PAPALABAS PA LANG kami ng exclusive villa nila Sir Atlas ay nangangati na ang lalamunan ko na tanungin si Kuya. Gusto ko talagang malaman bakit niya itinago sa amin ang totoo. Sigurado ako na kapag malaman ni Daddy ito ay pareho kami ng mararamdaman. Magtataka rin ito. “Bakit mo itinago sa amin ang totoo, Kuya?” tanong ko. Sa wakas at lumabas na rin sa bibig ko. “Anong totoo?” sagot ni Kuya. Nakangiti akong nilingon siya. “So wala kang balak talagang aminin sa amin? Alam ko na alam mo kung ano ang tinutukoy ko.” Napabuntonghininga siya. “Dahil sa ilang taon ko sa kanila, alam kong mabuting tao sila.” “S-Sila? S-Sinong sila?” nauutal na tanong ko Nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ko. May hindi lang akong magandang nararamdaman sa pag-uusapan namin ni Kuya. Magagalit ako sa k