07

2126 Words
“Number 3! around of applause please.” Agad naman naguluhan ang lahat ng marinig ang announcement. “Hindi ba ‘to prank?” tanong ni Marco na naguguluhan din, umakyat din ang grupo ng #3 na hindi makapaniwala sa narinig nakatingin lang sa direction namin. Pumalakpak nalang ako at tinanggap ang pagkatalo. “May daya ‘kamo yan!” Inis na sabi ni Ellah, tinignan ko din si Lincoln dahil siya pa naman ang mas nag expect na mananalo kami… kahit anong place wala kaming natanggap. Mabuti nalaang at nag second sila Yumi at Kris. Marami pang sinasabi ang mga host pero pinili na naming umalis sa gym, tapos naman ang gusto naming malaman kaya bat pa magtatagal? “Alisha… Sorry! hindi kami nakatulong!” agad tumulo ang luha ni Lin at sunod sunod na nagsorry. Tama… kaya kami disidido ipanalo ang sayaw na ‘to dahil gusto naming makatulong sa pagpapagamot sa mama ni Alisha. Nagulat si Alisha nang biglang umiyak si Lin kaya lumapit siya dito “Ayus lang yun! at kaya ko naman mag hanap nang trabaho eh! wag ka ngang umiyak!” Sunod sunod naman na tumulo ang luha nang mga kaklase ko. “Ali sorry!” sabay sabay na sabi namin, bigla namang bumukas ang room kaya napatingin kami rito. Tumakbo na si Yumi papasok at agad na binigay ang sobre kay Alisha. “Sorry second lang nakaya namin… wag ka ng umiyak ha. Tahan na!” Niyakap agad ni Alisha si Yumi at si Kris nag papasalmat. Siya ang bunso sa Classroom, kaya noong nalaman namin ang kalagayan nang mama niya ay ginawa namin ang lahat para makatulong. Oo nga pala… kahit gawin mo lahat hindi parin yun magiging sapat sa mata ng iba. “Tulungan ka nalang kase namin!” saad ni Ellah kay Alisha. Umiling naman si Alisha at tinanggihan ang tulong ni Ellah. “Kaya na namin to! sobra sobra na naitulong niyo ni Yumi!” Saad ni Alisha. Lumubog na naman ang araw at sinyalis ‘to na uuwi na kami. Nang Makita ko si Kuya ay napansin ko din si ate Zoe sa gilid niya. Madadaanan pa namin ang bahay ni Ate Zoe bago maka punta sa kanto namin. “May daya talaga yun eh! halata na kase kung sino ang panalo!” Inis na sabi ni ate Zoe “Ano Eve? Abangan natin sa kanto ang mga judge? o baka gusto mong upakan ang mga host? baka naduling lang yun at imbis na 2 ay 3 ang nasabi.” Saad ni Kuya sakin naka tingin na din siya sakin ngayon hinihintay ang sasabihin ko. “Hayst… Di sila naturuan mag bilang maling number pa ang sinabi ha!” Pailing na sabi ni ate Zoe, natawa naman ako sa kanilang dalawa, kabatch nila ang 3 pero hindi sila sang ayon na natalo kami. “kaklase ko yung nanalo… hindi din sila makapaniwala na natalo kayo.” Huminto na kami sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng gate nila ate Zoe. Nag paalam na siya at pumasok na sa bahay. “Kayo dapat ang nanalo… Di lang nila alam kung ano yung totoong kahulugan nang ‘sayaw’” Hanggang ngayon di parin siya maka move on? tumingala ako sa langit at nakangiting binibilang ang bituin ngayon. “Ano ba ang kahulugan nang pagsasayaw?” tinignan niya muna ako habang pailing na ngumiti. “hindi ko alam.” sabi niya. Tinignan ko ang mukha niya kaya tumawa siya nang malakas. “Basta… nakita ko sa inyo lahat yung ‘sayaw’ na hinahanap ko. Yung wala kayong pake sa kung sino man ang nanonood sa inyo… nakita ko sa mga galaw niyo yung bagay na hindi ko ma explain. katulad niyan” tinuro niya ang kalangitan kaya napatingin din ako. Maraming bituin ngayon kaya ang saya maglakad lakad ngayon. “Maganda hindi ba? Hindi mo maipaliwanag ang kagandahan niya… Hindi mo masabi kung saan banda ang kagandahan ng bituin.” Saad niya lang at na una nang naglakad. Tama siya. Bakit maganda ang bituin? dahil kumikinang siya. Kapag kumikinang maganda agad? katulad nang tao. Maganda siya? Oo. Kapag maganda ba ang isang tao maganda din ba ang ugali niya? Hindi natin masasabi kung Oo o Hindi. Yan yung na iintindihan ko sa pinapahiwatid ni kuya. “Kuya! bili tayo kwek kwek.” Huminto naman siya sa harap nang isang kainan, eto lang ang naag bebenta nang kwek kwek ngayon. “Ilan sayo?” tanong ni kuya habang binubuksan ang pitaka niya. “Ikaw bahala, ikaw naman mang lilibre.” tinignan niya muna ako bago kumuha nang pera sa pitaka. “Siyam na Kwek kwek nga po!” Nilakasan niya pa ang boses niya eh katapat lang naman namin ang nag titinda. “Kuya ayoko na!” limang kwek kwek na ang na uubos ko ngayon habang siya nakatingin lang sakin. Pinapanood niya lang akong kumain nang limang kwek kwek. “Nako! ubusin mo yan. Sayang oh!” hindi ko na talaga kaya, tinignan ko si kuya na nagpapa awa. Napailing nalang siya at kinuha ang natitirang apat na kwek kwek. “Oh mga anak! mag bihis na kayo sabay tayong kakain.” Nag madali naman kaming umakyat sa taas at nag bihis, hindi pa naman ako busog eh! sayang ang luto ni mama kung hindi namin kakainin. “Ano po bang ulam!? Eva halika na sabay na tayong bumaba.” Katok ni Kuya sa Kwarto ko. Nagmadali naman akong nagligpit ng sapatos at agad binuksan ang pinto. Sabi ni kuya paunahan daw kami bumaba, kaya muntik na siyang mahulog sa hagdan. Pinagalitan tuloy siya ni papa. Nagkatinginan kami ni kuya nang Makita ang ulam. “Itlog na naman!?” Sabay naming sabi galit naman na pinalo ni mama ang pwet ni kuya dahil malapit lang eto sa kanya. “Aba’t! dapat mag pasalamat nalang kayo na meron kayong nakakain hindi yung mag iinar-“ hindi na natuloy ni mama ang sasabihin nang bigla siyang niyakap ni kuya. Nag lalambing para hindi na mag ingay si mama. Pag pasok ko sa school ay puro ‘May daya ang score kahapon’ ang naririnig ko. Bat hindi nalang tanggapin nang lahat diba? Wala naman nang magbabago… Kahit anong gawin nilang reklamo, hindi na mababalik ang kahapon. “I know you did well… dapat kase kayo yun eh, hindi ko lang alam kung bat nag kaganon ang scoring… Anyways good job student! plus 100 points kayo sa lahat nang subject!” Agad namang naghiyawan ang lahat, walang class ngayon dahil teacher’s day pero hindi pa kami pwedeng lumabas. “Nag ka100 points ang lahat dahil sa abs ko!” tinaas pa ni Marco ang Shirt niya ang iba naman ay nandidiri habang si Ellah hinagisan niya nang maraming notebook si Marco. Daig pa ang Harry Potter! nag liparan nadin ang ibang gamit sa loob nang room. “Hala gago!” Pasigaw na lumapit sakin si Marco at Ellah dahil natamaan ako sa ulo, hinawakan ni Ellah ang ulo ko. Tinitignan kung may sugat ba, habang si Marco naman ay tinitignan kung hindi ba ako nahihilo. “Ang cute niyo.” saad ko habang tumatawa, hindi nalang sila nag hagisan at nag 1v1 nalang sa ml. Naglalaro din pala sil niyan. “Tatatalonin ka nang pang malakasan kong hero!” Saad ni Marco. Ellah just smirked. “Kapag natalo mo ako sayo na ‘tong acc ko! kapag nanalo ako hindi ka na magiging mahangin okay?” Inabot nilang dalawa ang kamay sa isa’t isa para makapag shake hands. “Deal!” Nagsimula na nga ang dalawa, agad naman nakichismis si Justine at nag labas nang bente. “Pusta ako kay Ellah!” nag lapag na din nang pera ang iba puro kay Ellah silang lahat. “Grabe naman kayo! wala kayong tiwala sakin!?” tumawa naman ako at denial ang number nang isang pustahero din. [Ano?!] inis na sabi sa kabilang linya. May date ata sa loob nang kainan si kuya. Nilagay ko sa speaker ang call at hinayaan na marinig ng iba. “Naglalaro ng ml si Ellah at Marco… Saan ka pupusta?” Tumawa naman si kuya at narinig ko din ang tawa nang isang babae si ate Zoe ata. [Kay Ellah ako 100] narinig ko din sa malayo na tinatanong ni ate Zoe kung anong nangyayari. [Si Zoe din daw 50 para kay Ellah] bago binaba ni kuya ang tawag ay narinig ko pa ang cheer ni ate Zoe. “Ano ba yan wala man lang nag pusta para sakin! pusta ako 200 para sakin!” tumawa naman ako at naglabas nang 500 sa pitaka ko nilapag ko yun sa sahig at tinulak papunta sa mga pera. “Kay Marco ako” Kampante kong sabi napatingin naman ang lahat sakin pati na si Marco. “Ano?” dahil natigil yung dalawa sa paglalaro. “Sure ka ba Eve? malaki pinusta mo… Baka masayang ang pera!” agad akong napatawa sa sinabi ni Marco. Choice ko naman na piliin si Marco, kahit hindi din siya sure kung mananalo ba siya. “Naniniwala ako sa kakayahan mo! kaya support!” tinaas ko pa ang kamao ko, napangiti naman ang lahat lalo na si Ellah abot tainga na ang ngiti. “Okay! Di ko sasayangin ang support ni Eve! Hati tayo sa lahat nang yan Eve ha!” Nag simula na nga silang maglaro nakatingin lang ako sa phone ni Marco at yung lahat naman ay sa phone ni Ellah. Nasa malayo din sila para di malaman kung saan sila nag tatago. Pinanood ko lang siya na mag farm… tama ba? hindi kase ako pa kase nasusubukan ang ml sabi nila nakaka adik daw, ayokong ma adik ‘no! “Eve? lipat ka nalang sa kabila… matatalo ako!” Bulong ni Marco, nagsigawan sa kabilang bahagi nang classroom dahil ika-pitong patay na ni Ellah ang hero ni Marco. “Ayoko nga! dito lang ako wag kang mag alala kaya mo yan! at isa pa sabi naman ni Ellah kapag nanalo ka ibibigay niya yung acc niya! diba pangarap mo yung acc na yun?” naririnig ko kase sa kanya na gusto niyang hingin yung acc, sayang naman kung hindi niya susubukan diba? Makalipas ang ilang minuto ay nasa tower na ni Ellah si Marco napatumba na niya yung last tower sa side na yun kaya nag recall muna siya. tinitignan ata kung saan na sa mapa si Ellah may nakapasok na din na minions sa loob nang base ni Ellah. “Ayan panalo kami!” Agad niyang sabi nang bigla siyang nag push, nahihirapan kase si Ellah patayin lahat ng minion noong nag push si Marco dahil kapag inuna niyang patayin si Marco mapapatumba nang minions base niya, at kung ang minions uunahin niya mapapabagsak parin ni Marco ang Base. Agad naman binigay ni Yumi samin ang pera, siya kase ang nag tago. “Huli na ba kami? sinong nanalo?!” tanong ni kuya Tino na papasok nang classroom. Agad namn akong naglakad papunta sa kanya at binuksan ang palad ko para kunin ng pera, tinignan niya muna ako ini isip kung para saan. “Ahhh… Magaling ka pala Marco!” saad niya, inirapan naman ni Marco si kuya nag tatampo kase hindi sa kanya pumusta. May diskarte kase si Marco, yan ang napansin ko sa kanya kaya kampante ako na sa kanya pumusta. “Panalo sila dahil nag victory… ang pinag-usapan kung sino ang mananalo ang makakakuha sa pusta.” Saad ni Yumi, dahil may nagtatalo na sa likod. ‘Nang binuksan na ang gate ay nagmadali na din kaming pumunta sa locker at iniwan na ang ibang mga libro. “May gusto ka bang ‘e tanong samin Eve?” agad akong napabalik sa realidad nang kinakausap na pala ako ni Yumi. “Ahh…. Pagabi na wag nlang baka mabitin ako!” Agad naman silang napatingin lahat sakin at hinihintay kung meron pa ba akong sasabihin. “Ano ba gusto ‘mong malaman?! para mapaghandaan ko! ako nalang mag kkwento… wala din naman tayong klase bukas dahil extended ang teachers day nila!” Masayang sabi ni Ellah agad naman akong natahimik habang nag lalakad. Hindi naman importante pero curious ako malaman yun! Yung friendship nila? kailan kaya nagsimula. Yun yung gusto ‘kong malaman. Kinukulit ako ni Ellah habang papalakad kami papunta sa gate… Naghihintay na si kuya Tino at ate Zoe doon dahil mag isa lang daw ang guard ngayon, baka ma bored daw siya kakabantay. “Cge na please! sabihin mo na ano ba yun” Pangungulit parin ni Ellah kasama na niya ngayon mangulit si Shine at Marco. Huminga ako ng malalim at tinignan sila. Nakahawak parin si Ellah sa kamay ko at hinihintay ang sasabihin ko. “Pa… Paano kayo nag kakilala lahat?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD