4

1047 Words
"Manong, kumusta iyong sasakyan ko? Maaayos pa ba siya?" kagat labing tanong ni Flora nang mailapag niya ang niluto niyang ulam sa maliit na mesa doon. "Maayos pa naman kaso may mga dapat ng palitan. May mga kinalawang na at nabulok na parts ng sasakyan mo. Mukhang matagal mo na nga itong hindi nagagamit," tugon ni Clinton habang kinukulitingting ang sasakyan ni Flora. Napakagat labi si Flora sabay kamot sa kaniyang ulo. Ang sasakyan pa naman niyang iyon ay ang unang pinagkagastusan niya noong dalaga pa siya. Iyon ang naging sasakyan niya noong nagtatrabaho pa siya. Tumigil lang naman siya sa pagtatrabaho noong nag-asawa na siya. At isa pa, hindi niya rin kasi nabili iyon ng brand new pero maayos na maayos naman ito noong ginagamit niya. "Kumbaga sa pagkain, panis na ang gasolina sa tagal mong hindi ginamit. Bakit kasi napabayaan mo ito? Kahit sana inikot-ikot mo o ito dito. Ang mahalaga napapaandar ang makina. Mukhang kinagat na rin ng daga ang wirings," dagdag pang sabi ni Clinton. Napangiwi si FLora. May sasakyan din naman kasi ang asawa niyang si Jack. At noong okay pa ang pagsasama nila, palagi silang lumalabas at sasakyan ni Jack ang gamit. Kaya hindi na napapansin ang sasakyan niya. At isa pa, wala rin namang ibang pinupuntahan si Flora noon dahil naka-focus lang siya sa kaniyang asawa. Binuhos niya ang buong atensyon sa kaniyang asawang si Jack at dumistansya pa nga siya sa kaniyang mga kaibigan. "Wala eh... masyado akong nag-focus sa asawa ko. Siya kasi ang unang lalaking minahal ko. Ang naging una ko sa lahat. Kung pinalawak ko lang sana ang isipan ko noon at nagtiwala ako sa kaniya, hindi sana mawawala sa amin ang anak namin. Hindi ko lubos akalain na sobrang mahalaga pala sa kaniya ang magkaroon ng anak." Tumigil si Clinton sa kaniyang ginagawa. "Kung mahalaga pala sa kaniya, bakit hindi na lang kayo gumawa ulit? Madali lang namang gumawa ng bata kung tutuusin. Parang iyan na lang ang exercise at bonding niyo sa kama bilang mag-asawa." Yumuko si Flora bago pinagsalop ang kaniyang kamay. "Ayaw na niya eh. Hindi ko alam kung bakit. Tama ka naman, madaling gumawa ng bata. Ayos nga lang sa akin kung bugbugin niya na ako sa kama. Patuwarin, pagulungin o kahit anong posisyon pa basta makabuo kami pero ayaw niya talaga. Ayaw na niya sa tahong ko," seryosong sabi niya. Natatawang napailing si Clinton. "Loko ka rin pero bakit naman ayaw na niya? Hindi ka naman siguro nagloko, 'di ba?" "Syempre hindi. Bakit naman ako magloloko eh kontento na ako sa asawa ko. Ni minsan nga hindi ako lumabas ng bahay na ito para makipag-usap sa lalaki. Talagang babae lang ang kinakausap ko para maipakita ko sa kaniya na siya lang ang lalaking mahal ko. Nilayuan ko rin ang mga kaibigan kong lalaki pero wala... nagbago na talaga siya. At .. at ramdam kong hindi na talaga niya ako mahal." Pumiyok si Flora matapos niyang sabihin ang huling katagang iyon. Napalunok ng laway si Clinton nang tingnan niya si Flora. Bumuga siya ng hangin bago tumigil muna sa kaniyang ginagawa. Naghugas siya ng kamay at saka nagtungo sa kusina upang magsandok ng kanin. "Kumain ka na ba? Sabay na lang tayong kumain dito." Napaangat ng tingin si Flora bago tipid na ngumiti. "S-Salamat, ha? Ngayon na lang ulit ako kakain nang may kasabay. Ang tagal na rin noong huli naming kumain ng sabay ng asawa ko. Kahit sa pagkain, ayaw na niya akong sabayan. Napakalaki talaga ng naging kasalanan ko sa kanya kaya husto ang galit niya sa akin," nanginginig ang boses niyang sabi. "Hayaan mo na muna ang asawa mo. Isipin mo muna ang sarili mo. Halata sa mukha mo na stress ka eh. Hayaan mo siya kung ayaw na talaga niyang magkaayos kayo. Kung ako sa iyo, magsimula ka ng mag-move on paunti-unti. Alam kong hindi madali pero base sa nakikita ko at kwento mo, mukhang malabo ng bumalik ang dati mong asawa. At hindi naman sa nakikialam pero kapag ganiyan na ang isang lalaki, may bago na iyan. Kaya huwag ka ng magulat." Kinagat ni Flora ang pang-ibaba niyang labi upang pigilang maluha. Ayaw niyang umiyak. Napapagod na ang mata niyang umiyak. Palagi na lang kasi siyang umiiyak sa tuwing nalulungkot siya. Sa tuwing mag-isa siya sa kama. Naaalala niya ang masasayang gabi nilang dalawa ni Jack. "W-Wala ka ba talagang k-kilalang marunong mag-ayos ng buhay? G-Gusto kong maglibang. G-Gusto kong maibaling ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi ako nagiging ganito. Iyong nalulungkot ng sobra at napapaiyak na lang. Sinabihan niya akong manlalaki para maibaling ko ang atensyon ko sa iba pero hindi ko kaya. Parang dinungisan ko lang ang sarili ko no'n kung sakaling maghahanap ako ng ibang lalaki para sumaya..." Tuluyan ng bumuhos ang luha ni Flora. Habang si Clinton naman ay napakagat labi na lang sabay iwas ng tingin. Hindi niya gustong makakita ng babaeng umiiyak. Naaalala lang niya ang asawa niya dahil mababaw ang luha nito. Kaunting salita lang na masasaktan siya, maiiyak na siya. At palaging pinatatahan ni Clinton ang yumao niyang asawa. "Huwag ka ng umiyak diyan. Ang pangit mong umiyak. Maganda ka sana pero ang pangit mong umiyak eh," prangkang wika ni Clinton. Natigil tuloy ang pag-iyak ni Flora at saka tumingin sa binata. "Sobra ka naman, manong! Panira ka ng moment eh! Kita mong nasasaktan ako kaya ako umiiyak! At saka pumapangit talaga ang mukha kapag umiiyak!" asik niya. Tumaas ang kilay ni Clinton. "Ikaw ang panira ng moment. Imbes na kumain na lang tayo, umiiyak ka pa. Mamaya ka na umiyak diyan kapag tapos ng kumain. At isa pa, may mga babaeng maganda pa rin kahit na umiiyak. Pero ikaw, hindi. Nalulukot ng husto ang mukha mo. Para kang palakang umiiyak." Nanliit ang mata ni Flora at saka humalukipkip. Habang si Clinton ay nagkibit balikat lamang. "Ano? Sasabay ka bang kumain? Kumuha ka ng ulam mo sa bahay niyo dahil sa akin itong ulam na bigay mo. At saka kumuha ka rin ng sarili mong kanin dahil sakto lang ang sinaing ko." Napaawang ang labi ni Flora sabay iling. "Ibang klase ka rin, manong! Teka sandali hintayin mo ako! Kukuha lang ako ang sarili kong pagkain!" bulyaw niya bago patakbong nagtungo sa loob ng kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD