KABANATA 5

2687 Words
“SINO ANG MOMMY mo, Mira? Si Helga ba?” tanong sa akin ni Sir Arquil. Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko habang hindi mapigilan na kabahan. Hindi ko lang alam kung ano ang isasagot ko sa may ari nitong kumpanya na pinapasukan ko. Tinatawag niya akong Helga sa hindi malamang dahilan. Sino si Helga? Hindi ko siya kilala. “Sir, ako si Mira. Lumaki po ako sa bahay ampunan. Iniwan lang po ako sa labas ng gate ng ampunan ng totoo kong mga magulang,” sagot ko. Napailing-iling siya. “Anak ka ni Helga. Hindi ako pwedeng magkamali roon.” “Wala po akong kilalang Helga, Sir,” giit ko. “Sandali,” sagot niya. Nanginginig ang mga kamay ni Sir Arquil na kinuha ang pitaka sa loob ng kanyang bulsa. Nasaksihan ko pa ang panginginig ng mga kamay niya nang binuksan ito. Pagkatapos, ipinakita niya sa akin ang larawan doon. Nasa larawan ay siya at ang babaeng kasama niya na may hawig sa akin. Lumapit si Ma’am Aurora kay Sir Arquil at tiningnan ang larawan na nasa pitaka nito. Napatingin siya sa akin nang may pagtataka. Palipat-lipat niyang tiningnan ang larawan sa pitaka at ang mukha ko. “Magkamukha nga,” sabi ni Ma’am Aurora. Napangiti ako. “Sino po pala iyan, Sir? Iyan po ba ang asawa ninyo?” Napabuntonghininga si Sir Arquil. “Basta. Hindi mo ba talaga siya kilala?” Napangiti ako. “Hindi po. Pero Sir, napakaganda ng babaeng kasama mo. She looks innocent. Kung sa tingin mo na anak niya ako, hindi naman niya siguro ako iiwanan lang sa tapat ng ampunan, ’di ba? Baka nagkataon lang po na magkahawig kami. Marami namang pangyayaring ganoon.” “Baka ganoon nga. Pasensiya ka na. Nadala lang ako sa emosiyon ko. Mauna na ako. Puntahan ko muna ang anak ko,” aniya. Napatango ako at pumagilid para padaanin si Sir Arquil. Nang nakaakyat na siya sa hagdan, agad akong lumapit kay Miss Aurora. Napahawak naman ako sa dibdib ko sabay upo sa bakanteng upuan na nasa tapat nito. “Kinabahan ako bigla, Ma’am,” pag-amin ko. “Sa tagal na naming magkakilala ni Sir Arquil, ngayon ko pa lang narinig ang pangalang Helga mula sa kanya. Iniyakan pa niya talaga kaya sigurado ako na mahalaga ito sa kanya,” aniya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Nakapagtataka lang kung bakit may ganoon siya sa pitaka niya. Hindi ba dapat mukha ng mga anak niya ang nandoon? Matanong ko nga sa asawa ko pag-uwi ko.” Napangiti ako. “Si Ma’am Aurora, invested.” “Curious lang ako. Para malinawan na rin ako. Wala namang masama kung magtanong, ’di ba?” aniya. “Yes po. Pero chika ninyo po sa akin, Ma’am. Curious na rin ako,” sagot ko. Napangiti si Ma’am Aurora. “Ikaw, ha? Invested.” Napatawa kaming dalawa. Nahuli na lang namin ang sarili namin na nag-high five. Iba talaga ang mga pinoy pagdating sa buhay ng ibang tao. Hindi talaga pwede na hindi ka makikialam. “Sorry po kung invested din ako. Napagkamalan po kasi akong anak ni Helga,” sabi ko. “Bukas, kapag malaman ko sa asawa ko king sino iyang si Helga sa buhay ni Sir Arquil, sasabihin ko sa iyo.” Napangiti ako. “Thank you po. Pero magkakilala rin po ba kayo ni Sir Arquil?” “Magkaibigan din kaming dalawa. Kahit si Sir Atlas. Though kapag dito ako sa company, tinatawag ko sila with respect. Pero sa labas ng company, Atlas at Arquil na lang. Kahit malapit ako sa pamilya nila, kailangan ko pa rin maging professional pagdating dito sa trabaho ko.” “Work etiquette kung baga, Ma’am. Magiging good influence ka po sa karamihan dito. Lalo na po sa akin na bagong tanggap lang,” sabi ko. “Thank you. Alam mo, ang lapit ng loob ko sa iyong bata ka. Sana katulad mo rin ang anak ko kapag magdadalaga na.” “Maraming salamat po sa kind words, Ma’am.” Napangiti siya. “Kumusta ang pag-uusap ninyo ni Sir Atlas?” Napabuntonghininga ako. “Kinakabahan po ako, Ma’am. Pabago-bago po ang mood niya. Sa madaling salita, ang weird niya po. Sabi niya pala, Ma’am, hindi raw po ako makasisimula bukas kung hindi ko maipasa ang neurological exam.” “Well, wala namang masama kung gagawin mo iyon. Lahat naman kami dumadaan sa exam na iyon.” “Pero wala rin naman problema sa akin na ganoon. Sinabi niya kasi iyon nang may pagdududa sa akin. Nakita niya kasi akong tumawa bigla. May naisip lang naman sana akong nakatatawa. Pero siya, hinusgahan agad na baliw ako.” Napailing-iling si Ma’am Aurora. “Si Sir Atlas talaga. But don’t mind him so much. He doesn’t know how to socialize well. Katulad nang sinabi ko kanina, limitado lang ang mga tao na nakakasalamuha niya.” “Yes po. Naiintindihan ko naman po.” “Good thing.” “Ang dami niyang request po sa akin. Pati pwet ko, hindi pinatawad. Need ko raw mag-butt exercise.” Napatawa si Ma’am Aurora. “What matters most is that you meet Sir Atlas’ standard. He just informed you stuff that will help you develop yourself. I believe you should also be grateful for that.” “Sana ganoon nga po. Isa pa po pala, Ma’am, sinabi niya sa akin na sa tuwing may pimples or acne breakdown daw ako, huwag na lang po daw ako papasok. May sahod pa rin kaya ako niyon, Ma’am?” Napangiti siya. “Of course. As long as you are telling the truth.” “Wow! Sana mapadalas ang pimples ko.” “Crazy. But I believe you will enjoy working with Sir Atlas. Our boss is quite attractive. Very appealing to the eyes of every woman. A lot of women go crazy about it. And only the fortunate can get close to that. And you are one of the fortunate women,” sabi ni Ma’am Aurora. Hindi ko mapigilan mapangiti sa kanyang sinabi. “Lucky nga po. Sa dami namin kanina, ako po ang napili,” sabi ko. “See? You are the lucky one, Mira. Welcome to the company.” “Thank you, Ma’am. Pwede ninyo na po ibigay ang schedule ko para makapag-set ako ng alarm pag-uwi ko?” “Okay. Just wait for a while,” aniya. Ilang minuto ang lumipas, binigyan niya na ako ng schedule sa magiging trabaho ko. Napangiti naman ako nang makita na hindi pala ako gaano kaaga papasok. Kahit paano, makatutulog ako nang maayos. Dahil may sapat akong tulog, magiging blooming ako. “Thanks for this, Ma’am,” sabi ko. “Pwede ka ng umuwi, Mira. Nice to meet you. Again, congrats.” Napangiti ako. “Thank you again and again, Ma’am. Nice to meet you, too.” Nang napatayo na siya ay napatayo na rin ako. Hindi naman ako nahiya na yakapin siya. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na masaya akong nakilala siya. Kung magaan ang loob niya sa akin, lalo na ako sa kanya. Hindi niya ipinaramdam sa akin na mataas na ang posisyon niya rito sa kumpanya. Nang aalis na sana ako ay hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. Napalingon ako sa kanya nang may katanungan sa aking mukha. “Yes po?” tanong ko. “Latest model ba iyang phone mo?” Napailing ako. “Hindi po.” “Okay.” Binitawan na ako ni Ma’am Aurora at may kinuha siya sa ilalim ng kanyang mesa. Pagbalik niya sa akin, inabot niya sa akin ang box ng isang latest model ng isa sa pinakasikat at pinakamahal na brand ng phone. “H-Hindi ko po matatanggap iyan. Hindi pa nga po ako nakasisimula,” sabi ko. “Nope. Pangarap mo itong kumpanya kaya sigurado akong hindi mo ito sasayangin. Kailangan mo itong phone, Mira. May pagkakataon na tatawag si Sir Atlas sa iyo. Kapag blurred ang mukha mo sa phone, pwede siyang atakehin ng kanyang sakit at hindi mo magugustuhan ang mangyayari.” Napabuntonghininga ako. “Ganoon po ba talaga kalala ang sakit ni Sir, Ma’am? Pati ang linaw ng camera?” “Yup.” “Paano kung wala akong ayos?” “Always use your mind, Mira. Mag-ayos ka bago sumagot. Ganoon lang kasimple iyon.” Napangiti ako sabay kamot sa aking batok. “Tama pala. Hindi ko naisip iyon. Pero paano kung tanggap niya pala ang mukha ko nang walang nakalagay na palamuti?” “Ganito na lang. Add mo ako sa Instaglow account ko. Send mo sa akin ang bareface mo. Ako na ang bahala mag-send kay Sir Atlas through Biver,” aniya. Napalingon ako sa pangalan niya sa mesa. “That name, Ma’am.” “Yes.” “Sige po. Aalis na po ako. Salamat po rito sa phone.” “Ingat ka.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Pagkalabas ko ng opisina, hindi ko mapigilan ang sarili ko n bumilis ang pintig ng puso ko sa labis na saya. Kinikilig lang ako sa bagong phone na binigay ng kumpanya para sa akin. Nasasabik na akong buksan at gamitin ito. Sana paglabas ko rito sa kumpanya, apartment ko na. Hindi pa man ako tuluyang nakalabas ng kumpanya, napatingin ako sa grupo ni Bridgette kasama ang kanyang mga kaibigan. Sinalubong nila ako kaya bumalik ako sa daan. “b***h!” sigaw ni Bridgette. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Facegrammer account ko. Hindi naman ako nagdalawang-isip na pindutin ang live video. Pagkatapos, inilagay ko na ang phone ko sa bulsa ko sa may dibdib. Katulad nang sabi ko kanina, ayaw ko ng kadramahan sa buhay. Kung gusto nilang sumikat, ibibigay ko iyon sa kanila. Tingnan lang natin kung sino ang mapapahiya. Binilisan ko na ang paglalakad hanggang sa napatakbo na sila. Sinadya ko talaga iyon para magmukha talagang hinahabol nila ako. “Mira Cruz!” sigaw ni Bridgette. Napatigil na ako sa paglalakad at hinarap sila. Napabuntonghininga ako habang hinihintay na dumating talaga silang tatlo sa harapan ko. “Ano na naman ba ang problema ninyo? Matapos ninyo akong sabunutan kanina, aawayin ninyo na naman ako?” sabi ko. “Resign or else?” pagbabanta ni Bridgette. “Or else what?” sagot ko. “Magsisisi ka na hindi mo ako sinunod.” Napangiti ako sabay kuha ng phone ko. Nginitian ko sila nang nakaloloko kaya napanganga sila. Nakita ko ang gulat sa mga mata nila. Nginitian ko sila habang pinilit ang sarili na mapaluha. Mas nanlaki ang mga mata nila nang makita ang ginawa ko. Sigurado ako na nahihiwagaan na sila sa akin. Humarap ako sa camera ko. “Nakita ninyo iyon? Kilala ninyo ba iyang tatlong babae sa likuran ko. Isa sa kanila ay anak ni Carlo Acosta...” “What a damn b***h!” sigaw ni Bridgette. Sinugod niya ako at hinablot ang buhok ko. Hinayaan ko lang siya na gawin iyon sa akin. Ang mahalaga, nakikita ng buong mundo ang kasamaan na ginagawa niya sa akin. “Kung may mangyari mang masama sa akin, tatlong pamilya lang ang pwede ninyong puntahan. Pinagbabantaan nila ang buhay ko. Galit sila sa akin dahil ako ang nakuha sa trabaho imbes na sila. Kayo na po ang bahala para makuha ang hustisya naming mga mahihirap,” sabi ko habang sinasabunutan pa rin ni Bridgette. “Bridgette!” sigaw ng isang lalaki. Binitawan ako ni Bridgette. Paglingon ko kung sino ang sumigaw, pinigilan ko ang sarili na mapangiti. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang humagulgol lang. Kailangan kong panindigan itong ginagawa ko. Ito lang ang tanging paraan ko para makapaghiganti sa kanila. “N-Ninong,” sagot ni Bridgette. Pagdating ni Sir Arquil, pinatay ko na ang phone ko. Pero hinayaan ko pa rin na makuha siya sa video. Pinindot ko na rin ang “Share” para sumikat itong tatlong papansin na pinaglihi sa sama ng loob. Pagdating ni Sir Arquil, nilapitan niya ako. Sinigurado niya na mabuti lang ako. Hinawakan pa niya nang mahigpit ang mga braso ko. Para siyang isang ama na nag-aalala sa anak. Tinitigan ko siya habang hindi mapigilan na mapangiti. Natutuwa lang ako sa malasakit na ipinakita niya sa akin. “You okay?” tanong ni Sir Arquil sa akin. Napatango ako. “Yes po.” Binitawan ako ni Sir Arquil para lingunin si Bridgette. Nang magtama ang mga mata namin ni Marga, kinindatan ko siya. Nanlaki ang kanyang mga mata kaya pinakita ko na lang ang buloy ko para lalo lang siyang mainis sa akin. “Ano na naman ba ang problema mo!? Hindi ka nakakatulong sa ama mo! Lalo mo lang sinisira ang pangalan niya!” inis na sabi ni Sir Arquil. “I badly want the position, Ninong. I want her to step down at ibigay iyon sa akin. Gusto ko maging secretary ni Atlas. Iyon na lang ang tanging paraan para magsama kaming dalawa araw-araw,” sabi ni Bridgette. What a spoiled brat! “Kahit magsama pa kayo araw-araw. Atlas doesn’t like you. Alam mo naman iyon, ’di ba?” sabi ni Sir Arquil. “Kasi hindi pa niya ako nakilala nang lubusan. Time lang naman ang kulang namin dalawa. If we spent more time together, he is unlikely to dislike me. I am perfect, Ninong. An embodiment of beauty.” Napangiwi na lang ang mukha ko sa narinig ko mula sa bibig ni Bridgette. Siya iyong tipo ng tao na hindi na kailangan makarinig ng papuri sa ibang tao dahil siya mismo sa sarili niya ay ang taas ng tingin sa sarili niya. “Kilala ko ang anak ko. Kung gusto ka niya, matagal ka na niyang niligawan. Pero wala siyang ginawa dahil hindi ka nga niya gusto. Bridgette, say sorry to Mira,” sabi ni Sir Arquil. Napalingon ako sa kanila nang nakangiti. Nakita ko ang galit sa mga mata nila pero mas pinili ko pa rin na asarin sila. Kahit doon man lang ay makabawi talaga ako. “Sorry, Mira,” sabi ko nang walang tunog. “No! Why the hell do I care about that slut? Ninong, you’ll come to regret choosing that girl over me!” inis na sabi niya sabay walk out. Napabuntonghininga na lang si Sir Arquil. Paglingon niya sa akin, napayuko na lang ako at nagpupunas ng luha sa mga mata ko. “Thank you, Sir, ha?” sabi ko. Napangiti siya at inabutan ako ng calling card. “Kung may magtatangka muli sa buhay mo, tawagan mo lang ako. Ako na ang magpapaliwanag sa kaibigan ko ng lahat. Pero bakit ba hindi ka lumaban?” “Ano po ang laban ko sa kanila, Sir? Tatlo sila at isa lang ako. At isa pa, iniingatan ko rin ang sarili ko at baka magkapasa pa ako. Ayaw iyon ni Sir Atlas, hindi po ba?” Napangiti siya. “Oo. Pero sa susunod, protektahan mo rin ang sarili mo.” “Ang bait ninyo po.” “Naalala ko lang siya sa iyo,” sagot niya. “Si Helga po?” tanong ko. Napangiti siya at tinapik ako. “Sige na at mauna na ako.” Habang papalayo si Arquil, napanguso na lang ako. Wala naman akong nagawa kung hindi ang umalis na rito sa kumpanya. Napayuko lang ako dahil maraming nakatingin sa akin. Hindi pa nga ako nagsisimula pero mukhang marami ng makakakilala sa akin. Paglabas ko ng kumpanya, agad akong pumara ng taxi. Nang may huminto sa tapat ko, napalingon ako sa paligid ko. Napataas naman ng kilay ko nang mapansin na maraming nakatingin sa akin. Ibinaling ko na muli ang tingin ko kay Manong Driver. “Sorry, Kuya. Hindi po pala sapat ang pera ko.” “Wala ka pa lang pera. Bakit pumara ka? Sinayang mo lang ang oras ko,” naiinis na sagot niya sa akin. Napayuko ako. “Sorry po talaga.” Nang may pampasaherong jeep na dadaan, wala na akong nagawa kung hindi ang pumara. Paghinto nito sa tapat ko, agad akong pumasok. Nauntog ang ulo kaya napasigaw ako. Hindi ko naman mapigilan na manggigil sa labis na inis. “Tu t'y habitueras, moi-même!” inis na sabi ko. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD