NAG-IIYAKAN KAMING DALAWA ni Daddy habang nag-uusap. Tama nga ang hinala ko na masasaktan siya sa oras na malaman ang ginawa ni Kuya. Humingi na rin ng patawad si Kuya sa pamamagitan ng mensahe. Gusto man niyang sumali sa pag-uusap namin pero hindi niya magagawa dahil nasa bahay na siya ng Consunjis. Nag-iingat lang siya at baka may makarinig sa kanya. Kahit nasasaktan si Daddy, mas pinili niya pa rin na magpatawad. Wala naman siyang magawa dahil nangyari na ang lahat. Ipinagdasal na lang namin na sana magising sa katotohanan si Kuya Aiden na hindi mabait si Cheska. Ito ang prime suspect sa pagpatay kay Mommy Helga. Innocent until proven guilty? Baliktad sa batas namin ni Daddy! Guilty until proven innocent. “Dad, everything will be alright. Malapit na rin naman maging kami ni Sir Atlas