10

2109 Words
“Ma tumawag ba si papa?” Tanong ni kuya kay mama. Tatlong buwan na din hindi naming nababalitaan kay mama na tumawag ito. Napatingin naman ito at ngumiti nang tipid samin. “Mag t-trabaho ako mga anak. Sa isang office, para na din matulungan ko ang papa niyo para sa pag aaral niyo.” Pumasok na siya sa cr at wala nang sinabing iba. Naglatinginan naman kami ni kuya, nababasa din ata ang na iisip ko. “Ma alis na po kami!” Saad ni kuya at hinawakan ang kamay ko at tumakbo paalis nang bahay. Huminto lang siya sa pagtakbo nang malayo layo na kami sa bahay. “Napansin mo din ba?” Tumango ako dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin. “Madalas ko na siyang mapansing lumabas sac r na umi iyak… Di narin niya lagging kwinekwento si papa satin.” Tinignan niya naman ako. Napansin kong mahigpit siyang napahawak sa straps nang bag niya. “Hindi mag t-trabaho si mama kung walang nangyari.” Seryosong sabi niya. Tama si kuya… niminsan di niya binalak na mag trabaho, at bat siya iiyak? baka namiss niya lang si papa. Tama, namiss niya lang yun. Gusto naming magtanong kung anong nangyari pero hindi muna ngayon. Hahanap nalang kami nang tyempo. Wala ako sasariling pumasok sa room, marami akong ini isip na ‘what if’s’ at sana hinddi yun totoo, sasabitan pa kami ni papa nang medlya eh. “Eva” Mahigpit na yakap ni Ella ang naramdaman ko nang maka upo nako sa upuan. Niyakap ko din siya nang mahigpit kahit di ko alam kung para saan yun. “Bat ka malungkot?” Naka nguso niyang sabi, Agad naman akong ngumiti kahit hindi naman talaga ako Masaya. “Nakangiti ka nga pero malungkot naman ang mga mata mo” Pinagkrus pa ni Marco ang mga braso at naka tingin lang sakin, my smile fade away when I look at Yumi. Huminga ako nang malalim bago nag salita. “Miss ko lang ata si papa.” Hindi naman sila nag tanong kung anong nangyari at umupo nalang sa kanya kanyang upuan. Nang matapos ang klase ay niyaya muna ako ni Marco para gumala saglit, kaya iniwan naming yung iba sa loob nang room. “Ayus ka lang Eve?” Umiling ako, ayokong magsinungaling sa kanya. Bukod kay Ellah at Yumi naging malapit din sakin si Marco. “Ramdam naming ni kuya na may mali eh… Pero tahimik lang muna kami, di pa ako sigurado.” Tinignan niya ako ulit at tumingala sa langit habang naka upo sa may bench, bumuntong hininga muna siya bago nag salita. “Di pa naman sigurado eh! malay natin mali yang ini isip mo… pero kung ano man ang kinalabasan niyan kinabukasan Eve, nandito lang kami Eve. Nandtio lang ako, si Justine at yung iba.” Agad na siyang tumayo ay nilahad ang kanyang kamay sa tapat ko, hinawakan ko naman yun at tumayo na, ngumiti na ako ulit at hinila na siya papunta sa loob nang room. Pag bukas ko nang bag ay tsaka ko lang napag tantong wala pala akong baon, ganon din si kuya dahil nakalimutan ata ni mama na ipaghand kami. Tinignan naman ni Ella hang bag ko nang napatulala nalang ako bigla. “May extra ako Eve! masarap yan ako nagluto.” agad niyang binigay sakin ang isang lunch box at isang pares nang utensil pag bukas ko nang baon ay agad na akong namangha, marunong pala siyang magluto nang kaldereta. Unang subo palang hinahanap na agad nang bibig ko ang kasunod kaya napapabilis ang pagkain ko, si Marco din ay bumibilis sa pagkain! para na kaming nag papaunahan ngayon. Kaso biglang nabulunan si Marco natatawa naman si Yumi habang kumakain at si Ellah ay naniningkit na ang mga mata. “Ayan! Matakaw kase kaya ganyan!” pinapagalitan niya si Marco habang binibigay ang tubig, tumawa naman ako dahil ang cute nilang tignan kaya napatingin saking si Ellah at pinaninkitan din ako nang mata lumapit siya sa akin at may kinuha sa bulsa niya, hinawakan naman nang isa niyang kamay ang magkabilang pesnge ko. “Isa ka pa! Ang dumi dumi nang mukha habang kumakain!” Nagkatitigan naman kami ni Marco at sabay pang nagsalita. “Mama sorry na!” Natatawa pa kaming nakanguso kay Ellah napa iling nalang siya at nag patuloy na sa pagkain. Tinawagan ako ni kuya at ng sabi niya ay pumunta daw ako sa kainan dahil nandoon daw siya, sabay na daw kaming kumain dahil pareho kaming walang dalang baon. “Kuya nakakain na po ako… binigyan ako ni Ellah kanina.” Nang maka uwi na kami ni kuya ay pumasok na ako sa kwarto para maligo, bumaba din kami para kumain at para makapag toothbrush. Hindi naming kasabay si mama sadinner dahil may trabaho ata siya, nag order lang din naman si kuya nang makakain namin. Humiga na ako sa kama ay tsaka ko lang narealize kung anong mangyayari sa susunod na mangyayari. Agad akong bumangon at tumakbo sa kwarto ni kuya kacall niya si ate, pagod din ang isang ‘to, biroin mo sa umaga papasok para matuto kapag malapit na mag gabi uuwi siya nang bahay at mag aaral na… ilang oras ang lilipas ay aalis na siya sa bahay para mag trabaho… uuwi siya nang 3 am tapos matutulog nang kaunti, at alam kong minsan di na siya natutulog. kahit kailan hindi naging sakit sa ulo si kuya kila mama at papa… kaya hanga ako sa kanya, bigla ko nalang naramdaman ang init sa mata ko sinusubukan kong wag maiyak sa harapan niya ngunit nabigo ako. Kuya panicked when he saw my tears, kahit anong punas ko ay hindi parin tumitigil. Malabo na ang nakikita ko dahil sa luha pero ang alam ko tumatakbo na si kuya papunta sakin, agad ko siyang niyakap nang hinawakan niya ang balikat ko. “maiiwan ako dito mag isa tuwing gabi…” Humigpit naman ang pagkakayakap sa akin ni kuya, Na aalala ang nangyari dati. “Eva!” Sigaw ni kuya sa labas, gusto kong sumigaw na nandito lang ako pero wala na akong lakas… ramdam ko na din na madilim na ngayon kaya mas lalo lang lumakas ang boses ni kuya marami din akong naririnig na tinatawag ang pangalan ko. ‘Nandito lang ako sa bodega.’ Giniginaw na ako dito… gusto kong tumayo pero masyadong mabigat ang katawan ko, punong puno na ako nang pasa… sana mahanap niyo na ako. Papikit na ako nang biglang nawasak ang pinto. “Tin nandito kapatid mo!” Sigaw nang isang lalaki na di ko tanda kung sino, Pag gising ko ay nasa hospital bed na ako masakit parin ang katawan at nakikita ko ding marami akong sugat sugat sa mga kamay. Agad lumapit si kuya sakin at nangingiyak akong tinignan. “Sorry, hindi kita nabantayan… sorry kung hinayaan kita na mag isa. Eva nasaktan ka dahil naging pabaya akong kuya…. Magbabayad sila, ipaparamdam ko sa kanila ang sakit na natamo mo ngayon” Hinawakan koang mga kamay niya dahil nanginginig eto, kami lang dalawa ang nandito sa loob nang kwarto ngayon kaya nakaka iyak siya nang ganito. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang palad ko, he thinks it was his fault… pero never niya yun naging kasalanan. “Hindi mo kasalanan yun kuya… msyado lang akong mahina kaya ako yung binubully nila, kaya sakin nila binubuntong lahat nang galit nila sayo dahil malakas ka… dahil di ka nila kaya… Masaya ako dahil natagpuan niyo ako bago nawalan nang malay.” Umiyak na naman siya nang umiyak at niyakap ako. Dahil sa pangyayaring yun ay bigla nalang akong natakot sa madilim na lugar na ako lang mag isa… na wala akong kasama, bigla bigla nalang akong umi iyak lalo na kapag alam kong ako lang mag isa. “Shush… Eva di ka naming iiwan… may kasama ka tuwing gabi… nandito ako, si mama at si papa. Pwede kang tumabi samin matulog, If you feel alone just ran to me… nandito lang si kuya.” yakap yakap niya ako non habang umiiyak ako, gabi gabi ay lage niya akong tinitignan sa kwarto kung ayus lang ba ako o kailangan ko nang kasama matulog… dahil kahit malaki na ako ay natatakot parin ako dahil sa nangyari nay un. “Eve… Aalis lang ako kapag tulog ka na nang mahimbing… dito ka matulog tuwing gabi para maramdaman mong safe ka. Ayus lang yan Miracle, alam kong darating din si mama bago