08

2176 Words
Maaga akong nagising para maagang makapasok sa paaralan, Mabilis akong tumakbo sa CR para maligo na at para gisingin yung iba. Pag katapos kung suotin ang uniform ay agad na akong lumabas ng kwarto, Hindi pa tuluyang bukas ang pinto ng kwarto tsaka ko lang napansin ang oras “4 am pa pala!” Dahil wala pa namang gising sa oras nato ay agad na akong nag saing at nagluto nang ulam. Nag linis din muna ako nang sala para maganda tignan mamaya kung may bisita man sila. “Yumi! gising ka na!” Pasigaw kong sabi nang makapasok na ako nang kwarto niya! agad kong binuksan ang kurtina sa malaking bintana niya para makapasok na ang sinag ng araw sa kwarto niya! Malalate kami kapag nag tagal pa siya! “Ellah 5 mins lang muna please” agad niyang sabi at tinakpan nang unan ang ulo niya, agad ko naman yun tinanggal, nagpabigat pa ako sa taas niya para hindi na siya makatulog ulit. “Ellah! ang bigat mo.” Sabay tulak sakin. Napa ayus naman ako nang tayo nang umupo na siya galing sa pagkakahiga. Kinusot kusot muna niya ang mata bago tumayo, papikit pikit pa itong nag lakad papuntang CR niya. “Gisingin ko muna si Marco doon sa kanila balik agad ako!” Pupunta pa sana ako sa kabilang bahay, kaso agad lang nag init ang ulo ko at patakbong pumunta sa kusina. “Aray!” Inis niya akong tinignan dahil binatukan ko siya. Punong puno pa ang bibig ni Marco. Kumakain na siya ngayon, ‘di man lang kami hinintay! “Matuto kasing maghintay samin!” Inis akong kumuha ng tubig sa ref dahil nabubulunan na siya. “Ayan! Buti nalang wala ako sa mood para makipag away sayo! baka na sipa na kita palabas sa bahay!” Kumuha na din ako nang kanin para samin ni Yumi dahil kakababa lang niya. Sinabayan na din kami sa pagkain ni Kuya Yurou, papa ni Yumi. May pasok pa kase siya sa trabaho. Ang kuya naman ni Marco ay hindi naman lageng umu-uwi, kaya minsan lang namin maka sabay sa pag-kain. “Sinong nag luto?” tanong ni Yumi nang maubos na niyang nguyain ang unang subo niyang pagkain. Kinakabahan naman akong nag taas ng kamay dahil hindi naman pala salita itong si Yumi! kahit galit na yan tahimik parin siya! “Ako hehe” Humina ang boses ko ng tignan niya ako, napaka seryoso nang mukha niya! sa tingin ko namamawis nako! si kuya naman ay nakatingin lang siya samin! Hinihintay lang din ang sasabihin ni Yumi! pag tingin ko kay Marco ay wala naman siyang pake! nag dagdag panga nang kanin hindi man lang nakikinig sa usapan namin dito! “Bakit…m-mo natanong?” Tinignan niya ako muli bago tinuon ang atensyon sa plato at sumubo ulit ng isa pa. “Masarap siya.” Nakahinga naman ako nang maluwag nang marinig yun! eto ang ka una unahang nag luto ako! patingin tingin lang kase ako sa kanila dahil wala silang tiwala sakin kapag nasa kusina! puro lang daw ako katarantadohan! “Kuya masarap po ba yung adobo?!” Napatingin naman si kuya sakin at nagulat pa dahil na Sali na siya sa usapan. Tumango naman siya at dinag dagan pa ulit ang ulam. “Marco!?” Pag tawag ko sa pangalan niya, nataranta pa siya dahil narinig ang pangalan niya, napansin ko ang lalim ng ini isip niya ‘ha. “Ha? ahh… Oo masarap, bat hindi ka pag chef?” Tanong niya, bigla ko tuloy na isip na maging chef nalang! Padami nang padami yung gusto kong trabaho! Pag tapos naming kumain ay hinintay muna namin si Yumi sa sala dahil mag huhugas daw muna siya. Marami panamang oras kaya makapaghintay pa ako. “Nandito pa pala kayo?” Tanong ni mama samin, tumayo naman si Marco para mag mano. Nag madali namang lumabas ng kusina si Yumi nang isumbong ni Marco kung bat kami na tagalan umalis. “Epal talaga ‘to! ngayon na nga lang ako magkukusang loob.” Saad niya habang papalabas ng bahay nadin. Papasok na san si kuya sa driver seat nang bigla siyang pinigilan ni Marco. “Kuya ako mag d-drive pwede?” Agad naman binigay ni kuya ang susi kay Marco at pumasok na sa backseat, mabilis kung sinuot ang seatbelt at mahigpit na hinawakan eto dahil umupo na sa tabi ko si Marco. Pag tingin sakin ni Marco ay ngumiti lang eto at inistart na ang engine kabado kong hinawakan ang kamay niya kaya napatingin ulit siya sakin na ngayo’y magkasalubong na ang kilay. “Marunong ka ba talaga?” napatingin din ako sa likod at ayus lang naman sila Yumi at kuya na nagseselpon. “Chillax! may driver license ako.” Agad naman niyang pinakita sakin ang screen ng selpon niya. Inis ko siyang binatakon at sinamaan nang tingin habang siya ay natatawang hinihintay na maka-alis yung motor sa unahan namin. “Bakit!? Driver license naman yan ah! nakuha ko sa Virtual Car Driving School! panoorin mokong ‘e drive to na safe kang bababa sa school!” Tinaas taas pa niya yung kilay niya at nagmaniho na. Parang dinukot bigla ang paghinga ko nang bumilis nang ka ‘unti yung pag andar ng sasakyan. Jusko po! safe ata akong makakababa sa langit ngayon. Tinignan ko ulit sila kuya na ngayon naka ‘idlip na pala habang si Yumi naka headphone at wala ng balak making. Nakahinga ako nang maluwag nang ligtas niyang pinarada sa gilid ang sasakyan,sinuot pa niya ang sunglass niya bago na unang bumaba para pag buksan ako nang pinto. “Paranas maging Ellah.” Lumingon agad ako sa mga babaeng malapit lang samin, ngumiti naman ako sakanila habang nakakrus ang magkabilang braso. “Ako lang ‘to gingawang driver ang crush niyo” Napatawa naman ako habang nakatingin kay Marco na kumukunot na ang noo ngayon kinuha niya kay Yumi yung bag niya at hinagis sakin, agad ko naman itong nasalo. “Ako lang din ‘to ginagawang katulong ang isang Ellah Abigail.” Inis ko nalang binitbit papasok sa room ang bag niya, si kuya ay umalis naman dala ang kotse dahil mag t-trabaho pa eto. “Si Eve!?” Una ko talagang hinanap, hindi pa karamihan ang tao dito sa room pagkadating namin. “Maaga pa Ellah, hindi pa yun darating nang ganto ka aga noh!” Agad na sabi ni Kris, naghintay pa ako nang ilang oras dahil ang tagal niyang dumating! “Good morning Shine!” kumaway kaway pa si Marco sa kanya pero tinignan lang siya nito at di na pinansin. Gusto siya ni Marco kaya kaibigan ko na siya. “Simulan na natin?” Tumango naman si Eve at ngayon ini isip ko na kung saan magsisimula. “1 month old palang tong si Marco binabantayan na ako nito, lage din sila sa bahay at magkalapit lang din yung bahay namin…. Si Yumi naman….” Ini isip ko ulit ang ka una-unahan kong pagkakilala sa kanya. “Sa pagkakantanda ko grade 1 pa kami non” “Oi! Marco, tanda mo yung gusto kong bag na sailor moon!?” Nakatitig lang ako sa babaeng naka backpack nang sailor moon ngayon, tumango tango naman si Marco at nilapit ang mukha sakin. “Bakit?” tanong niya, agad ko naman tinuro ang babae sa harapan namin ngayon nangunot pa ang noo niya dahil di maintindihan ang sinasabi ko. “Ayun yung gusto kong bag oh! wait lang lalapitan ko” Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at pinipigilan akong puntahan ng babae. “Wag! baka nakawin mo yun” Inis ko naman siyang inirapan at nagpatuloy sa pag lalakad papunta sa babae. “Hi! ano’ng pangalan mo” Saad ko sa kanya tinignan niya naman ako at pinakilala ang sarili. “Yumiro… but they call me Yumi.” Lumapit na samin si Marco kaya pinakilala ko na din siya, “Nice to meet you Marco… I’m not good at tagalong, but I can understand!” agad naman akong binulungan ni Marco. “Englishera siya Ellah, ikaw nalang makipag kaibigan.” Agad ko naman tinulak ang mukha niya! porket englishera di na niya kakaibiganin!? Kinder palang kami pero magaling na si Yumi mag English! “Tagarogu-go no hanashikata ga wakaranai bai, dosureba tomodachi o tsukuru koto ga dekimasu ka.” bumulong ni Yumi agad ko naman siyang ni lingon kaya napatingin din siya sakin. “Naiintindihan kita!” pinabalik balik naman ni Marco ang paningin sakin at kay Yumi. “Anong sabi niya?” agad ko namang sinabi kong anong kahulugan non. Napa awang pa ang bibig ni Marco dahil di makapaniwalang alam ko yung ibig sabihin non tinanong niya pa ako kung paano ko nalaman. “Hindi ko alam kung paano ko na intindihan!” Sinabi ni Yumi samin na Japanese daw yung sinasabi niya. Malay ko bang marunong ako non! “Oi, Labby sinusundan ata tayo ni Yumi!” Bulong niya sakin habang papalakad na kami papunta sa bahay, nilingon ko sa likoran ang sinasabi ni Marco. Nasa likoran nga siya! sinusundan ata talaga kami. “Baka ako lang talaga yung sinusundan niya! assuming ka lang talaga!” Sabi ko sa katabi ko. Pag pasok namin sa bahay ay nilock ko na agad ang gate, napangiti agad ako dahil nakita ko si kuya Yurou kakadating lang ata galing Japan agad ko siyang niyakap at nag mano na kay mama at sa mama ni Marco na nandito din. “Ako na po bubukas!” Nag madali akong tumakbo papunta sa may gate at binuksan eto, bumungad agad sa harapan ko si Yumi ngumiti ako sa kanya at tatanongin sana kung saan ang bahay niya. “Saan ba-“ Hindi ko na napatuloy ang pagsasalita nang agad na siyang pumasok sa bahay kaya sinundan ko eto. “Mama ‘la, papa naka uwi na po ako.” Agad naman akong napatitig kay Marco na ngayon di maintindihan ang nangyayari. Huh!? papa niya ang kuya ko? “Akala ko sabay kayong tumanda ni Yumi” Pag kakamot niya sa batok niya. Umiling lang ako at napatawa kunti. “Kain ka muna! ‘E k-kwento ko yung kay Shine at Justine mamaya.” Tumango naman siya at tumayo para lumabas muna para makakain. Nag selpon nalang ako walang balak na kumain, Si Yumi naman ay kumkain na sa hinanda kong baon para sa kanya. Bumukas ulit ang pinto nang room kaya nilingon ko eto, pero si Cyrus lang pala. “Napansin ko! Lage nang mag kasama si Eve at Marco ngayon! May something ha!” Napalingon naman ako kay Shine na hindi makapaniwala sa sinabi ni Cyrus. Napailing nalang ako, hindi medaling mahulog sa iba si Marco. Solid yun mag mahal ‘eh. “Hoy! bat mo tinulak si Ellah!?” agad na kwinelyohan ni Marco si Justine, nanginginig na nakatingin kay Marco. Galit na galit siya ngayon kay Justine dahil nagalusan ako, pero parang hindi lang dahil don. “Hindi ko n-naman sina… sinasadya yun!” Mas lalo lang na nainis sa kanya si Marco, tinulak siya ni Justine dahil ayaw siyang bitawan nito. “Anong nang yayari dito?” Agad na lumapit si teacher samin, bigla namang umiyak si Marco nang pagkalakas lakas kaya pinatahan na siya ni teacher. “Teacher tinulak niya po si Ellah tapos po… tapos tinulak niya din ako!” At dahil umiyak siya napagalitan tuloy si Justine, pag-alis ni teacher ay nakayuko parin si Justine. “Blee… itulak mo pa si Ellah sasusunod, susuntokin na talaga kita.” Kung ako siguro si Justine baka sinaksak ko na nang lapis ang dila ni Marco, palabas labas pa kase eh. “Hoy hindi ganon yung nangyari ha!” depensa ni Marco habang nakikinig na din sa kwento ko tumawa naman si Justine at sinabing ganon naman daw talaga ang nangyari. “Marco!” Paglingon namin sa likoran ay agad nang napa upo si Marco sa damohan dahil sa pagkakatulak ni Shine sa kanya. “Nakita ko yung nangyari! hindi naman niya yun sinasadya ah!” Natulala ako at ganon din si Marco, nakatingin lang kami sa galit na galit na Shine. “Wha… Marco diba crush mo ‘to!?” Agad pang sinipa ni Marco ang paa ko kaya lumayo ako nang kaunti. “Diba sabi mo siya yung crush mo!?” Agad naman tumayo si Marco at sinamaan ako nang tingin. “Huh!? Wala akong sinasabing ganyan ah!” Agad ko naman siyang pinanliitan nang mata at pinisil ang tagiliran ko. “Sabi mo secret natin dalawa na crush mo siya!?” Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko, upang ‘di na makapag salita. “Hindi na yun secret dahil sinabi mo na sakanya!” Sabi ni Marco. “Sorry pero… Iba crush ko.” napatingin naman kami kay Shine, dahil nag salita eto. “Crush ko si Justine” Tinignan niya pa si Justine habang naka upo lang sa gilid, sinusubukang matuto mag sulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD