09

2144 Words
“Pa gusto ko po dito.” Saad ni Kuya tino, ako din gusto ko din dito. Lilipat na naman daw kami sa susunod na buwan pero mas gusto kase namin dito. “Dito ko tataposin ang koleheyo at dito din tataposin ni Eva yung Highschool niya… Pa dito lang kami please…” Agad nman kaming nagpalambing dalawa kung hindi siya papyag mapipilitan kaming lisanin ang Mono. “Sige na nga! dito nalang kayo, mag papadala nalang ko nang pera para sa inyo… aalis na ako sa makalawa.” Tumango naman kami pareho at niyakap siya. Sinusulit lang namin ang araw na kasama si papa dahil baka matagalan pa ang pagkikita namin. Tinulungan nadin naming siyang mag impake at para handa na talaga siya. Makalipas ang ilang linggo ay kailangan na nga niyang umalis, ako ang unang yumakap sumunod naman si kuya at panghuli ay si mama. “Ingatan niyo mama niyo ha?” huling bilin ni papa bago sumakay sa Taxi. Sa sumunod naman na araw ay naging ayus lang, wala din masyadong nangyari sa loob nang paaralan ngayon. Ngayon ay niyaya akong gumala ni kuya kaya pumayag ako, ang sabi niya ay sa mall daw kaya nag dress lang ako, excited pa akong na uuna dahil libre daw niya, pero agad ko din siyang pinanliitan nang mata nang makitang may kasama pala kami. “Sinasabi ko na nga ba… may duda talaga ako sa biglaang pagyaya mo!” agad naman tumawa si Ate zoe at hinawakan ang braso ko. “Eva let’s go! treat naman nang kuya mo! hawkan mo tong camera pikturan mo lahat ha! capture a memory na kasama ko siya!” Agad naman na pa awang ang bibig ni kuya di makapaniwalang inutusan ni ate Zoe. “Mas nagmukha akong third wheel dito!” Inis na sabi niya habang nakatingin samin, tinignan ko naman siya mula sapatos hanggang buhok. “Oh anong tinitingin mo jan!?” “Ate Zoe… Hindi kaba ginayuma nang kuya ko?” Agad naman akong binatukan ni kuya at sinamaan ako nang tingin. “Parang may binigay nga siya saking cookies baka nga nagayuma niya ako!” Sinamaan na din niya nang tingin si Ate Zoe ngayon, nag pipigil na kami sapagtawa ngayon ni ate. “Pati ba naman ikaw? akala ko kakampi kita!” Na una pang nag lakad si kuya sa kanila, kaya hinabol na ni ate si kuya upan suyuin. Akala ko sa relasyon nila Kuya Tin si ate yung seryoso yung ugali pero hindi pala. Nag iiba pala talaga yung ugali mo kapag kasama ang taongg mahal mo. Kinuhanan ko na sila nang mga litrato at iba pa, inubos ko na din ang mga pagkain sa mesa dahil nag s-sweet talk pa sila, at heto ako kunware hangin lang. “Hoy! Eva bat mo namam inubos ang mga pagkain.” kakain na kse sana sila kaso na ubos ko na lahat. tinignan ko naman ang mesa at kunware nagulat pa. “Ay hala sorry! akala ko kase hindi na kayo kakain kaya inubos ko nalang.” Nakangiti kong sabi. Tumawa naman si ate Zoe at sinabi kay kuya na bumili nalang sila nang bago. Maraming pera si kuya dahil nag t-trabaho siya tuwing gabi sa isang fastfood kaya may ka unti siyang kita, minsan din gabi gabi siyang uma alis para mag trabaho. Malaki naman ang kinikita niya sa trabaho niya, sinabihan na ni mama si kuya na wag na magtrabaho ngunit sabi naman ni kuya ay para lang daw incase na kapusin si mama sa badget at paara din daw meron siyang experience. Pinakilla na din ni kuya si Ate kila mama at papa dahil malapit nang umalis non si papa. Suportado naman ni mama at papa ang dalawa, ganon din naman ako! napalapit na din si ate sakin ‘no. Pagka uwi namin ni kuya ay na abotan pa naming si mama na nag aayus nang pinamili niya, mga pinamalengke lang ni mama at mga biscuit at yung iba mga dilata na pagkain, tinulungan ko agad si mama at si kuya naman ay naligo muna para makapag pahinga, wala siyang trabaho ngayon kaya makakapagpahinga na siya. Balita ko galing kay kuya ay si ate pa nag aadjust minsan sa date nila, siya na mismo ang pumupunta sa fastfood para doon nalang sila mag date, halos nakilala na nga daw ni ate Zoe ang lahat nang mga staff lalo na yung manager. “Alam mo ba Eva, may gwapong lalaki na tumulong sakin na buhatin ‘to! ang bait niyang bata kaseng edad mo ata yun! kung hindi ganon ka gwapo majojowa mo lumayas ka nalang dito.” Mabilis kong hinawakan ang dibdib ko at kunware ay nagulat pa. “Ano daw pangalan niya?” Tanong ko sa kanya, napatigil naman siya sa pag aayus at agad akong tinignan. “Nakalimutan kong tanongin eh! pero sige next time tatanongin ko na” Next time? may kasunod pa pagkikita nila? Matapos kong tulungan si mama ay pinaligo niya muna ako, hindi na daw siya mag luluto dahil may tira pa naman dawn a ulam dahil kanina. Bukas ay linggo kaya mag sisimba kami. Napatingin ako sa kisame habang nag iisip, nandidiri talaga ako sa mga sweet na mag jowa pero noong nakita ko sila kuya kanina doon ko narealize na ayus lang din naman pala maging sweet, narealize ko din na kapag kasama mo ‘na ang mahal mo nawawalan ka nang pake sa kung sino pa ang makakakita. Isasama sana namin si mama kaso may gagawin pa daw siya, mamayang gabi nalang ata mag sisimba. Pag pasok namin sa simbahan humanap na agad kami nila ate at kuya nang pwesto. “Oi, Eve nandito ka din pala.” Ngayon ko palang napansin na magkatabi pala kami ni Justine ngayon sa upuan sa gilid naman niya nakangiti lang si Shine na nakangiti samin. “Ngayon tumingin ka sa kaliwa mo at sabihin sa katabi na ‘kapatid wag mo nang pilitin kung hindi na kaya’” nilingon ko si Justine n ngayon sinasabi na kay Shine yung pinapasabi ni father, bigla namang tinapik ni kuya ang balikat ko at nakangiti lang sakin. “Kapatid wag mong piliin ang hindi mo ka ‘uri baka bigla kang magdala nang unggoy sa bahay.” Sabi ni kuya. “Sira ‘ulo” Pang iirap ko sa kanya agad naman niyang tinakpan ang mukha ko kaya inis ko yun tinggap habang tinitignan siya. “Nasa simbahan ka ganyan ugali mo! baka pa alisin ka dito woi!” Tahimik na ulit akong nakikinig kay Father dahil ayoko ng pakinggan si kuya, mas maingay pa siya kay Ellah at Marco. Nang matapos na ang simba ay lumabas na kami para gumala muna. “Eve! kuya, ate babye po!” Kumaway pa samin si Justine bago siya hinila ni Shine palayo. “Eve… Mag ingat ka sa babaeng yun ha?” Saad ni kuya tinanong ko siya kung bakit pero iniba naman niya ang mga topic! Ganon pa din ang nangyari sa sumunod na buwan, pero hindi na laging tumataawag si papa…. sabado na naman ngayon kaya wala kaming ginwa ni kuya maagang umalis si mama para mamalengke ngayon eh. Tumayo muna ako para makapag luto nang Pansit canton kanina ko pa kase naririnig kay kuya yun. Iniwan ko kay kuya ang selpon ko dahil may titignan daw siya… Hindi naman ako nag dalawang isip dahil wala naman ako sinesekreto sa kanya. “Ang kapal mo naman Eva!” Dali dali naman akong lumabas sa kusina dahil sa sigaw niya, naninkit naman ang mga mata ko nang pinakita niya ang screen sa phone ko at phone niya. “Anong meron?” Bumalik na agad ako sa kusina dahil baka makalimutan ko ‘tong niluluto ko, pumasok naman si kuya sa kusina at pinakita ang nickname na nilagay ko at nickname na nilagay niya. Napatawa ako dahil sa pagkaiba. “Ang ganda ganda nang nickname ko sayo! ‘Eva ganda’. Tapos yung nickname mo sakin ‘Tino de Talino!’ MAsakit yun ha!” Napatawa pa siya nang sarkastiko dahil di makapaniwala. “Bakit matalino ka ba?” Napa isip pa siya nang matagal bago ako tinignan nang masama dahil malakas akong tumawa. “Pinig isipan mo pa talaga kung matalino ka haha” Padabog na umalis si kuya sa kusina kaya nakapag luto na ulit ako nang maayos. “Madaya!” limang beses na niyang nirereklamo na madaya ako sa laro! kaslanan ko bang nababangga siya lage? limang beses na din kaming nag papalit nang gaming controller nag vivideo games kase kami. “Hindi ako madaya! di ka lang marunong gumamit nito!” Kani-kanina lang kinabit ni kuya sa tv ‘to dahil kakadating lang din. Kasalanan ko bang madali ko lang matutunan kung paano gamitin? Sabay kaming napalingon sa pintan nang bumukas eto, kakadating lang ni mama at parang may kin kausap pa sa labas. “PAsok ka hijo… Ilagay mo lang sa dito sa may gilid” Nag madali naman kaming tumayo ni kuya dahil gusto din naming malaman kung sino yung tumulong kay mama. “Hi.” Nagulat pa si Justine nang Makita kami, ganoon din naman kami ni kuya nagulat dahil nandito siya sa bahay. Ngumiti siya agad at binaba muna ang buhat buhat na pinamili ni mama, pabalik blik naman ang tingin nito samin at kay Justine. “Mag kakilala kayo?” Tanong niya samin, ngumiti muna ako bago tumango. “Sigurado ka na talagang may jowa ka?” Napatingin naman kami tatlo kay mama na di parin makapaniwala, agad niyang tinaas ang dalawang kamay at parang sumuko na kaka isip. “Hindi naman sa nagulat ako dahil may jowa ka dahil gwapo ka naman normal lang yun… pero bat hindi yung anak ko!?” Natawa naman si Justine at tinignan ako “Bakit nga ba hindi siya?” Agad naman nasamid si kuya. Papansin talaga. “Ha? Bawal! Kahit maging single ka ulit bawal si bunso!” Hinagisan naman nang panyo ni mama si kuya dahil sa pag oover-react sa tabi ko. “Ikaw ba liligawan!?” Sinamaan pa ni mama nang masama si kuya at tumingin ulit kay Justine nang nakangiti, napaka protective ni kuya! hindi naman ako nag reklamo noong nagkajowa siya ah, tapos kapag ako bawal? “Dito ka muna Tino” Pag pipigil niya sa pag alis ni Justine. Tino? “Ma wag kang mag alala dito lang ako.” Inirapan naman ni mama si kuya Tino at tumingin ulit kay Justine. “Tita… Gustohin ko man po pero hindi pwede ‘e may date po kase kami ni Shine ngayon.” Mapait siyang ngumiti. Hinayan naman siy ni mma na umalis basta daw bumalik siya kapag libre siya. “Ano ba ‘yan… boto na agad si mama sa kanya! basta Eva ha… wag mong hahayaan na masaktan ka.” Tinignan niya ako ngayon habang nasa kwarto niya kami, gusto ko talaga na nasa kwarto niya ako tuwing walang ginagawa…. lage niya kase akong kinokonsulta kung ayus lang ba ako o kung may kailangan ba ako. Simula bata palang kami ina alagaan na niya ako eh! sa kanya ako umiiyak, siya din nag papatawa sakin kapag malungkot ako. Kilala niya ako nang lubusan, kung yung iba mama’s girl o papa’s boy ako naman kuya’s girl spoiled ako kay kuya di ko din alam kung kailan nag simula basta prinsesa turing ni kuya sakin. Close naman ako kila mama at papa kaso mas malapit ako kay kuya. “Eva di ko hahayaan na may makasakit sayo… inalagaan kita buong buhay ko tapos papaiyakin ka nila!? hindi pwede yun!” Tumawa naman ako dahil ngayon ko lang naramdaman na bukod sa pang aasar kaya pala niyang maging malambing sakin. “Mga anak may nakita ako sa Album!” Derideritsu na agad umupo si mama sa kama at pinakita samin ang baby picture ko na katabi si kuya naka ngiti pa siya doon tapos naka peace sign. “Tanda mo ba yang araw na yan Valentino?” “Ma walang Valentino sa pangalan ko! Tin lang yun… Hindi ko tanda yan” Umiwas agad nang tingin si kuya. Tumawa naman si mama kaya pinanliitan ko sila nang mata hindi ko ma intindihan mga pinag ‘uusapan nila. “Kase Eva bago ko kayo pikturan niyan umiyak ka…” Ina alala pa ni mama ang mga nangyari sa mga panahon na yan. “Tapos sinusubukan kang patahanin nang kuya mo… ang sabi niya-“ “Kawawa ka naman… pinapa-iyak ka ni mama. Wag kang mag alala! mag popolice ako para hindi ka nila ma aaway… nang kahit sino man.” Pag puputol ni kuya kay mama, napatingin naman ako sa kanya at di makapaniwalang sinabi niya talaga yun dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD