NAGPIPIGIL NA AKO sa aking pagtawa nang masaksihan ang unti-unting paglapad ng bibig ni Sir Atlas. Para siyang isang bata na sinabihan na isasama sa Mall kung magpakabait. Kumikinang na nga rin ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi ko maitatanggi na iba talaga ang epekto sa kanya nang malaman na ipapakita ko sa kanya ang aking mahiwagang paniki. Napatikhim ako. “Sorry po, Sir. Parang ayaw mo ya—” “No. Gusto ko.” ”Baka napipilitan ka lang kasi nahihiya kang tumanggi. Kasi noong ikaw need ang help ko, pumayag agad ako. Sir, okay lang po talaga kung ayaw mo. Naiintindihan ko naman,” sabi ko. Napailing siya. “Kainin pa kita.” Napahawi ako ng buhok. “Pagpakain na pala ako ngayon.” “Sa iyo ko ito narinig. Akala mo nakalimutan ko iyon?” aniya. Napangiti ako sabay kagat ng