NAKATULALA LANG AKO rito sa loob ng taxi habang papalapit na sa kumpanya na pinapasukan ko. Hindi lang mawala sa isipan ko ang posibleng dahilan ng sakit ni Sir Atlas. Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa akin. It was traumatic! Kaya dapat lang talaga na makuha ko ang hustisya! Pati inosenteng bata ay nadamay sa kasamaan nila. Hindi ko sila mapapatawad doon! Ilang minuto ang lumipas, dumating na ako sa tapat ng kumpanya. Natapos kong magbagad ng pamasahe ay agad akong lumabas. Wala naman ako sa sariling naglalakad papasok ng kumpanya. Ang ipinagdasal ko na lang ay makarating ako sa opisina nang maayos. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng opisina, kinagat ko na ang ibabang parte ng labi ko. Pinipigilan ko lang ang paghikbi ko. Ayaw kong umiyak