“GUSTO SANA KITA papuntahin kahapon sa condo ko, pero naisip ko na hindi pala pwede. Stay in ka pala roon sa Consunjis,” sabi ko. Napangiti siya. “May day off naman ako. Pero dahil alam ni Tito Arquil na wala akong bahay rito, nagtitiis na lang ako roon sa kanila para hindi siya magtaka kung saan ako pupunta.” “Madami naman sigurong magagandang babae roon? Wala ka bang time magpaligaya? Talaga ba?” sabi ko nang may kunting panunukso. Napangiwi ang mukha niya. Magkapatid nga talaga kaming dalawa. Pareho kami ng reaksiyon. Nilingon niya ako para lang pitikin ang tenga ko. Napasigaw na lang ako sabay hawak sa tenga ko. Ang sakit kaya! “Ano ba!” inis na sabi ko. “Sa tingin mo, papatol ako sa kung sinu-sino? Kahit gusto ko na maranasan iyon, hindi pa rin pwede. Mauna ang kasal bago ang bag