12

2111 Words
“Lhester Paul Bautista” Hindi na niya hinintay ang sasabihin nang guro namin at deri-deritsu lang na naglakad papunta sa likod ko. Naka opo si Simon doon, tinaasan niya nang kilay si Simon at kinuha niya ang bag nito pagkatapos ay hinagis sa malayo. “Dito ako.” Walang nagawa ang guro namin at pinalipat n nga si Simon nang upuan. Naiinis ako sa kanya nakakainis ang ugali niya. Sinasadya pa niyang lakasan ang boses niya kaya napapagalitan kami sa likod. “Tangina isa nalang talaga.” Rinig kong sabi ni Marco, Siya kase lageng na memention ni ma’am dahil sa kaingayan nang nagpakilalang Lhester. “Kanina ka pa ah!” Tumayo na si Marco at kwenilyohan ulit si Lhester, hindi ko alam kung bat mainit ang ulo ni Marco ngayon, ngumiti lang nang nakakaloko si Lhester at tinulak nang malakas si Marco. “Baka kapag pinatulan kita iyak ka agad.” Maangas na sabi ni Lhester, susugurin pa sana ni Marco si Lhester kaya agad ko na siyang kinaladkad palabas. Inis ko siyang tinignan nang maka upo na kami sa kainan, nakatingin lang ang apat sa kanya. Hinihintay din ang sasabihin nito. “Kaninang umaga lumabas ako nang university, Babalik sana ako nang bahay para matulog… Kaso nakita kitang tinulak nang lalaki lalapit sana ako para damayan ka kaso hinila ako nang guard pabalik” Inis niyang hinampas ang mesa kaya napatingin agad ang iba sa kanya. “Nakaka inis! ang layo mo sakin!” Hinawakan ko ang kamay niya nang makitang nanginginig eto dulot nang galit. “Sabi nila noong nakaraan pa daw yun lumipat nang bahay dito sa lugar natin… Marami na daw kaguluhan ang nagawa non kaya na iinis din yung ibang schoolmate natin.” “Eva! Asan si kuya mo? Hindi siya pumasok, di din niya sinagot yung mga tawag namin.” Agad kong tinignan si kuya Kevin na nag aalala kay kuya ngayon, kasama niya din yung ibang tropa nila. “Ayus ka lang? may sugat ka ata, sabihin mo kung sino umaway sayo ha? para ka na naming kapatid… kayo para ko na kayong kapatid kaya bawal kayong awayin okay?” Kinilig kilig pang hinampas ni Ellah ang braso ni Justine dahil kinikilig. Crush daw kase ni Ellah si Kuya Kevin dahil gwapo at mabait ito. “Opo, kuya salamat po. Si kuya Tino wala sa sarili ngayon at masama din ang pakiramdam.” “Bye kuya Kevin!” Kumaway pa si Ellah sa papa alis na kuya Kevin “Ang pogi talaga!” Bigla akong na estatwa nang biglang umupo sa tabi ko si Lhester. Kinain din niya yung pagkain sa kutsara ko, hindi ko na tinignan ang mukha niya dahil mas inuna ko pang tignan ang mukha nila. “Aba’t pota” Tatayo pa sana siya kaso hinila siya pa upo ni Yumi, si Ellah naman ay walang emosyong tinitignan ang nasa harapan niya, si Shine naman ay nag seselpon lang at si Justine naman ay masamang tinitignan si Lhester. Naramdaman ko bigla ang mukha ni Lhester palapit sa tainga ko “Tara cutting” Bulong niya sakin. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya, Agad naman siyang tumayo at nginitian nang nakakaloko si Marco. Sinundan nilang lima ng tingin si Lhester, huminto eto sa upuan nang tatlong babae at umupo katabi nila. “Anong binulong sayo Eve?” Tanong ni Justine agad naman kaming napatingin sa kanya at binaling naman nila ang paningin sakin. “Cutting daw kami” Sabi ko. “Bad influence talaga yun! kaya wag kang lalapit sa kanya Eve ha!? ikaw punterya non sisirain niya buhay mo!” Pananakot niya sakin, napatawa naman ako at tinignan si Lhester. “Maybe he’s not?” Lumabas na agad kami nang kainan at dumiretsu na sa classroom. Nang makaupo na kami ay bumukas ulit ang pinto, dalidali namang naglakad si Lhester at huminto sa harapan ko. “Bat mo ‘ko iniwan?” Inis niyang sabi sakin, hinawakan pa niya ang pisnge ko at inangat para Makita niya nang maayos ang mukha ko. Nangunot na ang noo ko dahil hindi ko naman kailangan mag pa alam sa kanya. “Haha cute” nabitawan na niya agad ang pisnge ko nang hinawakan na siya ni Justine. Kinaladkad na siya ni Justine si Lhester papunta sa chalkboard para mapalayo sakin at palayo kay Marco, pinipigilan na ngayon nila Kris si Marco dahil gusto na nitong lumapit kay Lhester. “Bitawan niyo ako susuntokin ko lang siya ulit” Lumingon naman si Lhester sa gawi ni Marco, ngumiti ito nang nakakaloko at naglalabas nang mahihinang tawa na sarkastiko “Bitawan niyo daw aso niyo oh, kakagatin lang daw ako… rwr.” Patawa na lumapit ito kila Marco at tila ina asar na talaga ito. Nagmadali na akong tumakbo sa kanila at namagitna na upang hindi na magkagulo. “Kapag hindi ka tumabi ma sasaktan ka.” Bigla nalang nag bago ang mukha niya, naging walang emosyon ito. “Ayoko, hanggat di ka umaalis sa harapan ko!” Lakas loob kong sabi, napatawa naman siya nang sarkastiko at tinignan ako. Inayos niya ang buhok ko dahil natatabunan na nito ang mukha ko. Tinaas niya ang dalawang kamay at ngumiti sakin “Aalis ako okay… Pero hindi pa kami tapos niyan” Nang nilipat niya ang tingin sa likod ko ay agad na nag bago ang itsura niya. Bat ba magkagalit sila sa isa’t isa? “Akala ko ba mag cucutting yan?” Tanong ni Ellah sakin, napatingin ako sa kanya at sa lalaking nasa likod ko ngayon. “Akala ko nga din eh.” “Bat may sugat ka?” Tanong ni kuya nang mapansin ang mansya sa uniform ko, hinatid ulit ako ni kuya Kevin sa bahay para na din kumustahin si kuya, pero umalis lang naman agad siya nang malaman na ayus lang si kuya. “Aksidente lang po kanina… dahil siguro may basag sa gilid ko non di ko po namalayan.” Tama naman ang sinabi ko, may basag sa gilid ko non pero hindi ko nmalayan kaya dumugo noong nakatayo na ako. “Mag iingat ka sa susunod.” Sabi ni kuya at agad na pumasok sa kwarto niya mag ttrabaho ata siya. Ginawa ko na ang mga assignment ko at lumabas ng kwarto para magtimpla nang gatas, napatigil aako sa paglalakad nang mapansing may tao sa kusina. Hindi ako nag abalang pumasok at nakinig lang nang pinag uusapan nila. “Ma… Paano kung tumigil muna ako? hindi ko nap o kayang pagsabayin lahat. School, thesis, project… pag t-trabaho, mag t-trabaho nalang po ako para maka tapos si Miracle… tsaka na po ako.” Napa upo ako sa sahig at nakinig parin sa usapan nila, naririnig ko na ngayon ang hikbi ni kuya. “Anak, ako na bahala sa pag t-trabaho, may ipon din naman ako para sa future niyo nang kapatid mo… Di mo kailangan mag trabaho dahil resposibilidad naming mga magulang na paaralin ang mga anak naming.” Nakarinig ako nang yapak tumigil lang din naman aagad eto kaya sinilip ko kung ano ang nazngyayari sa loob, yakap yakap na ni mama si kuya na patuloy parin sa pag iyak. “Ma… naghiwalay nap o kami ni Zoe, Hindi ko na kayang pagsabayin lahat… kailangan ko nang bumitaw dahil hindina kami ma-masaya. We are meant for each other but not now… hindi sa ngayon ma…” “Pero ayus lang… Kahit masakit ayus lang po. Kase kung para kami sa isa’t isa ipag tatagpo parin kami nangtadhana susunod. Hihintayin ko po yun.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumayo na ako at pumasok na sa kusina niyakap ko din si kuya. Pag hikbi palang ni kuya ramdam ko na ang sakit, masakit talaga siguro ‘no? “Kuya tahan na, papangit ka kapag umiyak ka” Tuwing umiiyak ako nanjan siya para sakin kaya nandito din dapat ako kapag umiiyak siya. Dadamayan ko ang kuya ko, siya ang nagturo sakin na maging matapang. Ngayon ko pa siya nakitang umiyak para sa sarili niya, yung hindi dahil wala siyang magawa upang protektahan ang isang tao. Pumasok lang din siya kinabukasan dahil may exam pa daw siya, kahit mugto ang mga mata ay nakikipag biroan pa siya sa akin. “Wag mo na akong hanapin mamaya ha? baka hanapin mo ‘ko di ako mag papakita mamaya.” Na una pa siyang mag lakad sakin kaya patakbo na akong mag lakad ngayon. “Nandito na din pala yung kapatid ni Kevin? ka batch mo yun!” “Morning” Nakangiting sabi ni Lhester ng maabutan niya ako. Nakaharap lang siya sa harapan, nakangiti pa ito pero hindi kagaya kahapon na puro kalokohan ang ngiti o di naman kaya sarkastikong tawa. “Wag mokong tignan masyadong mahal ang mukha ko.” “Tse!” Inirapan ko siya agad at hindi na tumingin ulit ayoko na siyaang tignaan baka may masabi pa siyang kung ano ano. “Good morning” Binungad ko agad silang lahat nang ngiti ko at umupo na sa upuan, hindi naman ako nilubayan nang titig ni Ellah at Marco, lumapit si Marco sakin at binulungan ako “Bati kayo?” “Kailan kami magkagalit?” Nangungunot pa ang noo ko habang nag tatanong. “Na iinis ako sa kanya pero hindi ako galit, ibang level na yung galit sa inis ‘no” Nakangiti kong sabi sa kanya at tinulak na siya nang mahina para bumalik na siya upuan niya. Matalim parin ang titig nito kay Lhester kaya mas lalo lang nag enjoy si Lhester na panoorin siyang ma inis. “Laki naman nang galit ni Marco sakin” Nilapit niya pa ang ulo niya sa likod ko para mabulungan ako, hindi na ako lumingon sa likoran para sagutin siya. “Bad influence ka daw kase.” Saad ko sa kanya ramdam kong lumayo na ang ulo niya sa likod ko kaya sinilip ko na siya, naka ngiti lang siya habang umiiling. Binalik ko lang din ang atensyon ko sa harapan dahil pumasok na ang si ma’am. Lumipas ang ilang mga oras ay natapos na din ang klase, sabi naman nila sa kainan nalang daw kami tumambay kaya dinala ko na ang baon ko. Ako na ang magluluto simula ngayon para mabawas bawasan ang trabaho ni kuya, dahil ako naman ang lageng naiiwan sa bahay ako na din ang nag ba-badget sa binibigay na pera ni mama at kuya. “Naiihi ba kayo?” Tanong ko sa kanila umiling lang naman sila kaya tumayo na ako. “Dito lang kayo babalik ako agad iihi lang ako.” Nag lakad na ako papunta sa rest room kaso ina ayus pa yung cr nila kaya need kong lumabas para umihi sa ibang lugar. May Cr sa labas nang gym malapit lang naman yun dito kaya tumakbo na ako papunta doonh, sakto naman dahil walang masyadong tao. Pumasok na agad ako para maka ihi na, nang lumabas ako ay nag hugas muna ako bago nag lagay nang pulbo inayos ko din muna ang buhok ko at inayos ko din ang uniform ko mrdyo nangunot na kase eto. Biglang nag vibrate ang selpon ko kaya tinignan ko muna eto, nag iingay pala sila sa gc. Nagyaya kase si Lhester na mag cutting nabasa ni Pres kaya pinapagalitan niya si Lhester. Hindi na nag reply si Lhester sa sumunod na chat ni Pres kaya tinadtad na ni Pres nang message ang gc. Hindi ko na napatuloy ang pagbabasa nang may marinig sa labas agad na akong tumakbo para tignan kung anong nangyayari, bumungad agad sakin ang naka upong si Lhester. Umupo ako sa gilid niya at tinignan ang nangyari sa kanya, nakangiti itong naka tingin sa sahig habang duguan ang labi. Tinignan ko si Marco, tinatanong kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Walang tao ngayon dito dahil lunch kaya walang nakakita sa nangyari. Tumawa lang nang sarkastiko si Lhester habang uni unting inangat ang mukha para Makita si Marco, Mas lal lang na inis si Marco dahil samga ngiti ni Lhester sakanya. Lalapit pa sana si Marco pero hinarangan ko na siya, masama ko silang tinignan dalawa, tumayo naman si Lhester kaya magka pantay na sila ngayon. Matangkad sila kaya sa titigan nalang sila nag palakasan, ayokong umalis sa gitna nila dahil alam kong mag kakagulo kapag ginawa ko yun! “Ano ba kaseng nangyari?” Pabalik balik na ang tingin ko sa dalawa dahil wala namang sumasagt sakin. “Yang Lhester kase na yan.” Inis niyang tinignan si Lhester bago binalik ang tingin sakin. “Naninilip siya kasama ang kaibigan niya sa loob nang restroom nang mga babae… Kung saan ka naroroon.” Galit na sabi ni Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD