2

1246 Words
"Kumusta ka naman, ineng? Sa tagal kong nakatira dito pati na rin ang pagiging chismosa ko, ni minsan hindi ko nakita ang asawa mong nilabas ka. At madalas na naririnig kong sinisigawan ka niya. Bakit ganiyan ang asawa mo, ineng? Pasensya ka na matanong ako, ha? Ngayon na ako naglakas ng loob sa iyo na kausapin ka tutal, dati pa talaga kita gustong kausapin! Hindi lang ako makahanap ng magandang tiyempo at palagi ka rin kasing nasa loob ng bahay ninyo," wika ni aling Pacing - ang chismosa nilang kapitbahay. Katapat lang ng bahay nila ang bahay ni aling Pacing at kilala siyang chismosa doon. Tila isa siyang human CCTV sa subdivision na iyon. Tipid na ngumiti si Flora. "Hindi naman po siya ganiyan noon. Nagbago lang siya sa akin simula nang mawala ang baby namin. At kasalanan ko po iyon," halos pabulong niyang sabi. Napaawang ang labi ni aling Pacing. "Ay ganoon pala. Naku! eh bakit hindi na lang gumawa ulit ng bago? Magkantutan ulit kayong dalawa!" Muntik ng masamid si Flora. "Grabe naman ang bunganga niyo, aling Pacing!" Alanganing ngumiti ang ale. "Pasensya ka na pero bakit hindi na lang kayo gumawa ulit? Hindi mo naman ginusto na mawala ang anak ninyo eh. Madalas ko siyang nakikitang gabing-gabi na kung umuwi. Hay naku, Flora! Ang mga ganiyang galawan ng lalaki, may ibig sabihin na iyan. May ibang babae na ang asawa mo. Maniwala ka." Kinagat ni Flora ang pang iba niyang labi. Iniisip pa lang niyang may iba na ngang talaga ang kaniyang asawa, parang pinipiga ang kaniyang puso. "Huwag kang magpakatanga sa kaniya kung ayaw na niya sa iyo. Ikaw lang din ang kawawa. Makipaghiwalay ka na. Mag-annul na kayo. Kaysa naman nabubugbog ang isipan mo. Noong unang dating niyo dito, ang fresh mo pang tingnan. Pero ngayon, haggard ka na masyado. Bata ka pa, 'di ba? Ilang taon ka na nga ulit?" "Twenty five po." Lumaki ang mata ni aling Pacing. "Oh, 'di ba! Ang bata mo pa nga! Dinaig ka pa ni manong Clinton! Iyong kapitbahay mong guwapo at matipuno ang katawan! Alam mo bang kuwarenta'y syete na ang lalaking iyon? Malapit ng magsingkwenta pero tingnan mo naman ang itsura. Parang nasa edad trenta lang! Ano kaya ang sikreto niya? Gusto ko tuloy malaman kung ano ang skin care niya eh." Napatingin si Flora sa bahay ng lalaki. Wala si Clinton doon dahil may pinuntahan ito. Napaisip tuloy si Flora kung bakit hindi pa rin nagkakaroon ng pangalawang asawa si Clinton. "Siguro ganoon talaga kapag hindi stress. Kapag walang iniisip. Mag-isa lang siya sa bahay niyang iyan. Libangan niya ang pag-aayos ng kotse. Ang galing niyang magkalikot ng mga sasakyan." "Totoo iyan. Kaya nga iyong mga babaeng nagkakagusto sa kaniya, kadalasan mga dalaga pa eh gustong ipakalikot na rin kay manong ang mga puday nila. Ang haharot! Ang sarap kurutín ng mga tínggil!" gigil na wika ni aling Pacing. Mahinang natawa si Flora. "Siguro iniisip nila na masarap magmahal ang isang may edad na lalaki. 'Di ba nauso na ngayon ang pagkakaroon ng relasyon ng matandang lalaki at batang babae? Kahit mga artista, ang tatanda ng mga asawa nila o boyfriend." Tumango-tango si aling Pacing. "Sabagay uso na nga iyan. Age doesn't matter sabi nga nila. Kagaya na lang sa iyo, kasing edad mo ang asawa mo, 'di ba? Hindi pa sawa sa pagkabinata iyan kaya kung kailan may asawa na, doon pa naging maloko. Hinihintay ka na lang ng asawa mong sumuko. Ganiyan ang mga teknik ng mga lalaking gusto ng makipaghiwalay. Talagang itatrato ka nila ng masama para maubos ka at makipaghiwalay na sa kanila. Para kapag may nagtanong, sila ang biktima. Sila ang iniwan." Napaisip bigla si Flora. Ganoon nga ang trato sa kaniya ni Jack. Hindi na asawa. Kundi isa ng kaaway. Masakit man pero iyon ang totoo. 'Gusto na ba talaga ni Jack na matapos ang relasyon naming dalawa? Gusto na ba talaga niyang sukuan ko na siya? Bakit ayaw na lang niyang magsimula kami? Bakit gusto niya pang matapos ang kung anong mayroon sa amin?' "Basta, ineng payo ko lang sa iyo, huwag kang maging martir. Ikaw lang din ang kawawa sa huli. Sayang ang ganda mo. Marami ka pang mabibingwit na lalaking mas higit pa sa asawa mo. One hundred percent sure ako na may babae na ang asawa mo. Baka isang araw magulat ka na lang, nakasalubong mo na pala ang babae niya. Oh siya dito na muna ako, magluluto muna ako ng hapunan namin." Naiwan na lang na mag-isa sa labas ng bahay si Flora. Bumuntong hininga siya at saka tumingala. Nakatingin lamang siya sa kalangitan ngunit blangko ang kaniyang isipan. Mayamaya pa, dumating na ang sasakyan ni Clinton. Napatingin siya doon. Nagtama ang paningin nilang dalawa ngunit nag-iwas din kaagad ng tingin si Clinton sabay suklay ng kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri. "Manong... bukas ba may aayusin kang sasakyan? Ipapaayos ko na sana ang sasakyan ko. Para makapaggala-gala rin ako kahit paaano. Gusto kong maglibang eh." Napangiwi si Clinton sa pagtawag sa kaniya ni Flora ng manong pero hinayaan na lamang niya iyon. Hindi naman na kasi siya bata pa. Pang manong na talaga ang edad niya. "May aayusin akong isang sasakyan pero sa tingin ko, matatapos ko rin kaagad iyon. Isusunod ko na lang ang sa iyo. Ayos lang ba sa iyo iyon?" Tumango si Flora sabay ngiti. "Opo, manong. Salamat, ha? Nakakahiya man pero wala pa talaga kasi akong pera. Teka sandali, kumain ka na ba? Nakapagluto na kasi ako ng hapunan eh. Gusto sa kitang bigyan ng niluto kong ulam." "Okay sige. Tamang-tama, kakain pa lang ako. Salamat." Ngumiti ng matamis si Flora. "Sandali lang, ikukuha kita," aniya bago nagmamadaling pumasok sa loob ng kanilang bahay. Kumuha siya ng lagayan ng ulam. Katamtamang dami ang binigay niyang ulam kay Clinton. Paglabas niya ng kanilang bahay, wala na sa labas ang lalaki. Dumiretso na lang s'ya sa bahay nito at kumatok sa pinto. Wala naman kasing gate ang bahay ni Clinton. Ganoon din ang bahay nina Flora. Wala silang gate at ang tanging bakod nila ay mga halaman. "Manong! Manong! Manong Clinton nandito na po ako! Dala ko ang ulam para sa iyo!" sigaw niya mula sa labas ng pinto. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at tumambad sa kaniya ang basang buhok hanggang dibdib na basa ni Clinton. Napatitig siya sa six pack abs nito at napukol ang mata sa umbok sa pagitan ng hita nito. Makailang ulit siyang lumunok ng laway bago inilipat ang tingin sa mukha ni Clinton at saka pilit na ngumiti. "I-Ito na iyong n-niluto kong u-ulam. P-Pasensya ka na kung ito lang ang offer ko sa libre mong pag-ayos ng sasakyan ko," nauutal niyang sabi bago kumagat labi. Kinuha naman ni Clinton ang inabot niyang paper bag. "Salamat sa ulam na ito. Huwag ka ng mahiya pa. Ako naman ang nag-offer sa iyo ng libre. Hindi ka naman namilit sa akin na ilibre iyon. Oh siya, kakain na muna ako. Salamat ulit." "S-Sige... w-walang anuman..." aniya at humabol pa ng tingin sa katawan ni Clinton bago nito isinara ang pinto. Mabagal siyang naglalakad pabalik sa kanilang bahay habang iniisip ang basang buhok ni Clinton pati na ang dibdib nito. Napailing-iling siya sabay batok sa sarili. 'Ano ba naman itong si Manong! Pang model ang dating! Ibang klase ang itsura niya kanina! Partida, malapit na siyang magsingkwenta pero iyong lakas ng dating niya at postura, ibang klase! Dinaig pa ang ibang lalaki! Nakakapaglaway!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD