06

2128 Words
“Huh!? nandito sila ate Zoe sa labas!” Pinapasok nila sa room sila ate Zoe at yung mga kasama niyang iba, nilibot ni ate Zoe ang paningin sa paligid upang makita ang lahat kung anong ginagawa. “Kami na bahala sa pag make up.” Kinuha ni ate Zoe ang make up mula sa bag niya at naglakad papuntang teachers desk, yung ibang kasama ni ate ay nag presentang sila na sa buhok at yung iba ay sa mga props. Ngayon na ang competition ng sayawan hindi na isasali si Kris at Yumi dahil sila sa Mr. and Ms. Mono. “Whaaa! Yumi ang ganda mo!” sigaw ni Ellah, kakapasok lang ni Yumi sa room na hindi pa nag hahanda. “Matagal na akong maganda… Ate Zoe hi po!” Kilala pala ng lahat si ate Zoe running for Valedictorian kase siya sa batch nila kuya, at maganda din siya, mabait din pero medyo mataray. “May mag mamake up na ba sayo?” Tanong ni Ate kay Yumi tumango naman eto kaya bumalik na sa pag mamake up si ate, Handa naman kami sa sayawan. “Hoy! yung kabilang room gaya gaya satin! Kapal nila noh!?” hinihingal na sabi ni Marco papasok ng room, inis siyang umupo sa sahig at tumayo din agad ng Makita si Yumi. “Galingan mo ha! hayst yakang yaka mo na toh! baka Yumi namin yan!” pataas taas pa ang kilay ni Marco habang tinitignan si Yumi. Umalis na si Yumi at Kris dahil sa ibang room pala sila aayusan. Gusto ko ng lumabas ng room kaso hindi naman ako papayagan na lumabas ng iba dahil hindi pa daw ako presentable tignan. “Ako susunod ha!” Sigaw ko para siguradong ako na talaga ang isusunod. Nag lilibot lang muna ako sa room dahil walang magawa, Nakita ko sa tabi ang neon red at neon green na flag gagamitin namin sa sayaw yun. Napractice na din namin gamitin to sa court dati pero 9 pm nayun para walang makakita. “Pikit Eva.” saad ni ate sakin ako na ang minimakeupan niya ngayon, Pumikit naman ako. “Si kuya ba nagsabi sa inyo na tulungan kami?” Hindi siya sumagot kaya unti unti ko nang binuksan ang mga mata ko. “Hindi. Gusto ko kayo tulungan, kailangan ba may rason?” Tinaasan niya ako ng kilay kaya napatawa ako, Pinikit ko ulit ang mga mata ko para mapagpatuloy niya ang pag make up sakin. “Ang ganda ng pilikmata mo. Ang ganda mo din” Napangiti ako dahil sa narinig ko, hindi pa kami close pero sinusubukan niya akong ‘e approach. Nanatili akong tahimik at hinihintay na matapos ang pagmake up sakin. “Ev- hoy! ang ganda mo!” Sigaw ni Ellah, Agad naman akong pinalibutan ng mga babae. “Eto ilagay mo sa buhok ha! ang ganda mo!” Pinisil pisil niya pa ang pesnge ko kaya tinapik ni Ate Zoe ang kamay ni Ellah. “Aray ate ang sakit ha!” Pinagsabihan siya ni ate na wag hawakan ang pesnge ko baka mabura ang make up sa mukha. “Hoy! Marco samahan mo mag bihis sa cr si Eve! maraming tambay akong nakita kanina malapit sa cr” Tinulak ni Shine si Marco palapit sa gawi ko, mag bibihis na kase ako para hindi na ako pagalitan nila mamaya. “Bat ako!?” Nag lakad muna si Marco papunta sa upuan niya bago siya huminto sa upuan ko ngayon. “Tara Eve! Kain din tayo kapag natapos kana.” Hinatak na niya ako paalis ng classroom. Habang naglalakad kami ay tahimik lang siya, di ako sanay na tahimik siya kaya nagsalita na ako. “Sinabi mo na ba sakanya dati? yung nararamdaman mo.” Gulat siyang napatingin sakin bago tumawa, ang dalawang kamay niya ngayon ay naka patong sa likod ng ulo niya. “Maraming beses na… Pinaramdam ko pa nga kaso… wala haha gusto niya talaga si Justine.” Oo nga pala, may jowa si Shine… paano magiging sila? pero malay namin? malay natin. “Single ba yan Marco? Ang ganda naman!” Tinaasan ko lang sila ng kilay habang si Marco naman ay tinitigan lang sila nang walang emosyon. “Maganda ba kapatid ko? yung kamao ko maganda din ba?” Inakbayan ni kuya yung dalawang lalaki, nakangiti lang ito nang nakakatakot. Umiling naman ang dalawa at umaktong may gagawin pa sa gym. “Kuya buti nalang dumating ka kaagad baka nabasag ko na mga mukha nila!” Inis na sabi ni Marco kay kuya, gulat namang tinignan ni kuya si Marco. “Hala totoo!? nakakatakot ka naman nanginig bigla buong katawan ko!” Niyakap pa ni kuya ang katawan niya nag papanggap na takot. “Oh! pati ikaw natakot! ako lang toh” tinaas taas pa ni Marco ang kilay niya, nag usap muna sila sa labas ng cr kaya nagbihis na ako sa loob. “Ngapala nakita niyo si Zoe?” tanong ni kuya sinabi naman ni Marco na nasa classroom tinutulungan kaming mag ayus. Hindi na sumama si kuya samin pabalik nang room dahil mag sisimula na ang Mr and Ms. Mono maya maya. “Pangalawa tayong mag peperform!” Tumakbo pabalik si Lincoln matapos niyang Makita ang number namin. Masyadong mainit sa gym kaya pumunta muna ako sa kainan para bumili ng tubig. “Nandito ka din pala!” Saad ni Justine nang makapasok ako sa kainan, bumibili din siya ng water bottle. “Asan si Shine?” tanong ko sa kanya, ang sabi naman niya ay nasa Gym nagpaiwan. Binigyan niya ako ng water bottle kaya hindi na ako nakabili. Palabas na kami sa kainan dahil baka nandoon na din ang ibang grupo nang sasayaw. Marami siyang kwinento sakin kaya maingay kami habang papuntang gym. “Hawakan mo muna toh!” Agad na binigay sakin ni Ellah ang tarpaulin, dahil na curious ako kung anong nakalagay sa tarpaulin ay agad ko etong binuksan. “Go! Yumiro Jae Yamashita” Pagbabasa ko sa laman nang tarpaulin agad naman naghiyawan ang lahat nang lumabas na si Yumi, kaya nakisigaw na din ako. Meron din palang tarpaulin si Kris ang nakasulat naman ay ‘Kristopher Lorris Lore! you have my full support!’ meron din palang mukha nila sa tarpaulin pero hindi gaanong malaki. “Yuris! Yuris! Yuris!” Sigaw ng lahat nang lumabas na din galing backstage si Kris, biglang nagkagulo ng biglang maghawak kamay ang dalawa, maraming kinilig lalo na si Ellah. Hinampas hampas niya na ngayon si Marco dahil sa kilig, nadamay pa si Shine na nanahimik lang kumakain. “Pa-ihiin niyo na ako! baka maka-ihi ako kakatili dito! hoy tama na ang kilig!” sigaw ni Ellah, tinakpan na ni Marco ang tainga niya dahil sa lakas nang sigaw nito malapit sa tainga niya. “Mabibinge na ako Ellah! whaaaa walang kiss jan Yuris!?” Saad ni Marco, napailing lang habang nakatingin si Shine sa mga kaibigan niya. Nagbibihis na nang ibang damit sila Yumi at Kris kaya sasayaw na muna ang unang grupo. Nanonood lang kami habang may sumasayaw, medyo na aantok na ako dahil wala nang nag iingay ngayon. “Boring naman nang sayaw nila.” Saad ni Cyrus, Sumang ayon na naman agad si Lincoln sa kanya. Nilait lait pa nila ang stepping dahil basic lang daw masyado. Pagkatapos sumayaw nang unang Grupo ay pinagpatuloy na ang Mr. and Ms. “Ay! bet ko yung costume ni #4!” sigaw ni Ellah nag talo pa sila ni Marco dahil mas maganda daw ang costume ni #6. Maganda naman lahat… kulang lang sa confidence yung iba. “Whaaa! wala na tinalo na sila ni number #10!” Nag hiyawan ang lahat nang Makita si Yumi, dala dala niya pa ang ngiti sa labi. Pangarap nila paglaki ang costume na sinusuot nila, kay #4 ay Criminal at pulis. Di ko alam kung pangarap niya ba talaga yun o trip lang nilang ‘e bagay. Si #6 naman ay Apoy at fireman… masyadong mahirap ang gusto ni ate girl… apoy. “Whaa! #10 Sampalin moko nang glitter!” Sigaw ni Shine, Lumabas kase si Yumi na naka red dress pero noong umikot na siya bigla etong humaba at naging kulay puti na may glitter nalang. Napansin ko ding tumakbo papunta sa stage si Kris, tinakbo niya ata mula classroom papuntang stage, agad niyang binigay kay Yumi ang bouquet at inayos ang kwelyo niya… Groom at bride… ngayon ko lang napagtanto. “Guys! just like before! ‘e uwi natin ang panalo!” Sumigaw muna kami bago pumunta sa harapan. Kami na ang sasayaw ngayon. Nakayoko kami dahil hindi pa naman nagsisimula ang tugtog. Hindi naman ako nahihiya kapag nagsayaw sa harapan nang maraming tao. Bat ako mahihiya? Noong narinig na naming ang first beat ay nakatingin na kami sa maraming tao, sabay sabay naman kaming naglakad palayo sa pangalawa at pangatlong beat. Hanggang sa nagsimula na talaga ang tugtog. “Shit.” Mahina kong sabi ng biglang bumagsak ang buhok ko, hindi ako naka upo dahil sa mahirap na sumunod sa kanila kaya nanatili nalang ako, hinihintay ang sunod na beat. Sabay sabay silang napatingin sakin habang nakatingin lang ako sa harapan, pero ramdam ko ang titig nang mga kaklase ko sakin. Sinuklayan ‘ko ang buhok ‘ko gamit ang daliri ‘ko when I hear the first beat… I smirk when I hear another one. Sabay pa nga kaming gumalaw ng tumugtog na ulit, naghiyawan ang lahat nang biglang tumambling si Marco, na aangat angat kase ang damit niya kaya kitang kita ang tyan… Hmm oo na, yung abs niya. I smirk again when the judges looked at me. I also lick my lower lips dahil nanunuyo na. Nang matapos na tugtog dali dali kong inakbayan ang katabi ko, for a pose. “Nang gugulat ka naman bigla Eve! haha” saad ni Justine, siya pala yung na akbayan ko. bumitaw naman ako agad para makapag bow na at umalis, tumalon talong pa ang iba dahil nagawa daw namin nang sabay sabay. “Eve got the spotlight! s**t! ang galing talaga nang lahat! sure win na tayo!” hindi lang grade ang matatanggap namin… If ever na mag champion kami pwede pa kaming makakuha nang 6k na cash. “Tignan niyo naman! mang aagaw nang costume oh! pero ayus lang bawi naman tayo sa dancing skills natin! either tayo or sila ang mananalo ngayon!” Saad ni Lincoln umalis na muna ang iba dahil mainit sa gym. “May ipapabili kayo? Shine ikaw?” tanong ni Marco nakatingin lang si Shine sa harapan at ‘tila di narinig ang sinasabi ni Marco, na patingin naman sakin si Marco at mapait na ngumiti. Ngumiti naman ako sa kanya at binigyan siya nang pera pambili nang junkfoods, nang makabalik siya ay nakikain nadin si Ellah sa pianabili ko. Biglang tumahimik si Marco kaya sinundan ko ang tinitignan niya, nang mapagtanto ko kung sino ang tinitignan niya ay agad kong siniko si Ellah sa tabi ko, agad naman niyang nakita ang pinapahiwatid ko. Dali dali siyang umupo sa tabi ni Marco at malapitang tinignan si ito, Nagulat pa si Marco pero hindi siya umiwas nang tingin. “Hay nako! pawisan ka!” Agad na sinabi ni Ellah at kinuha ang face towel sa balikat niya, ginamit na pang punas sa mukha ni Marco na tawa naman ako dahil gingaya na niya ngayon si Shine na pinupunasan si Justine. Ang pinagkaiba nga lang nila ay si Shine dahan dahan lang ang pagpupunas habang si Ellah naman ay kulang nalang mabura ang mukha ni Marco kakapunas. “Eve tulungan mo nga ako! masyadong pawisan ang anak ko!” hinagis niya sakin ang Towel ni Marco at dahil si Ellah naman ang bahala sa mukha, kaya ako na ang bahala sa likod, masyado nga siyang pawisan. “Sana all.” mahinang bulong nang mga nasa likod ko, gwapo nga talaga si Marco ‘no? “T-tol Tulong papatayin na ako ni Ellah.” tinaas niya ang kamay at tinitignan ang sealing. “Nakakakita na ako nang liwanag!” saad niya agad naman tinapik ni Ellah ang kamay niya kaya mabilis etong bumaba. “Mahirap patayin ang masamang d**o!” Masama naman siyang tinignan nito at inirapan. Hinihintay na lang namin ang announcement kung sinong nag champion at kung sino ang Mr. and Ms. Mono. Nasa harapan talaga kami dahil alam naming kami ang nag champion. Ang mangyayari kase ay Third place at third runner up, Second place at Second runner up, at pang huli ay Champion at Mr. and Ms. Mono. Agad kaming naghiyawan nang tinawa ang dalawang #10 for second runner up. Ayus na din yun. “At ang champion para sa sayawan ay walang iba…. kung hindi ang number…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD