KABANATA 6

1675 Words
“I LOVE YOU, too. Soyez toujours prudent là-bas,” sabi ko. Ibinaba ko na ang tawag at agad ng bumaba mula sa kama. Pagkatapos, dumiretso na ako sa banyo para maligo. Kailangan ko lang matapos nang maaga dahil mag-aayos pa ako. Ipinadala ko kagabi ang mukha ko nang walang palamuti at wala pa akong sagot na nakuha mula kay Ma’am Aurora. Hindi pa raw nabasa ni Sir Atlas ang kanyang mensahe na ipinadala rito. Biver na nga lang ang messaging app ni Sir, hindi pa online. Sigurado ako na boring talaga ang kanyang buhay. Dahil sa sakit na meron si Sir, malakas ang kutob ko na babad lang ito sa iba’t ibang uri ng libro. Maliban na lang sa fantasy novel na mayroong descriptive physical appearance ng mga tauhan. Napangiti ako. Ipupusta ko ang buong kaluluwa ko. Sigurado ako na mahilig si Sir sa mga romantic novels. Doon lang naman wala kang mababasang panget. Dahil halos lahat ng authors, magaganda at gwapo ang mga tauhan nila sa isinulat nila. Nang nasa banyo na ako, agad akong naghubad. Nilingon ko pa ang ulo ko sa likuran ko para tingnan kong maganda pa rin ang hubog ng katawan ko. Pero nakalimutan ko na wala pala akong salamin. Kailan kaya ako masasanay? Nang natapos ako sa pagligo, agad akong lumabas at umupo sa tapat ng salamin. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower. Mahirap kasi mag-ayos sa mukha kapag basa pa ang buhok dahil may pagkatataon na tutulo ito. Nang tuyo na ang buhok ko, inipit ko muna ito gamit ang hair clip. Hindi ko lang kayang mag-ayos sa mukha na magulo ang buhok ko. Ganoon ako kaarte pagdating sa pag-aayos. Lalo na ngayon na mas may dahilan na ako na magpaganda pa lalo dahil iyon ang pinakamahalaga sa trabaho ko. Hindi lang naman ako makapapasok kung may kung anu-anong tutubo sa mukha ko. Kaya ngayon pa lang, sikapin ko lalo na mapanatili ang ganda na meron ako. Habang naglalagay ng maskara sa pilik-mata ko, hindi ko mapigilan na matawa nang maalala ang nangyari. Nag-viral lang naman sina Bridgette at ang kanyang dalawang kaibigan. Hindi ko tuloy mapigilan na magdiwang. Napabili tuloy ako ng ice cream sa labas ng apartment. Nagpadala nga sa akin ng mensahe si Mr. Carlos Acosta. Ihiniling niya na tanggalin ko ang video. Sinagot ko siya nang buong tapang na tatanggalin ko lang ang video kung mag-a-apology sa akin ang kanyang anak. Sa awa ng Diyos, ginawa naman ng bruha kaya napilitan akong pindutin ang only me para ako na lang ang makakita ng video. Kahit alam kong napipilitan lang ito, wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay napasunod ko sila sa gusto kong mangyari. Gusto ko lang ipakita sa kanila na hindi lang sila ang batas. Naglagay na ako ng pink lipstick sa labi ko. Gusto muna light para magaan lang tingnan. Mas gusto ko nga tingnan sarili ko sa simpleng pamamaraan lang sana. Pero dahil sa sakit ni Sir, kailangan kong mag-adjust. Nang natapos na ako sa buong mukha ko, nagbihis na ako ng susuotin ko. Isang denim na hipster at blouse na chiffon ang suot ko. Kulat mint ito kaya bagay sa porcelain skin ko. Sa buhok naman, sinuklayan ko ito nang maayos bago tinali gamit ang kulay puti na panyo. Napatitig na ako sa mukha ko sa salamin at hindi ko mapigilan na mapangiti. Kampante lang ako na hindi aatakehin si Sir sa ayos ko. Nang natapos na ako sa lahat ng gagawin ko, lumabas na ako ng bahay na dala ang pepper spray at tasers ko. Babae ako kaya dapat lang na handa na ako sa mga posibleng mangyari sa akin. Lalo pa at nakatira ako sa isang lugar na kulang ang isang papel para ipaliwanag kung gaano kapanget. Ito lang ang mura at malapit sa kumpanya kaya walang akong pagpipilian. Huwag lang sana nilang pagtangkaan ang buhay ko kung ayaw nilang mapahamak. Kahit babae ako, sigurado akong kaya ko silang labanan—lahat. Napatango-tango lang ako sa mga bumabati sa akin. Kailangan kong matuto makipagkapwa-tao rito sa lugar na tinirahan mo. Mas maganda tumira sa isang lugar na walang kaaway. Nang nasa kalsada na ako, agad na akong pumara ng tricycle. Mas gugustuhin ko pang sumakay ng tricycle kaysa sa jeep. Katulad kahapon, nabagok ako dahil sa katangkaran ko. Nakaiilang din sumakay ng jeep dahil marami kang makahaharap na tao. Naiilang ako. Ilang minuto ang lumipas, dumating na ako sa kumpanya. Ipinagdasal ko na sana nakalimutan na ng iilang trabahador ang nangyari kahapon. Ayaw ko lang talaga na tiningnan habang naglalakad. Pagpasok ko sa loob, napangiti na lang ako nang mapatingin sa akin ang mga iilan sa mga trabahador. Namukhaan ko ang iba kaya sigurado ako na namumukhaan din nila ako. Inilakbay ko ang tingin sa iilang trabahador at may nakita akong iilang mukha na parang hindi pasok sa standard ko. Kung hindi iyon pasok sa akin, malamang hindi iyon pasok kay Sir. Maaaring hindi rito dumadaan si Sir. Baka may exclusive siyang daanan dito sa kumpanya na hindi siya makakakita ng iilang magpapa-trigger ng kanyang sakit. Nang makarating ako sa pinakataas ng gusali kung saan makikita ang opisina ni Sir, napahinto muna ako sa paglalakad para kunan ko ang sarili ko ng larawan. Nasa Isang tapat ako ng elevator. Pinindot ko ang 3 seconds para naman may oras pa akong pumili ng pose. Nang pinindot ko na ang capture, nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang elevator. Bumungad lang naman sa likuran ko sina Sir Atlas at Sir Arquil. Napangiti si Sir Arquil habang nakasimangot si Sir Atlas. Napayuko ako para batiin sila. “Good morning, Sir.” Umatras para magbigay daan sa kanila. Paglabas nilang dalawa mula sa elevator, sinagot ako ni Sir Arquil habang walang pakialam si Sir Atlas. Mukhang hindi maganda ang kanyang umaga o sadyang pinaglihi lang talaga siya sa sama ng loob. “Early bird, Mira. Mabuti iyan,” sabi ni Sir Arquil. “First day po, Sir. Need lang po magpa-impress,” sagot ko. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti. Napatingin ako kay Sir Atlas na umalis na nang walang pasabi sa kanyang ama. Ang sungit talaga! Hindi ba niya kayang magpaalam man lang? “Pagpasensiyahan mo na ang anak ko. Ganoon lang iyan tuwing umaga. He hates morning,” sabi ni Arquil. “Morning lang po? Hindi po whole day?” tanong ko. Napangiti siya. “Pwede rin.” “Sir, tinatakot ninyo po ako.” Tinapik niya ako. “Sige na at mauna na ako. Anyway, you look so gorgeous today.” Napangiti ako. “Thank you po, Sir. Much appreciated.” Nang umalis na si Sir Arquil, napatingin na ako sa phone ko. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti nang makita ang itsura ko sa larawan na aksidenteng nasali ang dalawang amo ko. Hindi naman siya panget pagkakuha. Kahit nagulat ako, parang sinadya lang. Wacky kung baga. Nang nagpokus ako sa mukha ni Sir Atlas, hindi ko mapigilan na mapangiti. Kahit nakasimangot siya, hindi ko maitatangi ang kapogian na meron siya. His charisma sparks effortlessly. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pagdating ko sa tapat ng opisina, pipindutin ko na sana iyong red button pero nang bumungad si Ma’am Aurora, hindi ko na itinuloy. Nagtama ang mga mata naming dalawa at napangiti lang kami sa isa’t isa. Nang pinagbuksan niya ako, agad akong pumasok. Binati ko siya at hindi naman siya nagdalawang-isip na sagutin ako. “Inaway ka pala nila Bridgette kahapon. Napag-alaman kong dalawang beses ka nilang inaway,” sabi ni Ma’am Aurora. Napabuntonghininga ako. “Yes po. Pero okay na po ako. Nakahingi rin naman sila ng sorry sa akin.” “Please forgive those three, Mira. Marga has also been told about the incident by her father. I’m not sure why Marga acted like that,” sabi ni Ma’am Aurora. Napanguso na lang ako. Nakita ko lang ang lungkot sa mukha niya. Alam ko na gusto niyang maging mabuting tao si Marga pero wala siyang magagawa. Hindi niya kontrolado ito. “Huwag ka ng ma-guilty, Ma’am. Wala ka naman ginawa po,” sabi ko. “I am her stepmother. But the agony of knowing I can't do anything to rectify her? Because if I tell her, she will respond disrespectfully. And because she responds to me in that manner, her father becomes enraged, and they fight. I do not want that to happen. I do not want my youngest son to see that kind of family. It's a mess,” aniya. Halatang mahal niya rin talaga si Marga kahit ganoon ang ugali nito. Napabuntonghininga ako. “Move on na po tayo. Mabuti lang po ako. Unang araw ko po ngayon at mahalaga ito para sa akin.” “You are correct. Let us move forward. Anyway, I’ll hand you the questionnaire right immediately. Just answer here so that I can promptly forward it to the company’s personal neurologist.” Napangiti ako. “Thanks po.” Nang ibinigay na sa akin ni Ma’am Aurora, pumunta na ako sa sulok para sagutan ang mga tanong. Hindi naman ako kinakabahan dahil sa hindi pagmamayabang, mataas ang IQ ko. Kaya kong lusutan ang mga simpleng tanong dito. Madali lang naman sagutan ito. Halimbawa sa mga ganitong pagsusulit ay kung paguguhitin ka ng puno na may mansanas pero ang ginuhit mo ay puno na may mansanas at may tree house, mga ulap, mga bundok, araw, at palayan, mababagsak ka talaga. Kapag sinabing puno na may mansanas, puno at mansanas lang talaga. Ilang minuto ang lumipas, natapos ko rin siya agad. Nanlaki na lang ang mga mata ni Ma’am Aurora. Isa pa pala sa special sa akin, mabilis akong magbasa. Mahilig din kasi talaga akong magbasa simula pa lang noong nandoon ako sa Ca—ampunan. Napabuntonghininga ako at napangiti na lang. Muntikan na! Napakagat na lang ako sa ibabang parte ng labi ko. Kailangan ko talaga sanayin ang sarili ko na ito na ang buhay ko. “C’est ta vie maintenant, Mira. C’est ça. C’est ça. C’est ça,” sabi ko sa isipan ko. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD