3

1101 Words
"Hindi ako uuwi dito bukas. May importanteng lakad ako." Napaangat ng tingin si Flora sa kaniyang asawa na nagmamadaling nagbibihis. Kauuwi lang kanina ni Jack sa kanilang bahay ngunit nag-iimpake na kaagad ito ng gamit. "Bakit hindi ka uuwi? Saan ba ang punta mo? Mahalaga ba masyado iyon para hindi makauwi dito sa bahay?" Matalim siyang tiningnan ni Jack. "Ang drama naman ng buhay mo. Halos dalawang taon na akong ganito sa iyo, ngayon ka pa nagdrama ng ganiyan? At ano bang pakialam mo kung ayokong umuwi dito? Tandaan mo, isa kang tanga-tangang babae. Nang dahil sa katangahan mo, nawala ang anak natin! Alam mo bang matagal ko ng gustong magkaanak? At talagang kailangan ko ng magkaanak!" Nanginginig ang labi ni Flora dahil naiiyak ka na. "G-Gusto mong magkaanak dahil m-may makukuha kang m-mana sa lola mo?" Natigilan si Jack pero ngumisi rin siya. "Oo. Iyon ang totoo. Pedro dahil sa katangahan mo, naunahan pa ako ng pinsan ko. At ngayon, ano? Wala akong napala! Sabagay, hindi ko na rin kailangan ng anak. At hinding-hindi na kita gagalawin pa dahil nandidiri ako sa iyo." Tuluyang umagos ang luha ni Flora. "Bakit ka n-nandidiri sa akin? N-Ni minsan hindi ako nakipag-usap sa kahit sinong lalaki. Lumalayo ako sa kanila." "Basta! Nandidiri ako sa iyo! Sumuko ka na, Flora. Sukuan mo na ang relasyon nating ito. Ikaw ang gusto kong sumuko. Ikaw ang gusto kong makipaghiwalay sa akin. Dahil kung ako ang gagawa ng bagay na iyon, ako ang magiging masama. Kaya gusto kong ikaw na ang gumawa tutal, ikaw naman ang nagsimula ng kamalasan sa buhay ko. Gumagawa lang ako ng paraan para hindi ako lalong kainin ng kamalasan sa buhay. Kaya huwag na huwag mo akong pakikialaman sa mga gusto kong gawin. At hindi rin kita pakikialaman. Kahit manlalaki ka pa diyan. Kahit magpakantót ka pa sa kung sinu-sinong lalaki diyan, wala akong pakialam. Mas maigi nga para lalo akong mandiri sa iyo." Padabog na naglakad palabas ng kuwartong iyon si Jack. Humagulhol ng malakas si Flora. Masakit pa rin sa kaniya na marinig ang mga ganoong klaseng salita sa kaniyang asawa kahit na palagi naman siyang nakatatanggap ng masakit na salita kay Jack. Ngunit kahit nasasaktan na siya, ayaw niya pa ring sumuko. Napapadasal pa rin siya na magkakaayos pa rin silang dalawa ng kaniyang asawa kahit na parang malabo na iyong mangyari. Sumilip sa bintana si Flora. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Jack. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi upang hindi na siya umiyak pa ng malakas. Naaawa siya sa kaniyang sarili. At sa kabilang banda, sinisisi niya rin ang kaniyang sarili sa katangahan niyang nagawa. "Kagigising mo lang?" tanong sa kaniya ni aling Pacing nang tumambay siya sa labas ng kanilang bahay. Alas kuwatro na ng hapon. Marami ng naglalakad-lakad sa labas at naglalarong mga bata dahil wala ng ang araw. Bumungtong hininga si Flora bago tumingin sa babae. "Oo... kagigising ko lang kanina," mahinang usal niya. Tumikhim si aling Pacing. "Namumugto ang mga mata mo. Halatang umiyak ka na naman. Bakit hindi mo pa iwan ang asawa mo kung puro pasakit lang ang dinudulot sa iyo? Hindi ka nga niya sinasaktan ng pisikal pero ang damdamin mo naman ang sinasaktan niya. Nakakabaliw kaya ang ganiyan." "Hindi naman po gano'n kadaling iwan na lang basta ang asawa ko. At isa pa, mahal ang magpa-annul. Wala pa kong sapat na pera para gawin iyon. At kung gagawin ko man iyon, gusto ko iyong sigurado na ako. Iyong buo na ang desisyon ko at hindi na ako iiyak pa para magsisisi sa naging desisyon ko." Kumamot si aling Pacing sa kaniyang ulo bago tinuon ang tingin sa mga batang naglalaro. Ganoon na rin ang ginawa ni Flora. "Ayoko na nga lang magsalita. Wala kasi ako sa posisyon mo kaya hindi ko alam ang nararamdaman mo. Iyong asawa ko kasi mahal na mahal ako kahit na ganito ako, chiskosa at bungangera. Sinuwerte ako sa asawa ko eh. Masipag at maasikaso. Tingnan mo ako, madalas na laging nasa labas, nakikipagchismisan pero hindi nagagalit ang asawa ko. Hindi ko naman inaabuso ang kabaitan niya. Kumikilos ako sa bahay syempre. Ang gusto ko lang sabihin, ang suwerte ko sa asawa ko." Mapait na ngumiti si Flora. "Sana lahat ng asawa, ganiyan. Ako kasi ay minalas. Pinandidirihan na ako ng asawa ko kahit na hindi naman ako n.anlalaki. At siya pa mismo ang nagsasabi na manlalaki ako. Na ako na raw ang sumuko sa relasyon namin." "Sabi ko naman sa iyo, iyan ang gusto niya. Ikaw ang makipaghiwalay para siya ang magiging biktima sa huli. Kaya gawin mo ang sinasabi niya. Manlalaki ka! Tutal, wala naman na siyang pakialam sa iyo dahil mayroon na siyang iba. Gumanti ka! Hindi iyong iyak ka lang nang iyak diyan. Huwag kang maging talunan, Flora. Huwag mong ipakita na mahina ka." Humugot ng malalim na paghinga si Flora bago tumingala. Sa isip-isip niya, sana ganoon lang kadali na humanap ng iba. Lalo pa't hindi naman siya malanding babae. Sumapit na ang gabi, hindi makatulog si Flora kaya naisipan niyang lumabas muna ng kanilang bahay. Magulo ang isipan niya. Iniisip niya kung nasaan na ba ang asawa niya. Kung sino ang kasama nito at kung ano ang ginagawa niya. At nasasaktan siya sa tuwing maiisip siya na hindi naman ganoon sa kaniya si Jack. Sigurado siyang hindi siya iniisip nito. "Bakit nasa labas ka pa? Hinihintay mo ba ang asawa mo?" Napalingon si Flora at saka siya mabagal na umiling. "H-Hindi. Hindi naman iyon uuwi ngayong gabi." Lumikha ng tunog ang labi ni Clinton. "Kailan mo pala balak magpaayos ng sasakyan? Baka kasi sa susunod, magiging busy na ako. Medyo marami ang nagme-message sa akin ngayon. At mas gusto ko iyon para malibang ako ng husto." Tinitigan ni Flora si Clinton. Titig na para bang pinag-aaralan niya ang bawat galaw ng labi nito at ekspresyon ng mukha. At habang tinititigan niya ang binata, lalong nagiging guwapo ito sa kaniyang paningin. Lumunok ng laway si Flora habang nakatingin kay Clinton. "Manong..." Tumaas ang kilay ni Clinton. "Yes?" Maraming beses kumurap si Flora bago nagsalita. "Kaya mo bang ayusin ang sirang buhay ko?" Natigilan si Clinton habang nakatingin kay Flora. Ilang segundo rin iyon bago siya mahinang natawa. "Sasakyan lang ang inaayos ko, hindi buhay ng ibang tao. I'm sorry..." wika ni Clinton bago pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Napakagat labi si Flora bago rumagasa ang luha niya sa mata. Habang si Clinton naman ay nakasilip sa kaniya ng patago mula sa kaniyang bintana. Nakaramdam siya ng awa para sa dalaga ngunit wala siyang gustong gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD