02

2193 Words
“Jowa agad!? pwedeng niligtas lang tayo dahil sa bully? at eto na ang order natin tara kain na tayo” mabilis ko silang pina ‘upo, dahil nakatingin parin ang lahat samin, nakangiti lang sakin si Marco na akala mo may tinatago ako sa kanila, umiinom ako nang tubig habang sila naman ay nag simula na sa pagkain, malapit ng magsimula ang next subject kaya minadali na namin eto. “Kita niyo mukha niya? haha namutla si Marco kanina haha” tinatakpan na ni Marco ang bibig ni Ellah dahil napapalingon na naman ang lahat sa amin, naglalakad na kami ngayon papunta sa building nang classroom namin, sa ingay ng dalawa sigurado ako magiging centro nang atensyon kami. binagalan ko ang paglalakad para mauna silang lahat, agad naman akong hinanap ni Shine na nasa unahan ko na, noong Makita niya ako sa likod ay ngumiti siya sakin at hinintay akong magkatabi kami. “Makinig tayo sa kanila Eve, para hindi tayo mainip” masyado kase kaming tahimik sa likoran wala akong matanong sa kanya at ganoon din naman siya. “Masyado kang madaldal kainin mo nalang yan!” sinubuan siya ni Marco nang pagkain na daladala niya para di na mag salita, inakbayan pa siya nito para mas mapalapit siya kay Ellah, di niya matulak ang braso ni Marco dahil masyado itong malakas para sa kanya. “Parang maiihi si Travis noong sinuntok siya! kita niyo yung mukha niya!? takot!” Saad ni Marco na nakaharap na samin habang naglalakad, malapit na kami sa building. Akala ko matatapos na ang usapan pero hindi pa pala. “Gago, may nakita akong basa sa pantalon niya! sure akong naihi yun, naka collage na uniform ata yung lalaki? hmm… usto ko maging kuya yung mga ganon” saad naman ni Ellah, kuya? haha ang pangit non maging kuya eh! di nga yun nag bibigay nang baon niya! at ang daming ka artehan! Papasok na sana ako ng room nang biglang mag vibrate ulit ang phone ko, kanina pa nag vivibrate tumawag kanina si kuya pero hindi ko sinagot, at ngayon text lang ang tanggap ko. From: Tino de Talino Ayus ka lang? text ka sakin kapag binalikan ka noong pangit ha, hintayin kita mamaya sa may tindahan sa labas nang university. Huminto muna ako at pina una na sila sa loob, di naman sila nag tanong at agad naman pumasok sa room. Nasa gilid lang ako nang pinto nakasandal sa pader habang nag t-type. From: You K. Tanging sagot ko sa kanya, ganyan kase siya sumagot sakin kala mo ang laki nang galit, binabalik ko lang mga pinag gagawa niya sakin! nakita kung typing siya kaya di muna ako pumasok sa room. From: Tino de Talino Eto lang ata ang bagay na pinag sisihan ko, yung pinagtanggol ka! pacold cold ka pa upakan kaya kita jan? tandaan mo hawak ko buhai mo! Pananakot niya sakin, di ko na siya nireplayan at agad nang pumasok sa room, nag lilinis pa ang iba kaya tumulong na ako, first day of school ko palang dito pero naging close ko na agad sila, medyo may ilangan pang nagaganap pero ayus na din. Sa lahat ng napasokan kong school dito lang ako naging belong kahit first day palang, hindi ako na bully o ano, kaya kase minsan napipilitan kaming lumipat dahil sa na bubully ako, at ito namang mabait kung kuya laging napapa away kaya palipat lipat kami every year. “Sa araw na toh wala tayong gagawin, nawala kase libro ko kaya di muna tayo makakapag sulat nang e didiscuss” nag hiyawan naman ang lahat at may nag labas naman nang gitara, kakanta nalang pala yung iba para mabigyan ng points, di naman ako masyadong nakikinig nang musika. Binuksan ko ang selpon ko dahil bigla etong nag vibrate, nag chat na naman ulit si kuya kaya binasa ko eto. From: Tino de Talino May sasabihin ako:> Sa emoji palang sa gilid nang text niya alam kong wala na naman itong kwenta. From: you ? Yan lang ang sinabi ko, pinatong ko lang ang bag ko mesa hindi naman kalakihan ang bag ko kaya indi takaw atensyon, tsaka ko lng napansin, may iba palang natutulog, may ibang gumawa na nang sariling mundo, ang iba ginagawa yung mga project nila sa ibang sub at ang iba ay nakikinig sa kanta. Pasilip silip lang ako sa phone dahil nahahalata nila Yumi ang madalas kung paniningkit habang nakatingin sa phone, sino ba naman ang di maniningkit sa mababasa mo. From: Tino de Talino Naipit pala sa notebook yung toothbrush ko hehe, may klase ka? From: you Oo. Ano ba akala niya, naglalaro lang ako dito? tinoon ko na ulit ang atensyon ko sa kumakanta sa harapan, ang gaganda nang mga boses nila, nang matapos na kumanta yung lalaki di ko na napigilang pumalakpak. “Hmmm….” Napatingin si sir sa gawi ko, ako lang kase ang pumalpak doon sa lalaking kaklase ko. Sinenyasan niya akong tumayo kaya Tamayo agad ako, tinignan niya lang ang mukha ko at agad tumingin sa taas at parang nag iisip pa, tumingin ulit siya sakin at agad binuksan ang class record niya, sa huling pagkakataon ay tumingin siya sakin at ngumiti. “Di ko alam may bago kayong kapatid dito” Agad naman umubo ubo ang lahat at pinag titignan sila Shine at Justine, si Ellah naman ay enemphasize pa talaga ang salitang ‘kapatid’ sa harap nang kaibigan niya. Agad naman nag tawanan ang iba dahil, tinitignan na ni Shine nang masama ang lahat, si Yumi ay tahimik Lang na nagpipigil nang tawa sa gilid, habang si Ellah ay nasasayahan pa sa pang aasar kay Shine. Si Justine naman ay di na bobother sa ‘kapatid thing’ di naman kase talaga big deal pinapalaki lang talaga nila. Tumikhim si sir dahilan para tumahimik ang paligid, nasa harapan na ulit ang atensyon nang lahat at hinihintay ang sasabihin niya, nakangiti lang siya samin at nililibot ang paningin sa amin, di parin ako nakakaupo ngayon dahil wala naman siyang sinabing umupo nako. tumingin ulit siya sakin at ngumiti, siya lang ata yung di na uubusan nang ngiti sa lahat ng guro namin. “Introduce yourself with a twist.” “Yung lalaki pala kanina third year lang din! Akala ko may mga kasama wala naman pala! sinaktan ka ba non bago ako dumating!? Mahina lang suntok ko kanina haha sorry” Naglalakad na kami ni kuya sa labas ng university, madilim na ngayon dahil hinintay ko pa siya na matapos yung klase niya sabay daw kase kaming uuwi, hindi naman nag tanong yung lima kung bakit ako magtatagal dito, hinatid ko lang sila sa may gate, nag pumilit pa sa Ellah na samahan ako dito pero tumawag na daddy niya. “Wag mo na ngang gawin yun! first day na first day nakikipag away ka!” agad ko siyang sinermonan, masamang makipag away yan yung lage niyang sinasabi sakin! pero nakikipag away naman siya! kinamot niya ang batok niya bago tumaw ng malakas, nakatingala na siya sa langit ngayon. “Di ko naman kayang tignan ka na ina away ng iba! kung ako, pwede! pero kapag ang iba? suntukan muna kami” sinusuntok suntok niya ang ere na tila nag eemagine na may sinusuntok, tumigil ako sa paglalakad para tignan siya habang papalayo, di ko maintindihan ang mga sinasabi niya, pero nakangiti parin akong nakatitig sa likod niya. “E… Eva? Eva!” Umupo ako sa daan at tumawa lang ng malakas, noong napansin niya na nawala na ako sa gilid niya para siyang nataranta! agad siyang tumakbo pabalik kung saan ako naka upo ngayon, pinagalitan wag ko na daw gawin yun lalo na, na gabi na! “Kuya… Thank you!” Pinagmasdan niya muna ako, bago ako binigyan ng matamis na ngiti at umupo sa tabi ko. Ginulo niya yung buhok ko kaya mahina kong hinampas yun, agad naman niya akong binatukan kaya tumawa ako ng malakas. Sinuntok ko yung braso niya kaya tumawa siya at sinuntok ako pabalik, malakas lakas ang ganti niya kaya sinabunutan ko siya at dahil malakas din pagkasabunot ko sa kanya, gumanti na naman siya, kakapasalamat ko palang sa kanya pero mag aaway nanaman ata kami! “Eva…” “Hmmm?” sabi ko habang nakatingin sa mga bituin. “Bat ang pangit mo?” Di ko sinagot yun at tumayo nalang, mabilis na akong tumakbo para maiwan siya sa daan malapit nalang din naman ang bahay, naririnig ko pa ang sigaw niya pero hindi ako lumilingon. “Ma! si kuya nakikipag away!” Sumbong ko agad ng makapasok ng bahay, hindi pwedeng sinasabihan niya ako ng pangit! dapat akong mag higanti! lumabas naman siya galing kusina at nangungunot pa ang noo habang nakatingin sakin. “Ma wag kang maniwala! pinaghiganti ko lang siya! kase tinulak siya muntik na mauntog sa kahoy yung ulo niya!” Lumapit siya kay mama at hinalikan eto sa pisnge, nilalambing niya talaga si mama tuwing uuwi na kami. “Lawrence Tin Lopez! Ang dumi ng sapatos mo! ano ba! kakalinis ko lang dito.” Pinala ni mama ang pwet niya agad naman tong tumakbo papuntang pintuan at nag peace sign kay mama ngumiti lang siya kay mama. “Tama lang ginawa mo! wag nilang aawayin si Mira kung gusto nilang mabuhay pa ng matagal!” parang may nakikita akong apoy sa paligid ni mama, sigurado na ako na kay mama siya nagmana! matapos niyang konsintihin si kuya ay umakyat nako sa taas para maligo. “Kuya Rence! Ano toh!?” paglabas ko ng kwarto ay may nakita akong box ng chocolate sa may kama, di ko din alam kung bat niya ako binibigyan ng chocolate noong nakaraan, may iniwan siyang balut sa kama kaya nangamoy tuloy yung kama ko! “Regalo ko na sa prinsesa namin! inutos yan ni papa sakin noong nakaraan, nakalimutan kong ibigay sayo….. ay sorry kung kunti nalang! tinikman ko kase yan hehe.” Saad niya mula sa likod ng pinto, kumukulo dugo ko sa kanya! nahiya pa siyang ubusin lahat noh!? Pagkarating naming sa mesa ay agad na kaming nagtulakan ni kuya, di ko alam kung kailan kami papasok sa eksena, kakarating lang kase ni papa galing trabaho. Mag sisimula na sana kami ni kuya sa panibagong away ng tignan na kami ng dalawa, sabay pa tumaas yung mga kilay nila. “Happy Anniversary!” sabay naming sabi ni kuya, nilapag naman naming ang kanya kanya naming regalo, yung akin ay couple mug para sa kanila, naka balot pa ng gift wrapper yung mga regalo naming di ko alam yung kay kuya, pero malaki ang box kaya baka mamahalin regalo niya! lage namang mamahalin yung kany eh! di ko nga alam kung saan niya nakukuha yung mga pera niya! “Anak ng…. Mga anak! na alala niyo anniversary namin! Di na nga ako nakapag handa, Pa happy anniversary” niyakap ni mama si papa at agad naman itong niyakap ni papa pabalik, nakaatulala parin si papa di ata niya natandaan ang araw na to, parehas silang hindi handa, dahil tumahimik na ulit ang paligid, binasag na ni kuya ang katahimikan. “Buksan niyo na yung mga regalo naming! gusto ko nang ipagyabang yung akin haha!” Mayabang talaga siya! nakakainis pa! lahat na ata nang kina iinisan ko nasa kanya na! “Ang sweet nang regalo mo Mira” pinakita ni mama ang dalawang mug na may nakasulat na ‘sweet’ at mukha nilang dalawa matagal ko nay an pinag iponan kaya at buti nalang nakabili na din ako! kulang pa nga pera ko buti nalang binayaran ni kuy yung kulang. “Akin naman ma!” binigay niya yung malaking box na may ribbon, pagbukas ni mama sa box ay may isa pa palang box kaya kinuha naman yun ni papa at siya na nagbukas, pag bukas niya meron na namang box, kaya binuksan nila ulit yun, limang box na ang nabubuksan nila, at sa tingin ko last na ang hinawakan ni mama, maliit nalang eto na may kulay gold na ribbon, ang gift wrapper naman ay makulay at nakakaakit tignan. “Jusko! nakabuntis kaba Tino!?” agad na sigaw ni mama nang Makita ang regalo ng anak, binaba niya ang box sa mesa at tinulak palayo sa kanya, tinignan naming ni papa kung anong nasa loob pregnancy test… positive, meron ding mga picture ng ultrasound at may letter pa na ‘happy father’s day Lawrence!’. “Mahal… kumalma ka muna, makinig muna tayo kay Lawrence.” mahinahong sabi ni papa, di naman galit si papa binigyan ni papa ng tubig si mama para mainom niya eto at maging mahinahon. “Ma… ano kase…” napayoko na si kuya at di na makatingin kila mama, ang laking pasabog naman nito… kitang kita ko ang lungkot sa mata ni mama habang nakatingin kay kuya, lumapit si kuya sa kinauupuan ni mama at lumuhod sa harapan ni mama kasabay ng pagpatak ng luha. “Ma… Izaprank haha PT yan ni tita ano ba haha, on the way na talaga regalo ko, wag kana mag luto ng iba pang pagkain para sa okasyon na toh dahil pagkain talaga ang regalo ko!” -------------------- :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD