“THANK YOU, MISS?” “Mira Cruz po, Sir,” sabi ko. “Oh, Mira Cruz. I like how you handle this meeting with us. Your boss is lucky to have someone like you,” sabi ni Sir, one of our company’s strong potential clients. “Thank you po, Sir and Ma’am. May mga gusto pa po ba kayong ipasabi kay Sir?” “Nothing. Mamaya ay ipadala ko ang contract para mabasa ng abogado ng company ninyo. At kung pumayag sila sa kondisyon namin, pupunta agad kami sa kumpanya ninyo para sa contract signing,” aniya. “Noted, Sir. Thank you so much,” nakangiting sabi ko. “Nice meeting you again, Mira,” aniya. Inabot niya ang kamay niya sa akin. Ganoon din ang ginawa ng kanyang asawa na nasa tabi niya. Tinanggap ko ang mga ito. “Nice meeting you too, Sir and Ma’am. Pwede na po ba akong makaalis? At baka hinanap na ri