pa ako maka alis.” Agad ko naman tinignan ang mukha niya at tinawanan lang ako. “Ang pangit mo talagang umiyak” Sinikmuraan ko siya at agad na umakyat sa kama niya para doon matulog. Pag tingin ko sa kanya ay nakangiti lang siya sakin, kaya tinaasan ko siya nang kilay. “Para kitang anak ‘no? wala lang… sa mata ko para ka paring 5 years old na nahihirapang maka akyat sa kama.” Patawa niyang sabi, natulog na nga talaga ako sa malambot niyang kama, ang kapal din nang kumot niya kaya gusting gusto ko matulog dito. Nagising lang ako nang may maramdamang pumasok sa kwarto. “Anak tulog ka na ulit… Tabi tayo ngayon ha?” Pumasok na nga si mama nang tuluyan sa kwarto ni kuya at tinabihan akong matulog. “Ma, Eva gising na… nagluto na ako nang pagkain.” Malambing na sabi ni kuya, pag mulat ko nang mga mata ay bumungad agad sa harapan ko ang natutulog na mama, nakayakap pa ‘to sakin kaya tinanggal ko na yung nakapulupot niyang kamay sakin. I giggle when kuya left the room, he’s wearing a Minnie mouse apron sa ilalim non ay ang school uniform niya, hindi marunong magluto si kuya kaya nagulat ako dahil pinagluto niya pala gtalaga kami. Kakagising lang din ni mama nang makababa siya, gulat niyang tinignan ang mesa nang maghanda si kuya nang pagkain. “Tutunganga nalang kayo jan?” Tanong ni kuya. Ngumiti naman ako at umupo na para makakain, mamaya nalang ko maliligo pag natapos na. Nakatingin parin ako kay kuya na ngayon kumakain nadin. “May gusto kabang sabihin Eva?” Napatingin naman si mama samin ni kuya bago nagpatuloy ulit sa pagkain. “Kuya… Mag trabaho na din kaya ako? working student! para makatulong ako sa inyo.” Tinignan ako ni mama bago niya tinignan si kuya hinihintay ang sasabihin nito. “Wag mo nang pagorin ang sarili mo, kami na ni mama ang bahala.” Bigla akong napalingon kay mama nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi. “Ma? Ayus ka lang?” Pag tatanong ni kuya, alam naming dalawa na matagal na siyang hindi okay pero wala kaming nireklamo. “Sorry… Sorry kung hindi ko kayo nabaonan kahapon. Sorry kung late akong nagising ngayon.. sobrang nawala ako sa katino-an pasyensya na mga anak.” Tinakpan na ni mama ang bibig niya upang di na namin marinig ang paghikbi niya. “Ma, ako na bahala sa pagluluto ngayon… ako na din po ang mag aalaga sa inyo, ako na din po ang bahala sa kapatid ko… Gawin mo lang po ang gusto mo.” Nakangiting sabi niya. Msyado na siyang maraming nagawa. Hindi ba siya napapagod? “Ako na po bahala sa bahay kapag wala kayo! wag niyo po akong isipin masyado!” Nakangiti ko ding sabi sa kanila, ayaw kwento ni mama kaya hindi na naming pinipilit. Lumabas na kami nang bahay ni kuya nang matapos na akong mag ayusnang gamit, paglabas naming ay pinagtitinginan siya nang ibang tao na nadadaanan naming. “Eva bat ba sila nakatingin sakin? ganyan ba ako kagwapo ngayon?” Natawa naman ako sa sinasabi niya medyo hindi kase makatotohanan. “Hi kuya Minnie” Kumaway yung batang babae kay kuya Tino, agad naman siyang nag taka dahil sa sinabi nang bata… Ilang minuto pa ang lumipas bigla siyang huminto at tumingin sakin may naiisip siguro. “Puta… Eva bat di mo sinabi!” Nag mamadali niyang hinubad ang apron at hinagis yun sakin, nag pipigil naman akong tumawa dahil sa nangyari, nilagay ko nalang ang apron sa bag ko dahil tinatamad na akong ‘e sauli sa bahay. Lumipas pa ang ilang buwan at natapos na din ang school year na ‘to, wala din akong masyadong nagawa dahil minsan ako lang mag isa sa bahay. Lage naman akong kinukumusta nila Yumi Ellah at Marco minsan niyayaya pa nila akong mag ML or di kaya gumala. Nang papalapit na naman ang Pasukan ay ako nalang namili nang mga gamit namin ni kuya, nilista lang niya ang kailangan niya at binigyan naman ako ni mama para bumili nang school materials at sa pamamalengke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD