KABANATA 7

2544 Words
PAPAPUNTA NA KAMI ni Ma’am Aurora sa itaas kung saan makikita ang main office ni Sir Atlas. Pagpasok namin, parang hindi man lang nag-exist ang presensiya naming dalawa ni Ma’am Aurora. Kakaiba talaga itong nilalang sa lahat. “I saw your n*ked face a while ago. I could say, you are f*cking gorgeous,” biglang sabi ni Sir Atlas. Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko para pigilan ang pagngiti. Hindi ko lang inaasahan na out of nowhere, bigla niya akong pupuriin. Napaka-random niya talagang tao. Katulad nang sinabi ko kahapon, he is unpredictable. Napalingon sa akin si Ma’am Aurora at kita ko ang panunukso sa kanyang mukha. Nagpipigil lang ako sa pagngiti kaya mahina niyang siniko ako. Kumportable na talaga siya sa akin. “You aren’t gorgeous, Mira. You are f*cking gorgeous,” mahinang sabi niya. “Ma’am, naiilang ako,” sagot ko. “It was a compliment. Embrace it,” aniya. Napatango ako. “Thank you, Sir Atlas.” “Are you not crazy?” tanong ni Sir Atlas habang nagtitipa pa rin sa kanyang laptop. Ano ang ibig niyang sabihin? Tungkol kaya sa pagsusulit? Nakalolokang tanong iyon, ha? Am I look crazy? “Sa awa ng Diyos, I am mentally stable,” sagot ko. “Good.” “Sir Atlas, dito na kami. Tuturuan ko na siya sa mga gawain niya,” sabi ni Ma’am Aurora. “Go ahead,” sagot ni Sir Atlas. Kailan niya kaya ako lilingunin? Ang panget niya makipag-usap. Hindi man lang magawang tingnan ang kinakausap. Maaaring kahapon ay sinusubukan lang niya ako. Baka napansin niya na hindi ako distracted sa itsura niya kaya naramdaman na niyang hindi ko siya tipo. “Though your brows are merely dispersed. Please fix it as soon as possible,” sabi ni Sir Atlas. “A-Ako?” mahinang tanong ko sa sarili ko. Nilingon ako ni Ma’am Aurora. “Makalat lang daw ang kilay mo.” “So ako nga po?” sagot ko. Nilingon ko si Sir Atlas. “Okay po, Sir. Dadaan po ako ng salon mamaya.” “You have dry lips. It’s not kissable. Apply lip balm to restore balance,” sagot ni Sir Atlas sa akin. Napatakip ako sa labi ko habang hindi mapigilan na magsitayuan ang mga balahibo ko. Ang sarap murahin ng kanyang sakit! Lahat na lang ay nakikita niya? Paano ba niya tiningnan ang larawan ko? Zoom in one hundred percent? Grabe! “I will, Sir,” sagot ko. “Train yourself to smell wonderful as well, as my nose is sensitive,” aniya. Napatango na lang ako. Pakiramdam ko, buong araw ako makatatanggap ng mga paalala mula sa kanya. Para siyang isang istriktong ama sa anak nito. Paano na lang kaya kung maging ama siya? Pabiro akong inamoy ni Ma’am Aurora. “Train yourself, Mira.” “M-Ma’am,” nahihiya kong sambit. Nagsimula na akong tinuruan ni Ma’am Aurora. Pokus lang ako sa kanyang pagtuturo. Ayaw ko lang ipahiya ang sarili ko sa kanya. Ang ganda ng credentials ko kaya gusto ko patunayan sa kanya na ganoon talaga ako. Ayaw kong mahusgahan niya ang unibersidad na pinapasukan ko. “Sir Atlas, I’m here to assure you that you won’t have any problems with Mira. She is quite easy to teach,” sabi ni Ma’am Aurora. Napangiti ako nang marinig ang sinabi ni Ma’am. Ang sarap lang sa pakiramdam na may pumupuri sa akin. Wala pa nga akong masyadong ginagawa pero nakikita na niya iyong kagustuhan ko na matuto. Napatingin ako kay Sir Atlas. Hinihintay ko lang kung ano ang isasagot niya sa sinabi ni Ma’am Aurora. Pero hindi ko alam kung sasagot pa siya dahil patuloy lang pa rin naman siya sa pagtitipa. “It’s too early for you to praise Mira,” sagot ni Sir Atlas. Napataas na lang ang kilay ko. Mas mabuti pang manahimik na lang siya kung wala rin naman siyang magandang sasabihin. Pwede naman siyang sumang-ayon na lang. Hindi naman mahirap iyon! Wala ba siyang tiwala kay Ma’am Aurora na nakasama niya nang matagal? Napalingon si Sir Atlas sa kinauupuan namin ni Ma’am Aurora kaya umiwas ako ng tingin. Nagpokus lang ako sa papel sa harapan ko. “Though I have a strong feeling that we will be a great tandem,” biglang sabi ni Sir Atlas. Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Sir Atlas. Pero nang makita kong nakatingin pa rin siya sa amin, umiwas muli ako. Hindi ko lang siya kaya titigan. Iba siya tumitig. Parang nanghuhubad ng damit. “That is the thing I am sure of,” sagot ni Ma’am Aurora. “You are a unique individual, Mira. Where did you get the idea to make a piece of handkerchief as a hair tie?” biglang tanong ni Sir Atlas. Napaka-ramdom niya talaga. Nilingon ko siya at siya naman iyong hindi nakatingin sa akin. “Sa mga celebrities po.” Napakunot ang noo niyang tiningnan ako. “I see.” Napangiti na lang ako sabay hawak sa buhok ko. Mabuti na lang hindi niya nilait ang ayos ko. Kahit minsan magsakit siya magsalita, hindi ko maitatanggi na nagpakatotoo lang siya sa kanyang nararamdaman. Sinasabi niya kung ano ang gusto niyang sabihin. “Tita Aurora, kindly buy me some street food outside,” sabi ni Sir Atlas. Napalingon ako rito. Hindi ko inaasahan na kumakain siya ng maruruming pagkain doon sa tapat ng kumpanya nila. Hindi pala siya maarte. Nilingon ako ni Ma’am Aurora. “Anong gusto mong ipabili?” Napangiti ako sabay iling. “W-Wala po.” “Masarap ang chicken feet nila roon,” aniya. Napangiwi ang mukha ko. “Oh, shoot. Really? Pero ano po. . . busog pa ako.” Napangiti siya. “Ako na nga bahala. Nahihiya ka pa.” Napangiti na lang ako sabay kamot sa isang tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nang nawala na si Ma’am Aurora, bigla akong kinabahan. Hindi lang talaga ako sanay na may kasama sa isang silid na hindi ko gaano kakilala. Nakaiilang. “Halika rito, Mira. Sit beside me,” sabi ni Sir Atlas. “Po?” tanong ko. Nagkasalubong ang mga kilay niya na nakatingin sa akin kaya agad akong napatayo. Naalala ko lang na ayaw pala niya sa paulit-ulit. Kinuha ko ang isang upuan at itinabi sa kanya. “Ano po ang maipaglilingkod ko, Sir Atlas?” “Mabuti naman at mabango ka,” aniya. Nilingon niya ako. “May I smell your breath?" Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan ko. “S-Seryoso ka po, Sir?” Napakunot ang kanyang mga noo. “Mukha bang akong nagbibiro?” Nang maamoy ko ang hininga niya, hindi ko mapigilan na mapangiti. Natutuwa lang ako na amoy mint ang kanyang hininga. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na puriin siya. “S-Sandali lang po,” sabi ko. Itinagilid ko ang ulo ko sa kanya at inamoy ang sarili kong hininga. Hindi siya mabango, hindi rin siya mabaho. Natural lang na hininga ng isang tao. “Mira, bilis. May gagawin pa ako,” sabi ni Sir Atlas. “Okay po.” Ihinarap ko na si Sir Atlas at nakatingin na siya sa akin. Nagsitayuan pa rin ang mga balahibo ko. Hindi lang ako kumportable na gawin ang bagay na ito. Pero dahil kailangan, walang akong pagpipilian. “Just say ha,” aniya. “Haaa,” sabi ko. Natapos kong sundin ang kanyang gusto ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na takpan ang buong mukha ko gamit ang mga kamay ko. Nahihiya lang ako sa ginawa ko. Natatakot din ako kung ano ang panghuhusga niya sa amoy ng hininga ko. “It wasn’t great, but it wasn’t awful. I assume your stomach is empty. You probably didn’t eat breakfast, right?” aniya. Napanguso na lang ako nang marinig ang kanyang sinabi. Napakagaling lang niya para mahulaan na walang laman ang tiyan ko. Tama nga siya na hindi ako nag-agahan. “Yes po, Sir. Hindi nga po,” sagot ko. “Simply make sure you’re full before entering this company. Go to the mini-kitchen and make some milk to fill your stomach,” aniya. “Okay po, Sir. Thanks,” sabi ko. Napatayo na ako at agad ng pumunta sa mini-kitchen para magtimpla ng gatas. Mas mabuting sundin ko na lang ang kanyang gusto para wala ng gulo. At isa pa, para rin naman sa kabutihan ko ito. Nang nakagawa na ako ng gatas, agad na akong humigop. Hindi ko lang muna inubos dahil sa init. Iniiwasan ko lang mapaso. Inilagay ko muna ito sa mesa bago bumalik sa tabi ni Sir Atlas. Pagkaupo ko, tiningnan ko kung ano ang kanyang ginagawa. “Mira, do you have decent grammar skills? Please correct mine once I have finished it. I am willing to learn from you as well,” aniya. “I will try my best, Sir,” sagot ko. Tinitingnan ko lang si Sir habang abala siya sa kanyang ginagawa. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Tatabihan ko lang siya? Ang buong akala ko ay tuturuan niya ako. “Do you a boyfriend, Mira?” tanong ni Sir Atlas. Napangiwi na naman ang mukha. Nandito na naman siya sa mga random questions niya na bigla na lang sa bibig niya out of nowhere. “Wala po,” sagot ko. “Mabuti. Panget ang may boyfriend kung nagtatrabaho sa akin. Alam mo na at baka ako lagi ang dahilan ng pag-aaway ninyo,” aniya. Napangiti ako sabay iling. Si Sir Atlas na talaga! Siya na ang bukod tangi. Kakaiba talaga siya mag-isip. Hindi lang naman masyadong mahangin. “Kung may boyfriend man po ako. May tiwala naman siguro sa akin ang magiging boyfriend ko. Kasi kung magmamahal ako, ipaparamdam ko sa taong iyon na he is enough,” sabi ko. “But have you already fallen in love?” tanong niya sa akin. “Sa awa ng Diyos, Sir, hindi pa nabiktima ng pag-ibig,” sagot ko. “Kung ganoon, malakas ang kutob ko na magkakasundo tayo,” aniya. “Sana nga po para hindi na ako matatakot sa iyo, Sir. To tell you honestly, Sir, you are intimidating,” pag-amin ko. Napatango-tango lang siya. “Ganoon. Baka sa itsura ko ito. Hindi ka siguro sanay makasalamuha sa mga gwapo.” Napangiwi na naman ang mukha ko sa narinig ko mula sa kanya. Ipapangalandakan niya talaga na gwapo siya. Hindi naman sana niya kailangan gawin iyon dahil hindi naman ako bulag. “Hindi naman po ako sa itsura mo intimated, Sir, kundi sa buong pagkatao mo pi. Hindi lang ako sanay na makasama ang isang makapangyarihang tao na hindi kalayuan sa edad ko.” “Okay. Basta huwag kang magkagusto sa akin.” Napanguso na lang ako. Hindi naman talaga ako magkakagusto sa kanya. Kahit nasa kanya na ang lahat, hindi ko pangarap ang isang tulad niya. Napalingon siya sa akin at agad na ngumiti. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti sa kanyang ginawa. Aminado lang ako na ang cute niya kung ngumiti. Ang gaan niya tingnan. “Sandali lang po. Uubusin ko muna ang gatas,” sabi ko. Pagkaupo ko sa sofa, kinuha ko muna ang gatas at ininom na iyon. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapalingon kay Sir Atlas. Paiba-iba talaga ang kanyang ugali. Kailangan kaya ako masasanay na ganoon siya? Ilang minuto ang lumipas, bumalik na si Ma’am Aurora. Napatingin ako sa dala niya at hindi ko mapigilan na magsitayuan ang mga balahibo ko. Napangiti si Ma’am Aurora. “Binilhan na rin kita.” Napailing ako. “Okay lang po talaga ako, Ma’am.” “Hindi ka nakapag-breakfast, hindi ba?” tanong ni Sir Atlas. Napangiti si Ma’am Aurora. “Lumabas din ang totoo. Nahihiya ka lang, Mira.” Napangiti na lang ako habang hindi maitago ang kaba sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na kumain ako ng street foods. “Masarap ito. Sandali at ilalagay ko muna sa lalagyan,” sabi ni Ma’am Aurora. Pagbalik ni Ma’am Aurora, inilapag na niya ang mga pinamili niya. Nakikita ko na may kwek-kwek, isaw, at fishball. Napatakip ako sa bibig ko nang makakita nang hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Napalingon ako kay Sir Atlas at nagsisimula na siyang kumain. Kitang-kita ko sa mga mata niya na natutuwa siya sa kinakain. Paano niya nakayanan kumain ng ganoon? “Mira, subukan mo ito,” sabi ni Ma’am Aurora. Inabot niya sa akin iyong hindi ko alam kung ano ang tawag. “Ma’am, okay lang ako. Promise,” sabi ko. Napangiti siya. “Huwag ka na mahiya.” “P-Pero hindi po ako kumakain ng street foods,” pag-amin ko. Napatawa si Ma’am Aurora. “Huwag ka ng magsinungaling diyan.” Ibinalik niya iyong hawak niya na hindi ko kilala at pinalitan ng isaw. “Iyan na lang kainin mo. Masarap iyan.” Kinuha ni Ma’am Aurora ang kamay ko at nilagay ang isang tuhog ng isaw. Mas nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makita muli ito nang malapitan. “Je peux le faire!” sabi ko sa sarili ko. Tumalikod ako sa kanila para ipitin ng mga daliri ko ang ilong ko. Ayaw ko lang na maamoy ko ito habang inilalapit sa bibig ko. Nang nakakagat ako ng isang beses, hindi ko mapigilan na madura. Wala naman akong nagawa kung hindi ibalik sa plato ang isaw at tumakbo papunta sa banyo. Pagdating ko, agad akong sumuka sa inidoro. Hindi ko naman mapigilan na mangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko lang talaga kaya kumain ng pagkain na ganoon. “M-Mira,” nag-aalalang sambit ni Ma’am Aurora. Paglingon ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko. Kusa na itong tumulo. Naawa lang ako para sa sarili ko. “Sorry po, Ma’am Aurora. Hindi ko lang po talaga kaya,” sabi ko. “Hindi ka pa nakakain ng street foods?” tanong niya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya makapaniwala. Kinagat ko ang ibabang parte ng aking labi. Nag-isip ako ng dapat na isagot ko. Hindi rin naman sila maniniwala sa akin kung sasabihin kung oo kaya mas mabuting magsinungaling na lang ako. “Sensitive po ang tiyan ko. Last time I ate, idinala po ako sa hospital dahil sa diarrhea,” sagot ko. Nang napatango siya, napabuntonghininga na lang ako. Kahit paano, naniwala na rin siya sa akin. Nilinis ko na ang banyo bago lumabas. Napatingin sa akin nang masama si Sir kaya napayuko na lang ako. “Arte,” sabi ni Sir Atlas. “Sensitive nga raw ang tiyan ni Mira, Sir,” sabi ni Ma’am Aurora. “Still she’s maarte,” sabi ni Sir Atlas. Sa inis ko sa kanya, hindi ko mapigilan na tingnan siya para irapan. Tila nawala na ako sa katinuan dahil sa inis ko sa kanya. Pero imbes na magalit siya sa akin, napangiti lang siya. Ang weird talaga! “Cute,” aniya. Napangiti na lang ako nang marinig ang sinabi niya sabay upo sa sofa. Napatingin naman ako kay Ma’am Aurora na sarap na sarap sa kanyang kinakain. Hindi ko tuloy mapigilan na makonsensiya. Kung kaya ko lang talaga kumain ay hindi ako magdadalawang-isip na samahan siya. Pero anong magagawa ko kung ganito ko? ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD