03

2483 Words
“Sigurado kang hindi ka nakabuntis?” Unang bungad ni mama samin ngayong umaga, di talaga siya naniniwala kay kuya, pinagplanohan na pala ni papa at kuya yung prank noon pa, pero wala silang PT na mahihiraman, sakto naman noong nakaraan may PT si tita kaya pinadala na niya kasama ang ultrasound, inis na inis si mama sa dalawa, ako nga eh di na tuwa sa prank nila, di pa ako ready maging tita noh. “Oo ma! tanongin mo pa si Tita Kristie PT At ultrasounds niya yan! tapos nagpagawa ako ng letter sa mga kaklase ko, kahapon para hindi mo mahalata haha, at isa pa wala akong nobya paano ako makakabuntis?” hindi din nag iinom si kuya kaya Malabong magkabuntis siya, at nakakatakot yan kaya paano makakalapit ang mga babae sa kanya? “Ma… chillax prank lang yun di yun totoo at isa pa, kasal muna bago anak okay?” para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si mama at nagpatuloy na siya sa pagwawalis niya, ininit nalang ni mama yung mga pagkain kagabi dahil sobra naman yun, nagdala din kami ni kuya ng cake dahil paborito namain yung flavor. “Strawberry….” sabay naming sabi ni kuya tumawa naman kaming dalawa at nilagyan na din niya yung tapper wear ko. “Iuwi niyo yang tapper wear ko ha!” pasigaw niyang sabi mula sa labas ng bahay, nag katinginan naman kami ni kuya at ngumiti siya sakin habang tumango tango ako. “Paano kung di na namin ebalik ‘to ma? anong gagawin mo?” malakas na loob kong sinabi, agad naman akong tinapik ni kuya at tinitignan sa may pintuan, nakita ko naman si mama na nandoon na sa may pintuan matalim akong tinignan nakangiti siya sakin… nakakatakot. “Huwag na din kayong bumalik!” simple niyang sabi at agad ng pumunta sa loob ng kwarto, nagpaalam naman kami ni kuya at sabay na umalis ng bahay, maagang umalis si papa kaya hindi na kami naka pag paalam sa kanya. “Paano kung nakabuntis talaga ako noh?” patawa niyang sabi, di ko ma isip na si kuya makakabuntis, wala naman kase sa goal niya yan parang wala nga siyang balak! “edi congrats… magagalit si mama sayo… pero kahit anong galit non, mahal ka non at di ka non matitiis, muntik na nga siyang umiyak kagabi… ang galing mong umarte!” natawa ako ng ma alala ko yung mukha ni mama, nakatuon na ulit ang atensyon namin sa daan medyo lumayo layo na ako sakanya noong malapit na kami sa gate. “Eva! followback naman jan… finollow na kita sa lahat ng social media mo” Sigaw ni Ellah pagkapasok na pagkapasok ko ng room, kunti palang ang mga tao dahil maaga pa naman, Thursday ngayon kaya naka P.E kami, ganto yung uniform namin kapag Thursday at Friday. Sinundan talaga ako ni Ellah hanggang sa upuan ko, nandito napala si Yumi naka headset lang habang nag babasa ng libro, pagkababa ko ng bag ay kinuha ko na kaagad ang cellphone ko at binuksan muna ang f*******:, bumungad agad ang 49 new friend request, napa awang ang bibig ko ng mapagtanto silang lahat pala nag add sakin, inaccept ko naman agad dahil classmate ko naman sila. “Inadd na kita sa gc nang building 5 section A! hayst sayang di ko Makita ang mga friends mo… mutual lang pala ang makikita namin” malungkot niyang sabi, nag stalk nalang ako kay Ellah ang dami niyang followers, kaunti lang ang post niya, sa profile niya naka pajama siya habang kasama si Yumi at Shine. “Slumber… a year ago” pag babasa ko sa nakalagay hinart ko yung lahat ng profile niya kase ang cute cute nila sa bawat picture. “Stalker ka Eve!” sabay turo sa mukha ko, parang ina akusahan ako at may nagawang malaking kasalanan, pinakita niya yung notification niya sakin at puro pangalan ko ang nandoon! “Walang laman ang acc mo, kaya wala tuloy akong magawa!” inis na sabi niya parang ako pa ang may kasalanan don! “Wala tuloy akong mahanap na pogi” “Ha? Sinong pogi!?” agad lumingon lingon si Yumi sa paligid at hinubad pa ang headset niya para makinig samin. “Sinong pogi?” pabulong niyang sabi samin, agad naman tumawa si Ellah at hinampas hampas ang likod ni Yumi. “Si Pres pogi! yieeee” Inirapan naman agad ni Yumi si Ellah at sinuot na ulit ang headset, tumalikod din siya samin at nagpatuloy na sa pagbabasa, kinurot kurot pa ni Ellah at tagiliran ni Yumi kaya na inis ito lalo. “Wala daw math ngayon! may ina asikaso si ma’am” Pawisang pumasok si pres sa room, halata sa kanya na tumakbo pa siya, pinunasan niya yung pawis niya bago tuluyang pumasok, nag hiyawan naman ang lahat dahil wala kaming gagawin sa unang subject. “Pres! tuwing nakikita kita lage kang tumatakbo! Pagod ka na ba kakatakbo!?” Pinanliitan ni Kristopher nang mata si Ellah, di ata ma intindihan ang sinasabi nito. “Di kaba napapagod kakatakbo sa isipan ni Yumi? yieee” Pang aasar nito, napangiti naman agad si Pres at umupo nalang sa upuan niya, naghiyawan naman ang iba at dahil don galit na tumingin si Yumi sa paligid. “Galit galitan pa oh kinikilig naman yan!” Mas kinikilig pa si Ellah kaysa kay Yumi, nangungunot na ang noo nito dahil di na maintindihan si Ellah. “Eve may kwento ako!” patiling sabi ni Shine na kakapasok lang ng classroom, pagkaupo niya ay pinagpagan niya muna ang jogging pants niya bago tumikhim para simulan ang pag k-kwento. “Nakita ko yung lalaking nanuntok kahapon! eto oh yung picture” pinakita niya sakin yung kuha niyang litrato, nakikita ko lang ay si kuya Tino na ina-abutan ng pagkain ang guard sa gurad house, nakangiti pa siya habang binibigay yung tapper wear niya. Dalawang tapper wear ang dinala niya kanina isang ulam at isa para sa cake, kaya siguro dalawa ang dala niya dahil bibigyan niya yung guard ng ulam. “Ang bait niya naman! nakita niya din akong kinukuhanan siya ng litrato kanina kaya kinabahan ako kunti pero ngumiti lang siya sakin at nag heart sign eto oh!” pinakita niya din ang litrato, bagsak na ang buhok ni kuya sa picture at medyo basa na din dahil sa pawis pero pogi parin naman siyang tignan. “Gusto ko siya maging kuya…” Sambat ni Ellah samin na kanina pa pala nakikinig sa likoran. “Absent ba si Marco?” tanong ni Justine, dalawang subject na ang lumilipas at wala pa akong nakikitang gumagala na lalaki sa paligid, tumingin tingin naman si Shine sa paligid at hindi parin Makita si Marco, hindi rin masyadong madaldal si Ellah kase absent ang partner in crime niya. “Si Marco pala bumubuhay sa room noh? Kase kung wala si Marco walang buhay si Ellah! hmmm may something! yieeee” pasigaw na sabi ni Chloe, di makapaniwalang suminghal si Ellah dahil sa pag shiship sa kanya, ginagawan nila ng loveteam yung mga na iisip nilang bagay. “Marla di lubog na ba? yieeee” Sabat naman ni Yumi, hinila ni Ellah ang buhok nito kaya napatawa pa eto ng malakas, tinakpan pa ni Ellah ang tainga para hindi na marinig ang mga pang aasar sa kanya nang iba. “Akala ko ba Elco yun?” naniningkit pa ang mata ni Shine habang nag tatanong, may binulong naman si Cyrus sa kanya kaya agad siyang napatawa, “Okay hindi ako updated ibang level na pala toh! yieee Marla por da win na ba?!” Habang kinikilig ang lahat nangungunot na ang noo ni Yumi, lage ko siyang tinitignan dahil ang tahimik niya masyado! “Guys! tignan niya yong messenger niyo bilis!” Saad niya, agad naman naming kinuha ang mga cellphone namin at binuksan ang messenger. Mayroong 99+ unread message kaya yung dulo lang binasa ko. Hanzey: OTW the way nako! kakagising ko lang haha. “Oh wag na sad Ellah kakagising lang naman pala eh! darating din yun for sure!” pampalubag loob ni Chloe kay Ellah mas lalo lang nainis si Ellah sa kanya kaya lumayo layo na eto, nakakatakot naman kase ang mukha ni Ellah eh! “Next subject na! Filipino… hmmm, wala din ata si sir, kase sabi niya lahat ng Guro sa umaga is may seminar! mamaya pa tayo mag kaka klase nood muna tayo ng movie? sinong may dalang flash drive jan?” nag taas naman ng kamay si Gela, kinuha na agad ni pres ang flashdrive at agad na namili ng mga movie, napagisip isip naming drama lang ang pipiliin dahil wala naman daw si Marco at wala namang tutol don, ‘di rin naman ako mahilig manood ng movies kaya kahit anong genre di ako na bobother. “Mag d-drawing ba tayo mamaya? sa Mapeh? hala wala akong pera pangbili ng bondpaper!” pasigaw na sabi ni Mayne di tuloy kami nakapag focus sa pinapanood sa TV dahil maingay na ang paligid. “Sa mga walang bondpaper jan, punitin niyo yung likod ng libro niyo!” Suhisyon ni Simon, tumawa naman ang iba at sumang ayon kay Simon, kailangan pa pala ng coloring materials, wala naman akong pera para bumili non, may isa lang akong na iisip na paraan. From: You Kuya kailangan ko ng coloring materials para mamayang hapon sa arts From: Tino de Talino Geh. Bigay ko mamaya, kailangan pa ba nang bondpaper? From: You Opo. Di na niya ako nireplayan busy ata siya ngayon, di kase nangungulit eh! nakakapanibago naman siya, mas gusto ko tuloy yung makulit na kuya kaysa sa seryoso! nakatuon na ulit ang atensyon ko sa harap, maingay naman si Ellah di ngalang sobrang ingay, malaki talaga siguro ang parte ni Marco sa buhay ni Ellah. “Kanina pa ako dito!” Reklamo ni Marco. Kakadating lang namin sa kainan, naka de-kwatro pa ang paa niya habang nakaupo, nag iinom ng kape may suot din siyang specs at may hawak na libro sa kabilang kamay, napaka professional naman niyang tignan ngayon. “Hoy unggoy! baliktad yang hawak mong libro!” muntik nang maduraan ng kape si Justine na kaka-upo lang sa tabi ni Marco, ngayon ko lang din napansin ang baliktad na libro. tawang tawa naman si Ellah sa pangyayari at hinampas hampas ang mesa. “Dala mo yung coloring materials diba?” Taas kilay naman tanong ni Yumi kay Marco, tumango naman eto at tinuro ang maliit na bag. “Nagulat pa si mama kung bat pa ako nandoon eh kanina pa nagsimula ang klase!” sabi ni Marco. “Nakiki-mama ka na naman!” Binatokan agad ni Ellah si Marco. Ang sabi nila pwede daw akong maki hati sa coloring materials nila pero tumanggi ako, baka kase nabilhan nako ni kuya kaya hindi ko tinanggap ang offer nila. “Hoy!” napalingon kami sa lalaking hinihingal sa gilid namin, basang basa pa ito ng pawis. Napanganga naman ang lima dahil kinuha ni kuya yung baso ko at ininom ang tirang tubig, pagkababa niya ng baso ay nilapag niya ang isang paper bag kaya binuksan ko ito. “Hala ang rami! thank you kuya!” Iba’t ibang coloring materials ang nasa paperbag meron din bondpaper, pabalik baalik naman ang tingin nang lima kay kuya, hinihintay ang sasabihin ko. “Si kuya… kuya mga kaibigan ko” tumaas naman ang kilay ni kuya at isa isa silang sinuri, kumaway pa si Ellah at may binulong kay Marco, si Marco naman ay ngumiti sakin at tinignan si kuya. “Hi kuya!” sabay na sabi ng dalawa tumayo pa si Marco at nakipag shake hands kay kuya. “Kuya… kuya! turuan mo naman ako nong-…. Ah! ang sakit! ang sakit!” inikot ni kuya ang daliri ni Marco kaya napasigaw eto, binitawan naman agad yun ni kuya at nag sorry sa kanya. “Di kase siya sanay na may humahawak sa kanya…” Nakangiti kong sabi. Hinalik-halikan na ni Marco yung daliri niya ngayon, masakit ba talaga? tinapik ako ni Shine at nakangiti lang sakin, sa tingin ko may binabalak silang lima! “Hindi siya sanay hinahawak hawakan?” Tumayo naman Ellah mula sa pagkakaupo, at dahandahan naglakad papunta kay kuya, sumunod naman si Yumi at Shine, si Justine naman ay umiinom lang ng juice habang tinatago yung ngiti niya. “Ano!?” Supladong tanong ni kuya sa apat na nakapalibot sa kanya, agad naman siyang hinawak hawakan ng apat, di pa nakuntinto si Marco at sumakay pa talaga sa likod ni kuya. “May klase pa kayo! bilisan niyo na!” mahina niyang tinulak yung tatlong babae at yumuko naman ng kaunti si kuya para hindi masaktan pag baba si Marco. “Ang bait mo po! babye!” Pag papaalam ni Yumi sa kanya, nag lalakad na kami papuntang building ngayon, si kuya lang ang pinag uusapan nila, medyo magkatulad daw kami ng pabango, at akala daw nila na jowa ko si kuya! iww. Kanina pa natapos ang unang subject ngayong hapon, Mapeh na ang sub namin ngayon kaya mag A-arts na kami, nilabas na namin ang mga coloring materials, nag iwan lang siya ng task at umalis na dahil may gagawin pa daw siya. “Kung magiging hayop ako ano yun?” napag isip isip kong maging paru-paru, nagkukulay na ako ngayon nang pakpak. Kunti nalang at matatapos ko na ang drawing ko. “hahaha! Ang pangit naman niyan!” panglalait ni Marco sa drawing ni Ellah, nag ddrawing si Ellah ng Fox ngayon… Mapanglinglang… matalino at tuso… yan lang ang naiisip ko sa isang fox. “Mas pangit ang mukha mo!” Sigaw na sabi ni Ellah “Tignan niyo yung akin! ang ganda diba? di ko pa yan nakukulayan!” Proud niyang sabi, maganda nga ang drawing niya, madali mo lang ma fifigure out kung ano yun… hanga na ako sa talent niya, parang wala siyang di kayang gawin. “Ang ganda nang palaka mo Hanse” Saad ko sa kanya, agad naman nawala ang ngiti niya at tinignan ang drawing niya… parang iiyak na siya, pabalik balik ang tingin sakin at sa drawing niya. “Pe…pero aso toh…!” Nabasag pa ang boses niya noong magsalita siya. “Ay hala… Akala ko-“ naputol pa ang pagsasalita ko nang bigla tumawa ng malakas si Ellah at hinampas hampas ang mesa niya, hinawakan na niya ang tiyan niya at kulang nalang maglumpasay sa sahig. “A…. hahaha Akala ko nga butiki eh haha sorry sorry” pinunasan pa niya ang mata niyang lumuluha na kakatawa. Padabog namang umalis si Marco at tumabi muna kila Justine at Pres. “Wag lalapit kay Ellah at Eve! mga laitera sila!” ------------------ :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD