01

2509 Words
01 Maaga akong nagising ngayon dahil my pasok ako, Third year nako this school year, nag transfer na naman kami ngayong taon dahil dito na naka assign si papa, Sanay na ako dahil simula bata ay ganon naman talaga kami ‘kung saan si papa sasama kami. Tapos na magluto si mama nang umagahan kaya kakain nalang kami at aalis para pumasok sa paaralan “Eva! asan toothbrush ko?” tanong ni kuya sakin, para namang kinakain ko yung toothbrush niya. At minsan lang yan nag totoothbrush, sa gwapong mukha yan ang baho nang hininga! yuck. “Tanong mo sa pagong!” pasigaw ko pabalik ang aga aga, maingay na ang bunganga niya, nakakaloka, kaya napapangit umaga ko dahil sa high pinch niyang boses. “Kaya nga ako nag tatanong sayo bobo” Kakalabas lang niya galing cr. Kahapon pa talaga niya hinahanap yung nawawala niyang toothbrush, Pinag sabihan na siya ni papa na bumili ng bagong toothbrush kaso… naubos pera niya dahil sa gala. “Bat ba sakin mo lage hinahanap yung mga gamit mong nawawala? mukha ba akong walking lost and found!?” tina ‘asan ko na siya ng kilay habang papa ‘upo na, siya pa yung may ganang man- irap sakin nakakainis ang pag mu-mukha niya sarap suntukin, kaya pinandilatan ko siya nang mata. Naka uniform na din siya, at presko na ang pagmumukha. “Hindi naman… mukha ka lang magnanakaw hahaha di mo talaga kinuha? baka kase binenta mo toothbrush ko doon sa mga bb girls” pabulong niyang sabi para hindi marinig ni mama sa kusina, proud pa siyang marami siyang bb girls yuck, ang low nang standards nila ha, ito pa talagang pinaglihi sa hangin napili nila. I-isang Univirsity lang kami ni kuya nag aaral, mabait naman si kuya Tino at gwapo ‘yung issue ko lang sakanya madalas siyang may sayad “Gaya parin ng dati ha? di nalang natin pagkakalat nakapatid moko, baka malaman nilang may gwapo kang kuya at kaibiganin ka ng lahat dahil lang sakin haha”habang patawa tawa siya ay pumulot nako ng bato para ‘e hagis sa pagmumukha niya, kung di siya umiwas sure akong wala na siyang pagmumukhang ipapakita sa lahat ngayon. Mahilig talaga si kuya sa away, kaya laging matunog yung pangalan niya, at dahil nga di nila kaya si kuya, ako nalang binubully nila. Kaso hindi naman ako naiiyak sa mga bully nila, kase masyadong mahina, di ata sila marunong mambully ng totohanan. Matapos kung kunin ang mga libro at ang list ng subject ko doon sa faculty ay agad na akong lumabas sa building, isang oras na akong paikot ikot sa lugar nato di ko parin mahanap yung building masyadong malaki at masyadong malawak, may sarili na nga silang school supplies store at fast food! kulang nalang yung mall. 30 mins nalang mag sisimula na ang math. Di ko alam kung saang building kila kuya kaya d ko din siya mapuntahan, ayoko din siyang ‘e text dahil alam kong pagtatawanan niya ako! Sana siya din naligaw na, laki nang university nato mahahanap niya kaya agad? “Miss nawawala ka?” isang lalaking naka payong ang bumungad sa harapan ko, ang init masyado ngayon kaya naka payong siya, maputi din siya kesa sa akin halatang ina alagaan ang kutis, tumango lamang ako para sa sagot. “Third year, Building 5 Class A…” sabi ko sa lalaki, tinanong niya kase kung saan ako pupunta tumawa naman siya at tinuro yung building sa likod ko, agad akong napalingon at napa ‘awang ang bibig, may nakasulat palang building number sa pader, medjo napahiya ako don buti nalang siya lang yung nakakita ng katangahan ko, di nalang ako magpapakita sa kanya kahit kailan para hindi ipagkalat katangahan ko. “Classmate pala kita haha tara na! 3 minutes nalang ang natitirang oras late na tayo” agad siyang naglakad nang mabilis at heto ako tumatakbo para ma-abutan siya, when we enter the room, it filled with silence, maingay sila kanina pero tumahimik ng pumasok na ako ng room. “Haha sabi sa inyo hindi si ma’am eh! maniwala kase kayo sakin!” proud na sabi nang lalaki, ‘nakatayo pa siya sa upuan na akala mo nama’y pagmamay-ari niya yun, hinampas siya nang babaeng may bottle of water na hawak. “Tanga yung huling sinabi mo yun bumagsak tayo sa quiz! di na kami maniniwala sayo” sumang ayon naman ang lahat kasama na don yung lalaki kanina, ganito ba talaga sila ka ingay? o ngayon lang toh? “Anong kaguluhan toh? everyone go back to your seats!” ani nang isang babae na nasa mga 30’s na “Sinong mag rereport ngayon? bakit di niyo pa dinikit yung visual aids niyo!? sabi ko naman diba gusto ko pag pasok ko nang room niyo prepare na lahat” she look so disappointed. “Ma’am may bagong transfer po, kaya nakalimutan na namin e prepare” pag eexcuse nang babaeng may ipit ang buhok, parang nadamay naman ako non, medjo kinakabahan ako dahil sa kilay niya, mukha kaseng terror. Nilibot niya ang paningin sa paligid at agad niya naman akong napansin kaya nginitian ko siya agad, ngumiti naman eto pabalik at pinalapit ako sa kanya. “Nak please introduce yourself to them” nanginginig na ang tuhod ko habang nakatingin ako sa kanila, nag bubulungan naman kase sila! Ganto yung nababasa ko sa mga story eh! yung aayawan ka nang lahat at sasabihang nerd! pero hindi naman ako mukhang nerd. “Miracle Eve Lopez, also known as Eva hi everyone! I hope we can get along!” my parents choose that name kase ako daw ang gumawa ng Miracle sa buhay nila noong nag bubuntis palang sakin si mama at Eve dahil Christmas Eve ako pinanganak. Tahimik na naman ang paligid sa tingin ko Malabo ko silang maging kaibigan lahat. “Eve sa gitna ka nalang nila umupo may vacant pa naman jan” turo ni Ma’am sa isang grupo nasa gitna ng classroom sila naka upo, tignan mo palang sila alam mo nang nakakatakot. Ang dalawang babae ay nagbubulungan, ang isang naman ay naka taas ang kilay habang tinitignan ako at ang lalaki naman ay nakatitig lang sa mukha ko na parang hinuhusgahan ako! sila yung maiingay kanina. Kakatapos lang nang first sub ‘hindi pa pumapasok ang next teacher kaya nag hihintay lang ako sa susunod na mangyayari, medyo maingay na naman ang room dahil nga wala pang Gurong papasok “Hi! you’re Eve right!? Eva? owemji gunthe nang name mo! Btw I’m Ellah Abigail Yamashita, yeah I’m a half Filipino and half Japanese. I’m the vice president of this room! nice to meet you.” nakipag shake hands pa siya sakin, siya yung baabeng may bottle of water kanina, maingay nga siya walang preno yung bunganga, lumapit naman yung lalaki kay Ellah at agad inakbayan eto. “Ako naman si Marco ang pinakagwapo sa room, yung dalawa ay si Shine at Yumi, magkamukha si Ellah at Yumi noh? anak kase ni Ellah yan” agad siyang hinampas nong nagpakilalang Ellah gamit ang cartolina, hinabol pa niya dahil di pa kontento sa ginawa, napatawa naman ako dahil parehas na silang may Cartolinang hawak ngayon, magkaka cartolina fight pa nga ata. “Eva… wag kang mahiya o matakot sa first day mo! di naman kami nangangagat!” Paninigurado nong Shine na tinutukoy ni Marco. “Since you are new here, My subject is English I assign them a group for reporting, activities and project, I want you to find a group for yourself.” saad ni ma’am, tinaas naman ni Marco ang kamay niya upang makapagsalita. “Ma’am she has… She has! sh… ah… Me-meron na po siyang group ma’am!” proud pa siyang nagsabi non, nangunot naman ang noo ni ma’am dahil sa sinabi niya, nilapag niya ang chalk sa mesa at tinignan muli si Marco. “Salvador! this subject is English not taglish, please translate it in English, Now.” Mabait naman ang mukha ni ma’am Emelia pero nakakatakot parin siya, di naman siya masyadong terror kaya binibiro nila si ma’am. “I… I say! I say that… y…yeah it is thank you” napasapo naman ang iba sa ulo nila at ang iba naman ay nag tatago na sa ilalim ng mesa para di Makita ang pag pipigil sa tawa, si Ellah naman ay di na napigilan ang bunganga kaya tumawa na eto. “Katangahan! hahaha bobo mo naman masyado bat di ka gumaya sakin?” Di ko alam kung sinadya niya ba yun na ‘e tagalong at lakasan ang panglalait sa kaibigan, basta ang alam ko lang nakakatakot na ang mukha ni ma’am. “Yamashita at the back! stand up!” agad naman tumayo si Ellah at ngumiti samin, ngumiti din siya kay ma’am, alam naman siguro niya pinag gagawa niya noh? “E tatanstrate ko po ba?” agad niyang tinakpan ang bibig niya dahil nag tagalog na naman siya, si ma’am naman ay napasapo na sa noo niya at napailing, kung ako din siguro nasa sitwasyon ni ma’am baka pinalayas ko na yung dalawang ma-iingay ang sakit sa tenga kadaldalan nila. “y…youu… is hehe… uhm… y…you idiot! that’s it ma’am!” di ko alam kung saan banda ang nakakatawa dahil tumawa si Marco sa sinabi niya, yung totoo ganto ba ugali nila mag t-tropa? parang wala silang paki sa taong nasa harapan at ngayon nag aaway na naman sila ulit. “I don’t know what’s wrong with you both right now, but it makes me disappoint, both of you are my ace in English, but yet you two are always playing with my time!” Sigaw ni ma’am nagulat naman ang dalawa at agad silang yumoko at sabay na nagsorry, para bumawi kay ma’am nag presenta na silang dalawa na mag discuss. Both of them has a beautiful accent, matatalino sila kaya siguro sila ang ace nang English ni ma’am. “So Eve! mag kwneto ka naman!” di ako nakapag kwento kanina dahil dumating na ang last sub namin ngayong umaga, papunta na kami sa building nang kainan ngayon, sabi ni kuya malapit lang daw dito yung building nila. “Wala naman masyadong ma ‘e k-kwento… single ako, tapos uhmm every year kami lumilipat ng bahay dahil naka assign si papa sa pa iba ibang lugar.” Nakikinig naman sakin yung tatlo na akala mo mga bata na kwinekwentohan nang pambatang kwento, naka upo na kami ngayon sa isa sa mga mesa nang tinatawag nilang kainan kasama namin si Justine siya yung nagturo sakin sa building kanina. “Mag jowa yang dalawang yan!” saad ni Marco sakin, habang nakatingin siya kila Shine at Justine, mag jowa pala ang dalawa… bagay naman kase gwapo siya at maganda si Shine. Balita ko Queen bee si Shine dito sa University. “Inis yan!? di mo kase makuha si Shine noh!? haha di ka daw bagay sa kanya!” pang iinis ni Ellah sa kanya, pinakyohan niya naman eto at kinuha ang biniling popcorn. “Baka kayo mag katuluyan ha!” saads ni Yumi, nag agree naman ako kase nga diba? the more you hate, the more you love. Agad naman silang napatingin sa isat isa at nandidiri na sa isat isa. “Even if she courts me, I won’t give my yes to her! She’s not my type!” binatukan naman siya ni Ellah at na iinis na sa pag mumukha ni Marco, kulang nalang dukutin niya yung mata ni Marco sa sobrang inis niya. “As if naman na liligawaan kita! Assuming ka noh? di ka na nahiya! at isa pa ‘di naman namin tinanong yung opinyon mo kung manliligaw ako sa yo! at isa pa sinong may sabing gusto kita!? katangahan lang magkagusto sayo haha!” he held his chest na akala mo nasaktan talaga sa sinabi ni Ellah, mahaba pa ang pila kaya medjo matatagalan kami makakain nag pipila pa kase sila Shine para samin. “Hi Yumi!” may lalaking lumapit sa mesa namin, may nilahad siyang chocolate kay yumi, tinignan lang yun ni Yumi at di kinuha, tumikhim naman si Marco at kukunin sana ang chocolate para kay Yumi pero agad naman iniwas ng lalaki ang dala niya para hindi makuha ni Marco. “Ikaw ba si Yumi!? hindi naman diba! kaya wag mong kunin!” Si Yumi, Marco at Ella ang mag katabi kase tatabi ako kila Shine mamaya, tinignan ako ni Marco at may ‘e bubulong daw siya kaya medjo tumayo ako para mapakinggan ko. “Badboy nang university yan, three years nang nanliligaw di parin sinasagot, every year basted eh” pabulong niyang sinabi, maingay ang paligid kaya alam kung di maririnig ang sinabi niya, agad siya hinila patayo nong lalaki at kwinelyohan si Marco nakatingin na ang lahat ng mga studyante samin. “Na iirita na ako sayo! matagal na, napaka malaking chismoso mo, kung saan si Yumi dapat nandoon ka din! May gusto ka ba sa kanya?!” ano yun? nag seselos ‘e wala namang sila tatayo na sana si Yumi pero pinigilan siya ni Ellah, baka kase magsuntukan at madamay pa siya, tumayo na ako para humarang sa pagitan nilang dalawa. “Tama na nga yan!” ako na ang umawat sa dalawa, wala namang ginawang masama si Marco kaya bat siya magagalit? sinabi lang naman niya ang totoo, nasa gitna na ako nang dalawa, at dahil di na niya makwelyohan si Marco, tinolak niya ako sa gilid. Muntik tumama ang ulo ko sa kahoy na upuan buti nalang nahawakan ako ni kuya, tinignan niya ako sa mata, wala ata sa mood si kuya ngayon seryoso kase ang mukha niya, nang makatayo na ako nang maayos naglakad siya papunta sa lalaking nagtulak sakin na ngayo’y kwinikwelyohan na naman si Marco. “Boy.” tinapik lang ni kuya ang balikat nong lalaki, inis naman itong humarap kay kuya, mas matangkad si kuya kesa sa kanya at mas nakakatakot… wala niyang emosyon kanyang mukha, di na siya pinagsalita ni kuya at agad na niya itong sinuntok sa mukha, natumba naman ang lalaki sa sahig, na alala ko pinag aral siya dati nang taekwondo at boxing kaya di siya natatalo sa mga ganto, at kaya din siya kinakatakotan dahil wala siyang pinapalagpas na kahit na sino kahit kaibigan niya pa yan. “Don’t you dare lay that dirty hands to her ever again.” Malamig niyang sabi habang tinuturo ako, malakas ang boses ni kuya kaya rinig na rinig, tahimik na din ang paligid dahil nakikinig na ang lahat, matapos niyang sabihin yun ay umalis na siya agad, superhero ko ata tong si kuya lage akong prinoprotektahan kahit saan ako mag punta. Tumakbo naman ng mabilis yung lalaki palayo samin, akala ko ba bad boy yun? baka mama’s boy ata mali lang pagkarinig ko, kaka-awa naman sinuntok lang ni kuya parang iiyak na. “Eve Jowa mo ba yun?” ------------------- :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD