05

2140 Words
Nakatingin lang ako sa lalaking nasa harapan ko ngaayon, hinihintay ang ‘e sasagot niya. “Zoe… Si Eve kapatid ko… Eve si Zoe girlfriend ko.” Napasinghal ako dahil sa di makapaniwalang pangyayari. He’s dating? tas hindi ko alam? sabi niya di namin kailangan mag sekreto sa isa’t isa. Tina asan ko ng kilay ang babae at ganoon din ang ginawa niya. Sumunod kong tinignan ay si kuya na kumakain nang order namin. Nandito din ang iba pa, kumakain na rin. Hindi ko talaga ina-asahan na may ‘e gagala siya! like akala ko ba wala sa plano niya yun? “Kuya akala ko ba walang sekreto sekreto?” pinanliitan ko siya ng mata habang mabilis niyang kinakain ang burger, pagtingin niya sa gawi ko ay agad na siyang nabulunan, nag madali namang inabot ni Kris ang tubig na malapit sa kanya. Nabalot kaming lahat ng katahimikan, kaya ginawan na ni Marco ng paraan. “Kuya! tignan mo oh! Couple kami ni Eve. Hiramin ko lang ngayon si Eve kuya ha!” walang emosyon namang tinignan ni kuya ang mga damit namin, tinignan niya muna ako matapos niya akong tignan ay nilingon niya naman sunod si Shine. “Hmm… Halata ka masyado kokoy” pailing niyang sabi bago kumain ulit ng burger, naki inom na din siya sa milktea ko, ang kapal talaga ng mukha! Si Marco naman ay di makapaniwala habang tinitignan si kuya, tinakpan niya pa ang naka nganga niyang bibig at lumingon sa ibang deriksyon. “Eva! bat mo naman kwinento kay kuya yung palayaw ko! ang badoy pakinggan!” Napakurap ako ng ilang beses bago na proseso nang utak ko lahat, kinulit kulit ako ni kuya dati kung ano yung nickname ni Marco, baka daw balang araw magamit niya yun laban kay Marco. “Huh!? Ayoko kaseng mag sinungaling kay kuya! kaya sinabi ko na!” totoo naman ang sinabi ko tinanong ako ni kuya kung may nickname ba si Marco at ang sabi ko ay ‘Oo’ dahil totoo namang meron siya non. Hindi pa nagkakaboses ang tawa ni Ellah ay agad ng tinakpan ni Marco ang bibig nito, alam niyang lalaitin lang siya ng kaibigan niya, ang tawa ni Ellah ay nakakahawa talaga hindi ka matatawa sa palayaw ni Marco, matatawa ka sa tawa ni Ellah. Napag desisyonan naming sama sama nalang kami lahat, pupunta muna kami sa fun time at kapag nagsawa na ay doon sa rooftop ng mall, makikita kase kung gaano ka lawak ang lugar dito. “Ay bungga! ang ganda dito ha! sayang di ko dala camera ko, ang ganda sana mag picture dito!” Nilabas nalang niya ang phone at kinuhanan ng picture ang loob ng fun time, masyadong maraming kulay ang makikita mo, ‘ang laki din ng fun time kaya hindi masikip at makakapag saya ka talaga. “Ngayon lang din kayo nakapasok dito?” tanong ni ate Zoe sa kanila tumango naman ang lahat habang namamangha sa loob. Nag bigay ako ng 50 pesos sa kanila para pang dagdag sa bibilhin nilang token. Di naman ako mag sasaya ng sobra dito tamang relaxation lang. Napa-awang ang bibig ko ng Makita si Marco na pabalik na dito. May hawak siyang 2 bucket na punong puno ng tokens, kumuha silang lahat ng kung ilang gusto nila, sabi ni Marco ay may discount daw sa bucket kaya yun nalang ang binili niya. Hindi ako sumama sa kanila at binabantayan lang yung mga bucket, sabi ko ay mag hihintay nalang ako dito sa upuan, si Ellah ay hindi din nag lalaro tamang kuha lang siya ng litrato, ‘di ko na Makita ang presensya ni kuya at ate Zoe sa paligid, baka nasa kabilang fun time sila ngayon. Si Yumi ay tumatawa naman habang pinapanood si Kris namamaril, kapag may mataman ka daw may makukuha kang prize, sa kabila naman ay dart same lang din sa nilalaro nila Kris kung anong nakasulat sa naputok na ballon yun ang makukuha mong prize. Si Marco naman ay nakikipag karera sa mini race, siya ang pinaka malakas ang tawa dito, ang layo ko na nga sa kanya pero naririnig ko parin tawa niya. ‘Kung sino ang mananalo may premyong matatanggap, napansin ko ding may mga taong nag pupustahan. “Ayaw mo talagang maglaro?” Lumapit si Ellah sakin at kumuha ng isang token, nakangiti akong umiling para sa sagot ko. Naglaro siya sa claw machine, sinusubukang makakuha ng mga chocolate. “Ang swerte.” Bulungan ng dalawang babae, habang nakatingin sa tinitignan nila, nakakuha pala si Ellah ng malaking teddy bear na may Chocolate, nakangiti siyang bumalik kung saan ako nakaupo at binigay sakin ang teddy bear kinuha ko naman ‘to agad, dinala niya yung isang bucket, sampong token nalang ata ang laman ng bucket na yun. Bumalik si Ellah sa claw machine, hinihintay ang oras niya. Yung mga lalaking na una sa kanya ay walang nakuha kahit isang kunting chocolate manlang. “Miss, paano mo yan nagawa? whaa sunod sunod mong nakukuha yung mga teddy bear!” apat na teddy bear ang sunod sunod niyang nakuha, yun nalang din ang natirang malalaking teddy kaya yung natitira niyang coins ay ginamit niya upang maka kuha ng mga maliliit na chocolate. “Inyo na toh oh!” binigay niya lahat ng maliit na chocolate doon sa mga lalaki, Masaya naman niyang niyakap ang apat na teddy bear at bumalik ulit kung saan ako naka upo. “Kompleto na Eve! Sakin… Sayo… Kay Yumi… Kay Shine hala sobra pala ng isa! bahala na nga” Kinalikot ng kamay ko ang teddy bear na binigay sakin napansin kong may zipper ang likod nito kaya agad kong binuksan “Wow may mga chocolate din pala sa loob ng teddy bear!” sigaw ni Ellah, masyado na kaseng maingay dito kaya kailangan ng lakasan. Kinain ko muna yung sa box ng teddy bear, tsaka ko na cguro kakaainin yung iba kapag na alala ko. Sabay sabay na bumalik sina Yumi, Kris, Shine Justine at Marco. Lahat sila ay may mga napanalonang dala, binigay na ni Ellah sa dalawa yung mga teddy na may chocolate, nakatayo nako ngayon para Makita ang iba nilang dala. “Eve oh!” Binigyan ako ng cookies ni Justine kinuha ko naman agad ‘to at nag pasalamat sa kanya. “Shine eto oh! napanalunan ko yan” proud na binigay ni Marco kay Shine ang napanalonang Teddy bear malaki ang teddy bear at ang ganda pa ng kulay. Napansin kong yakap yakap ni Yumi ang teddy bear mahigpit ang pagkakayakap dito at ayaw ipakita sa tita niya. “Tignan mo nalang wag na hawakan” Maganda din ang premyo ni Kris dahil pwede din pala siyang maging bag. Tuwang tuwa si Yumi dahil ang cute ng bag niya ngayon. “Tara na! punta na tayo sa roof top, boring na dito! sabi nila sa roof top daw naka tambay yung mga pogi!” tinulak na kami ni Ellah palabas ng fun time, nasa labas nadin pala sila kuya nag hihintay samin. Yung sobrang bucket naman ay binigay namin don sa mga batang nanonood lang na mag laro ang iba. Sumakay na kami ng elevator papunta sa roof top medyo nagsisikipan pa nga dahil maraming tao sa loob ngayon. “Eva parang may sunod ng sunod sakin.” bulong ni Ellah sakin, nilingon ko naman ang paligid pero wala akong nakikitang kahinahinala, ngayon ko lang din na pansin nasa likod ko pala si Justine tabi niya naman si Shine at Marco. “Baka guni guni mo lang yun, pero don’t let your guard down okay?” hinawakan ko ang kamay niya para hindi siya matakot, nandito si kuya kaya hindi ako natatakot. Kuya can protect us. “Wow… ang ganda… pero ang init!” Reklamo ni Ellah may mga puno naman sa gitna at sobrang lawak din dito sa taas, pumunta kami sa may mga puno dahil hindi masyadong mainit. May mga upuan din dito sa ilalim ng puno kaya dito na muna kami. May ibang nag pipicture, may iba namang nag haharotan dito. Namimilit na si Ellah na samahan siyang tignan ang view kaso walang sumasama sa kanya “Sige na! ‘usto ko talaga Makita ang view… ayaw niyo akong pagbigyan!” sa huli napilit niya na si Marco. Paalis na sana yung dalawa nang may biglang humila sa kamay ni Ellah, napatingin agad kami sa lalaki, tumaas naman ang kilay ni Ellah sa nangyari. “You look familiar” sabi ng lalaki. Agad naman hinila ni Ellah ang kamay niya pabalik, inirapan niya ang lalaki at masama etong tinignan. “Pinagsasabi mo? Di ako pala gala tas pagbibintangan mo pa akong familiar!?” Tumawa naman ang lalaki at may kinalikot sa phone. “Ghosted ka ng isang Yamashita? haha” Malakas na sabi ni Marco nang pinakita ng lalaki ang phone niya, di na siya pinapansin ni Ellah at puro lang siya seen, gwapo ang lalaki kaya bat niya ghinost? “Sorry but I just flirt sa lalaking single… hindi yung mga lalaking gagawin akong third party!” napa awang ang bibig ng lalaki sa di makapaniwalang sinabi ni Ellah. “As what I’ve said my beauty is not worth to be a mis-“ pinutol na agad nang lalaki ang sinasabi ni Ellah. “I told you, I don’t have girlfriend… Kung tungkol toh sa isang post dati, hindi ako jowa non… lalaki din yun pambabae lang ang name at ganyan sila lage para daw malaman nila kung may magseselos ba daw… kahit tanongi-“ Hinila agad ni Ellah ang lalaki palayo samin, si Marco naman ay napatulala habang prenoproseso ang nangyari. “Hmm… may naglilihim ata… upo kana Marco baka nakalimutan lang ekwento satin ni Labby” Di makapaniwalang umupo si Marco sa gilid namin, paminsan minsan ay sinisilip niya si Ellah kung ayus lng ba siya. “Ha! nagegets kita kung na inis ka sa kuya mo noong naglihim siya Eve! grabe ha! naglilihim na sila ngayon!” hinawakan niya pa ang dibdib niya at hinampas hampas yun. Hinila ko nalang siya papunta sa ibang parte ng roof top at pinakuhanan ng mga pic, di sumama ang iba kaya kami lang dalawa ang nandito. “Eve sorry kung ginamit kita.” Malungkot na sabi niya habang kinukuhanan ako ng litrato. Naintindihan ko naman siya naintindihan namin siya. Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang balikat niya. “Ayus lang yun! ano ba, mahal mo yung tao eh! kaya alam namin!” chinat niya ako kagabi na pinilit daw siya ni Shine na ako ang ‘e date niya, napapansin ko din panay selos si Shine sakin. Pero kaibigan ko parin siya kahit anong isipin niya sakin. Pinakita sakin ni Marco ang mga kuha niyang litrato, lahat naman ay maganda pero siya parin pinapili ko dahil siya naman nakaka alam kong saan doon ang best. “Eto oh! ang ganda kaya, ang ganda mo talaga Eve! kaya ka siguro crush ni-“ agad niyang tinikom ang bibig niya at di na nag salita ulit ayokong tanongin kung sinong may crush sakin baka ma ilang lang ako kapag nakilala ko na. “Hotspot ka muna sakin para makapag profile kana… Eto yung pass” Tinignan ko muna ang mukha niya na nakatuon lang sa screen, bago ko tinype ang Password sa phone ko. “Baka magulat kami kayo pala talaga yung nakatadhana ah!” Mapait niya akong nginitian, Pangalan ng taong mahal niya ang Password. “Don’t give me false hope! masasaktan ako sa pinaggagawa mo Eve!” Nakanguso niyang sabi, natawa naman ako sa mukha niya. Mukha siyang pato. “Uy! sayang saya ah! anong ganap?” tanong ni Shine na papalapit samin, kasama niya yung iba pati narin si Ellah. “Anong pinag k-kwentohan niyo?” dugtong nito. “Ahh… Mukha kase siyang pato” Saad ko, tinignan naman niya ako ng masama at agad binalik ang tingin kay Shine. “Pato pa nga!” “Nakanguso ka eh, kamukha mo yung pato na favorite ko!” Tumawa naman si kuya habang hinampas hampas si Ate Zoe. “Yung pangit na Pato ba tinutukoy mo!? haha payag ka non Marco?” Pinunasan niya naman yung mga luha niya mangiyak iyak na siyang tumawa ng ma-alala yung patong paborito ko noon, tinigil ko yung magkahumaling sa pato na yun dahil pangit daw sabi ni kuya! Malapit ng magdilim kaya lumabas na kami ng mall hindi na sumama si Kris samin pauwi dahil malapit lang daw ang Clinic ng mama niya dito. Si Ate Zoe naman ay di na sumama dahil nag t-trabaho daw ang tito niya sa isang restaurant sa mall. “Eve saan kayo uuwi? Kuya Tin! Kami na po hahatid sa inyo pauwi” sabi ni Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD