa akin si Ma’am Aurora. “Congrats, Mira.” “Thank you, Ma’am,” sagot ko. Ibinaling ko ang atensiyon ko kay Sir. “Thanks, Sir. Sa susunod po, pwede ninyo rin ako utusan na gumawa ng lahat. Basta sabihan ninyo lang po sa akin kung para saan.” “Okay.” Nang tumunog ang phone ko, nagpatingin na lang ako kung sino ang tumatawag. Nang makita ko kung sino, iginiya ko ang tingin sa paligid. Nang mapansin kong nakatingin sa akin sina Ma’am Aurora at Sir Atlas, wala akong nagawa kung hindi patayin ito. Napangiti na lang ako at agad na humingi ng patawad. “Sorry po.” Nag-pop up ang message sa phone ko at nabasa ko ito. Napangiti na lang ako. “Pumunta na siya sa ampunan. Nagtanong na siya tungkol sa iyo.” ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD