NANDITO AKO SA isang restaurant para kumain. Nagugutom lang ako. Ito na lang din iyong treat ko para sa sarili ko. Alam ko na sa mga susunod na araw ay buhos na ang trabaho ko. Kaya ngayon pa lang, susulitin ko muna ang oras ko. Makipag-date muna ako sa sarili ko. Deserve ko rin naman ang lahat ng ito.
Habang kumakain, may napansin akong nakatingin sa akin. May dumi kaya ako sa mukha? Isa pa naman sa pinakaayaw ko ay tinitingnan ako nang hindi ko kakilala. It made me uncomfortable.
Para matapos itong nararamdaman ko, nilingon ko kung sino ang nakatingin sa akin. Nang makita ko kung sino ay napakunot lang ang noo ko. Nakataas ang kilay ng babae sa akin pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Para lang siyang isang nakababatang kapatid na nagsusungit.
“I know you,” mataray na sabi niya. Mukhang kilala niya talaga ako.
“Really?” tanong ko.
Tinitigan ko ang kanyang mukha at hindi ko mapigilan na puriin ang kanyang ganda. Para siyang isang modelo na nakikita sa mga magasin. May kunting hawig nga siya nang kunti sa amo kong si Sir Atlas.
“Come here,” maawtoridad na utos niya.
“Ikaw ang may kailangan sa akin kaya ikaw ang pumunta rito,” sagot ko.
Actually, nasa kabilang table lang siya malapit sa akin. Katulad ko, kumakain din siya. Pero nahiya ako sa pagkain na nasa mesa niya. Para lang siyang nagda-diet. Mukhang nagkamali siya ng restaurant na pinuntahan.
“Dahil nasa mood ako, fine,” aniya. Mas itinaas pa niya ang kanyang kilay.
Napangiti ako. First impression ko sa kanya, spoiled brat. Napapansin ko lang kung paano siya kumilos. Though kahit anong taas ng kilay niya, hindi ako na-intimidate dahil nakikita ko sa mga mata niya na mabait siyang bata. Maaaring kulang lang sa pansin.
Pagkaupo niya sa harapan ko, tinitigan niya ako. Pinaikot pa niya ang mga mata niya bago siya tumigil sa pagtitig sa akin. Nakalolokang bata!
“Ano bang problema mo?” tanong ko.
“Hinding-hindi ako magkakamali. Ikaw iyong babae na inaway nila Ate Bridgette, right?” aniya.
“Ako nga,” sagot ko.
“Then I hate you!” gigil na sabi niya.
Napakunot ang noo ko. “Why?”
“Hindi ka man lang lumaban. Ang dapat na ginawa mo…” Hinawakan niya ang buhok niya bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Hinila mo rin sana ang buhok. Katulad nito...”
Napanganga ako nang hinila niya ang kanyang sariling buhok. Nakita ko sa mga mata niya ang gigil kay Bridgette. Hinding-hindi ako magkakamali na may matindi itong galit dito.
Hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siya. “Kalma.”
“Nakakainis ka kasi! Hindi ka ba marunong lumaban? Sinipa mo sana ang puson o hindi kaya hinampas ang mukha,” aniya.
Napatawa ako kung paano siya magsalita. “Mukhang grabe iyong gigil mo, ha?”
“I really hate her for Kuya Atlas,” aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. “So Kuya mo si Sir Atlas?”
“Yes,” sagot niya. Ibinaba na niya ang kilay niya at gumaan na tingnan ang kanyang mukha. “Super duper pogi ang Kuya ko, right?”
“Matatanggal ba ako sa trabaho kung sasabihin kong hindi?” sabi ko.
Dinuro niya ako ng tinidor. “So ikaw ang new secretary niya?”
“Bitawan mo iyan at baka mahusgahan ka ng makakakita sa atin,” sabi ko.
Itinaas niya ang kilay habang nakatitig sa akin. “Mag-agree ka muna na gwapo ang Kuya Atlas ko.”
“Though subjective naman ang pagiging gwapo. Oo na at gwapo ang Kuya mo.”
“Gwapo lang? Walang super duper?”
Napangiti ako. “God-level beauty.”
Kinindatan niya ako. “Excellent.”
Hindi ko na mapigilan na mapailing sa ugaling pinapakita sa akin ng kapatid ni Sir Atlas. Hindi nga ako nagkamali na spoiled brat siya. Gusto niya ang gusto niya ang masusunod. Kaya para wala ng gulo ay sumang-ayon ka na lang sa kanya.
“Anyway, I still hate you pa rin. You should know how to fight back,” aniya.
Napangiti ako. “Katatanggap ko lang kahapon. Anak silang tatlo ng powerful family. Sa tingin mo, lalabanan ko sila dahil sa pride ko? Hanggang sa kaya kung magpakumbaba, gagawin ko dahil iyon lang ang choice naming mga mahihirap.”
Napataas ang kanyang kilay. “You poor? Pero bakit ka nandito kumakain? This place is not for an average people.”
Palihim kung kinurot ang hita ko at agad na inalayan siya ng ngiti. “May naitabi pa kasi akong pera noong nakapagtapos ako. May pera na ibinigay sa amin ang university sa lahat ng may latin honors.”
Napatango-tango siya. “Ah, so poor ka nga from State University.”
“Yes. A proud scholar ng bayan.”
“Anyway, you are gorgeous. Para kang rich sa totoo lang.”
Napangiti ako. “Thank you. Ano pala ang name mo?”
“Alathea Consunji.”
“How young are you?”
“19-year-old bitch.”
Napangiti ako. “I like your humor. May I know kung bakit mukhang galit ka kay Bridgette?”
“Una, ayaw ko sa b***h na katulad niya. Napaka-obsess niya pa kay Kuya. Kahit ayaw ni Kuya sa kanya, lapit siya nang lapit. Gross! Sumasama pa talaga kay Ninong sa bahay kahit ’di naman invited. Pangalawa, mas masama ang ugali niya sa akin. Kapag iniirapan ko siya ay gumaganti talaga. Hindi katulad mo kanina na wala kang ginawa at hinayaan lang ako. Pangatlo, entitled. Akala mo kung sinong anak mayaman. Hello? Ang laki kaya ng utang nila sa family namin. At panghuli…”
“Thea,” pagsulpot ng pamilyar na boses. Sa tingin ko, boses ito ni Sir Arquil.
Tiningnan ni Alathea ang kanyang ama. “Just wait, Dad.” Tiningnan niya ako muli. “Panghuli, wala siyang manners.” Ibinaling niya muli ang atensiyon niya sa kanyang ama. “Upo ka na rito, Dad. Kakatapos ko lang i-describe si Ate Bridgette.”
Napatawa ako sa narinig ko. Hindi ko maipagkakaila na isip-bata pa talaga siya.
Napangiti na ako at agad na tumayo. Pagkatapos, nilingon ko si Sir Arquil. Nagulat naman siya nang makita ako pero mas pinili kong batiin lang siya.
“Hello po, Sir,” nakangiting bati ko.
“Magkakilala kayo ni Thea?” tanong ni Sir Arquil. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagtataka.
“Ngayon lang po,” sagot ko.
“Lumapit ako sa kanya, Dad, dahil namukhaan ko siya. Then it happens, we are now best friend,” sabi ni Alathea.
Napalingon ako kay Alathea. “B-Best friend? T-Tayo?”
“Yup. Ano nga ang name mo?” tanong niya.
Napatawa na lang ako. Inangkin na niyang mag-best friend kaming dalawa ngunit hindi pa pala niya alam ang pangalan ko. Kakaiba talaga siya sa lahat! Manang-mana sa kanyang panganay na kapatid.
“Mira Cruz ang pangalan ko,” sagot ko.
“Pagpasensiyahan mo na ang bunsong anak ko, Mira. Ganyan talaga ang ugali niyan. Pero mabait iyan. Thea, be good to Mira at para magtagal siya sa kapatid mo,” sabi ni Sir Arquil.
“Kay Kuya mo dapat sinabi iyan, Dad. Si Kuya naman ang mainitin ang ulo,” sabi ni Alathea. Kinuha niya ang kamay ko. “Hi, Ate Mira! Best friend na tayo, ha?”
“Sigurado ka ba? Kaya mo ba maging kaibigan ang mahirap na katulad ko?”
Napatango siya. “Of course.” Nilingon niya si Sir Arquil. “Dad, upo ka na rito sa tabi ko at magsimula ka ng kumain dito. Nabayaran na kita kanina pa.”
Napatayo ako para kumuha muli ng pagkain. Actually, buffet restaurant itong kinakainan namin kaya unlimited foods. Dito ko napagdesisyunan kumain dahil alam kong masasarap ang mga pagkain nila rito. May kamahalan nga pero hindi ko na gaano iniisip iyon. Ang mahalaga sa akin, maliban sa mabubusog ako ay masaya ako.
Tumunog ang phone ko kaya pumunta ako sa pinakasulok ng restaurant. Tiningnan ko ang tumatawag kaya napgdesisyunan kong sasagutin na lang ito. Pinatay ko muna ang tawag at bumalik sa mesa kung saan nakaupo sina Sir Arquil at Alathea. Nagpaalam muna ako sa kanila na gagamit ng banyo.
Pagdating ko sa banyo, agad ko ng tinawagan ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Napangiti naman ako nang sinagot na niya ako. Gusto ko lang ipaalam sa kanya ang magandang balita.
“I have a surprise,” bungad ko.
“What is it?” sagot niya.
“I'm having dinner here at the restaurant. Then I met my boss's younger sister by chance. She knew me from yesterday's viral video. Then we had a little chat. Later I realized we had something in common. Long story short, she likes me and I like her. Then she said I’m her best friend now. Destiny was with us.” Napabuntonghininga ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. “It really brought me closer to the Consunji.”
“I am worried about you,” aniya. Narinig ko ang lungkot sa boses niya.
“Relax. Nangako ako na gagalingan ko, ’di ba. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito.”
“Just promise me that you’ll be careful.”
“I will. Sige na at baka magtaka na sila kung bakit matagal ako.”
“I love you.”
“I love you, too. Goodbye!”
Pagbaba ko ng tawag, hindi ko mapaliwanag ang saya sa puso ko. Napatingin ako sa salamin ko habang marahan kong tinanggal ang dalawang botones ng blouse ko. Pagkatapos, inilabas ko ang suot na kwintas ko. Gusto ko lang ito makita. Kuminang pa ito nang matamaan ng ilaw.
Habang tinitigan ang sarili ko sa salamin ay napangiti na lang ako habang hindi mapigilan na mangilid ang luha sa mga mata ko. Hinawakan ko ang diamond sa kwintas ko habang hinihimas ito.
“You are doing well,” sabi ko sarili ko sabay tulo ng luha sa mga mata ko.
~~~