11

2113 Words
“Eva bibili ka din nang mga gamit?” Na abotan kong namimili nang gamit si Justine. Tumango naman ako at namili nang bag para kay kuya. “Eto ‘oh para kay kuya Tin, bagay sa kanya ‘to astig.” Kinuha ko naman yung pinakita niya sakin. Wala sa listahan ang bag para kay kuya dahil sabi naman niya ay magagamitt naman daw niya yung dati niyang bag pero napag isip isip kong regalohan siya, para sa pag aalaga niya samin ni mama at para sa pagiging mabuting kuya sakin. Binuksan ko muna ang bag para Makita ang loob nito, meron etong lalagyan nang books at notebook meron ding maliit na bulsa sa loob lalagyan ata nang coins or mga ballpen, marami din itong compartment. Ang kulay nang bag ay plain black kaya sigurado akong magugustohan eto ni kuya, ayaw niya kase sa light color dahil madali daw Makita ang dumi. Hindi ko alam kong bakit kasama ko na ngayon namalengke si Justine basta kanina nag kita lang kami sa School Supplies Store. Siya na yung presentang mag buhat nang ibang mga gamit, medyo marami kase akong pinamili, nang maka uwi na kami sa bahay ay tinulungan din niya akong magligpit kaya niyaya ko siyang dito na mag dinner. Ang sabi ni mama at kuya sabay naman daw kaming mag dinner ngayon kaya ipagluluto ko sila nang pagkain ngayon. Nilabas ko na ang mga kailangan sa pag gawa nang sinigang para msimulan ko na ang pagluluto. “Ahh… Need help?” Pumasok na sa loob nang kusina si Justine para tulungan ako, Nag kwneto lang siya nang nag kwento para hindi kami mailing. Ngayon ko palang nalaman na wala siyang kapatid, Lage din wala ang parents niya kaya puro siya gala. “Nakakabulok kaya sa bahay” Tama siya mabubulok ata ako dito sa bahay kung di ako niyayaya nang tatlo. “Ang sarap ha! pwede na yan!” Saad ni Justine kaya pinatay ko na ang apoy at nilagay na sa mesa yung mga plato, malapit naman din maka uwi yung dalawa dahil susunduin daw ni kuya si mama. May motor na kase eto, binili niya para sa sarili niya. Tinext ko din sila na nandito si Justine kaya natuwa masyado si mama excited na daw siyang umuwi sa bahay. Ilang buwan na din kaseng hindi nakita ni mama si Justine dahil may trabaho na siya ngayon. Hindi pa din pala nilanakikila ni mama yung iba pero lage ko naman na kkwento sa kanya kaya madali na niya itong makikilala kapag nagkita sila. “Hi tita! kuya hi po!” Na una nang lumapit si Justine kay mama at nag mano agad dito, si kuya naman ay binagsak agad ang katawan sa sofa, kaya lumapit ako dito at tinanggal na ang sapatos niya napansin kong basa ang buhok niya kaya sigurado akong naligo siya sa fastfood bago sunduin si mama. “Nakakapagod kanina! ang daming costumer tapos ang aarte pa.” Reklamo niya samin kaya natawa ako, bigla namang may kumatok sa gate kaaya ako na ang lumabas para tignan. “Pasok ka po.” Nakangiti kong sabi, agad naman siyang pumasok kaya sinara ko na ang gate hinabol ko pa siya dahil nauna pa siyang pumasok sa loob nang bahay. “Kuya nandito si ate Zoe” Agad naman nag kalakas si kuya at tumayo habang nakangiti kay ate Zoe. “Binisita kita kase you’re not feeling well kahapon noong nag date tayo. Are you okay na?” Agad naman napalingon si kuya sa amin dalawa ni mama. Si mama ay tinaasan siyanang kilay at ako naman pinanliitan lang siya nang mata, ngumiti siya samin nang pilit. “Ayus lang ako! medyo nilagnat lang ako non pero ayus lang ako!” Agad naman siya binatukan ni mama dahil sa inis ako naman ay padabog na umalis sa sala. “Matagal ka nang hindi okay kuya! Pero hindi ka nagrereklamo!” Sumunod naman yung apat sakin sa dinning area para makakain na, tamang tama ang niluto ko ngayon para kay kuya. Alam kong may sakit pa siya, kaya siya umiiwas na hawakan ni Ate Zoe. “Tita isang step nalang graduate na kami!” Nakangiting sabi ni ate Zoe, tinaas niya pa ang mga kilay niya. Napansin ko din na tumataas ang grade ni kuya dahil lang din kay ate Zoe nag sstudy date sila while nag ttrabaho si kuya tino. Noong bumisita ako sa Fastfod na pinag ttrabahoan ni kuya, sabi nang iba niyang kasama minsan daw nagttrabaho daw si ate Zoe at food for 2 lang daw ang kapalit para sa pag ttrabaho niya. “Alam mo ba Zoe anak… napaka swerte ni Tin sayo” Pangiti namang umiling si Zoe. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at nakinig nalang sa kanila. “Swerte po kami sa isa’t isa” Ramdam kong hindi na talaga ‘to mag hihiwalay ang dalawang ‘to. Patagal nang patagal nagiging mature si kuya, kaya malabong maghiwalay ‘tong dalawa sa simpleng rason lang. “Ah… happy father’s day po.” May biglang inabot si Ate Zoe kay mama, natuwa naman siya agad at tinanggap ang regalo ni ate Zoe sa kanya. Pati si Justine ay nag greet na din kay mama, wala talaga akong gift kay mama dahil nakalimutan ko siyang bilhan, tumayo nalang ako at lumipat sa tabi niya niyakap ko siya at kiniss. “Happy father’s mama ko” Si kuya naman ay nag medaling pumunta sa taas at pumasok sa loob nang kwarto niya. Natulala ako dahil sa regalo ni kuya sa kanya. Bouquet na kaka iba dahil pera ang ginamit na bulaklak meron din itong chocolate, biglang napa iyak si mama kaya niyakap naming apat siya. “Salamat sa inyo mga anak” Hindi naman nag tagal ang dalawa dahil tinawagan na si Justine nang papa niya at si Ate naman ay sinusundo na nang kuya niya, usto pa sana namin papsokin yung kuya niya pero ina antok na daw siya. Nang matapos na kaming magligpit nang pinagkainan ay dali dali na akong pumasok sa kwarto at binalot na yung regalo ko kay kuya, ilang minuto ko din binalot ang regalo ko, nang matapos na ay agad na akong tumakbo sa kwarto ni kuya. “Happy Father’s day kuya!” Simula noong umalis si papa ay tumayo na siyang papa ko, siya nag aalaga sa may sakit na mama, nag ttrabaho din siya para sa pang collage niya at di niya nakakalimutang pag tabi nang pera for emergency. Alam kong matagal nang hindi nag papadala nang pera samin, parang bigla nalang niyang tinakasan ang resposibilidad niya samin. “Wala pa akong anak ano ba!” Inirapan niya naman ako pero tinanggap parin ang regalo, Binuksan na niya ang regalo niya at pinanliitan ako nanag Makita ang loob nang bag. “Para saan ‘to?” “Nakikihiram ka lang kase nang laptop sa mga tropa mo at pati kay ate Zoe! Kaya niregalohan kita niyan.” Umupo ako sa tabi niya at sinandal ang ulo sa balikat niya. “Kuya bat ang swerte namin sayo? Bat ang swerte ko dahil naging kuya kita?” “Mas swerte ako sayo, You’re my little lucky charm na hinding hindi mawawala sakin… Nag dasal ako dati, na sana magkaroon ako nang kapatid. At binigay ka samin… sakin, kaya hindi kita pwedeng pabayaan” Tiningala ko siya para Makita ang mukha niya… kuya ko. “Ang bigat nang ulo mo Eva!” Inis kong tinulak ang mukha niya, minsan nandidilim paningin ko sa kanya! “Eva…” Sumeryoso ang mukha niya nang tinignan ko siya, hinihintay ko lang ang sasabihin niya dahil sa tingin ko importante ang sasabihin niya. “Eva nang nararamdaman…” Patawa siyang kumanta habang tinutukso ako sa pangalan ko. “Aray!” Hinimas himas pa niya ang tuhod niya dahil malakas ko ‘tong sinipa “Mukha ka kaseng seryoso!” Nakangiti niyang sabi, bumalik ako sa kwarto para ilipat sa kwarto ni kuya yung mga school supplies, siya na daw mag lalagay sa mga gamit namin sa bag. “Dito ka? Ayus! magkaklase ulit tayo.” Saad ni Russle, Kami palang yung nandito ngayon. Dahil wala naman akong magawa ay hinanap ko nalang ngayon yung pangalan nang lima. “Nandito din pala si Kris, astig president ulit natin siya!” Tinignan ko muna ang mukha niya na nakaharap ngayon sa listahan ng mga pangalan. Wala akong masabi dahil hindi naman ako mahilig makipag usap, kapag tinanong niya ako ay sumasagot naman agad ako pero hindi kahabaan. Na ubos na ata ang mga pwede niyang sabihin at tanongin sakin dahil nag paalam na muna siyang pumunta sa kainan. “Eva!” Agad akong lumingon sa gilid kung saan nang galing ang sigaw, patakbo nang lumapit sakin si Ellah at niyakap ako. “Namiss kita!” Agad ko namang tinignan sila Yumi at Marco na nasa likod na ngayon ni Ellah. “Hindi mo ba ako namiss?” “Bat kita mamimiss? kahapon nagkita naman tayo diba?” Pinaninkitan ko pa siya nang mata dahil bat ko nga ba siya mamimiss? tumawa naman siya at tinignan ako ulit. “Namiss kita makitang naka uniform!” Niyakap niya ako ulit at inamoy amoy ang uniform ko. “Same as before, your smell is so calm”. Ang mga sumunod na araw ay naging maayos naman sa school si kuya naman ay naging busy at sinusubukan pang mag adjust sa mga nangyayari. Nasa mesa kami nila mama ngayon at kumakain, kasama naming si kuya na medyo maga pa ang mata, Hindi ko alam kong anong nangyari kagabi dahil kinausap na pala ni kuya si kuya Kevin na siya na maghatid sakin pa uwi. Tahimik lang kaming tatlo at pinapakiramdaman ang mga mangyayari, Si mama naman ay tinignan ako at kinakausap ako sa mga mata niya. Nang matapos na akong kumain ay ang sabi ni kuya ma una na ako sa school dahil masama daw pakiramdam niya. “Wag na po, malaki nako! wag mo na akong padaanin sa mga tropa mo!” Agad na akong tumakbo nang matapos ko yun sabihin, gusto niya kaseng ipasundo ako sa mga kaibigan niya. Nakakahiya naman kila kuya Kevin kung pupuntahan pa nila ako, paano kung nasa school na sila? “Tabi!” Agad akong natumba nang mabangga ako nang isang lalaki, tinignan ko siya nang masama at tinaasan ko pa nang kilay ang ibang kasama niya. “Miss ayus ka lang? tatanga tanga kase.” Pinagpagan ko na ang palda ko at naglakad na nang mabilis dahil baka pagtripan pa ako nang mga yun. Nang makapasok na ako sa room ay agad naman tumakbo si Ellah sakin si Marco naman ay agad na kumuha nang band aid sa Emergency kit namin, “Bat ka nasugatan!? Hala gago baka pagalitan tayo ni kuya Tin nito!” agad na sinapak ni Ellah si Marco kaya napatangiti ako. “Kapag nakita ko yung nanakit sayo Eve bubugbogin ko siya!” Pag bibiro niyang sabi, masyado nila akong ini ingatan dalawa! si Yumi din ay ganon din ang trato sakin parang sa mata nila baby pa ako! Maingat na nilalagyan ni Ellah nang band aid ang braso ko, nagkamansya pa nang dugo ang braso nang uniform ko. Hindi naman masakit hindi ko nga napansin na nasugatan ako, at hindi naman yun sadya sabi nga nang lalaki tatanga tanga ako. “Girls baka pagkaguluhan niyo tong new transfer!” Saad ni David napapasok palang nang room, agad naman kaming napalingon sa pintoan nang may pumasok. Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto kung sino ang new transfer. Nilibot niya ang tingin niya at mas lalo lang nilapad ang pag ngiti nang mag tama ang paningin namin. “Ikaw!” Agad siyang lumapit sakin at ngumiti nang nakakaloko. “Ginamot mo na ba sugat mo?” Tumayo na si Marco at palipat lipat na ang tingin samin. “Siya yung dahilan nang sugat mo Eve!?” Agad na hinila ni Marco ang kwelyo nang lalaki. “Tarantado ka anong ginawa mo?!” Agad tinaas nang lalaki ang dalawang kamay niya at umiiling na tumawa. “Really? Your dog is barking at me. Please make it stop.” agad nang tumayo ang lahat para ipag layo ang dalawa nang biglang sinuntok ni Marco ang mukha nang lalaki. “f**k” Pinunasan nang lalaki ang bibig niyang my dugo ngayon. “Bat mo yun ginawa Marco?!” Inis ko siyang tignan, bigla nalang din kumalma ang mukha niya at tinulungan maka tayo yung lalaki. “Sorry.” Inis na naglakad si Marco papunta sa upuan niya. “Wag kang lalapit kay Eve kung gusto mo pang mabuhay.” Malamig niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD