04

2245 Words
“12 pm ha, sa covered court ngayong sabado.” Saad ni Lincoln samin, nag meeting kami ngayon dahil tapos na ang buong klase. May competition kami sa ibang section, at grade level. Malaking laki din ang hahamonin namin sa sayawan. Para sa grade gagawin namin lahat. “May Family reunion kami sa sabado” tinaas ni Maris ang hawak na cellphone. Naningkit naman ang mata Lincoln at sinamaan siya ng tingin. “Kapag ayaw may dahilan pag gusto maraaming paraan. Para sa grade ‘to kung di ka humabol tatanggalin na kita sa grupo ng sasayaw.” nag declare na si Lincoln ng dismiss kaya nag ayus na kami ng gamit. Si Lincoln daw ang dancer ng room, kaya siya yung ginawang leader ng lahat, hindi siya ma ingay sa room kaya hindi siya ka pansin pansin. “Masyadong seryoso si Lin sa pag sasayaw.” pailing na sabi ni Yumi, nasa locker pa kami ngayon para iwan ang ibang mga libro, bukas ay sabado kaya may practice, isang linggo nalang at competition na kaya pati sabado kailangan na naming gamitin yun. “Nako! ayus lang yan wala naman tayong gagawin sa sabaado eh!” sabi ni Ellah. “Ulol! paano naman yung iba na meron!? kaya ayokong maging leader eh!” binatokan niya pa si Ellah kaya sinuntok siya sa braso nito. “Walang may pake sayo.” Inismiran agad ni Marco si Ellah at na una ng maglakad. “Uy! Eve, May gagawin ka after ng practice?” tanong ni Justine sakin na hinahabol ako sa paglalakad, wala naman akong gagawin kaya umiling lang ako para sa sagot, tinignan niya naman ako at ngumiti. “Ayus gala tayo!? libre ko” Napalingon naman sa amin si Shine at walang emosyong nakatitig sakin. “Oo! sasama kami, diba Shine!? naka set na okay!? no excuses!” inakbayan ni Marco si Shine, kaya tinulak agad nito ang kamay niya tumawa naman ang dalawang mag-tita. Tinaas taas ni Marco ang kilay niya habang naka titig kay Justine, napangiti nalang eto at napailing dahil sa pinag gagawa ng kaibigan. Gaya ng dati naghihintayan kaming dalawa ni kuya para sabay umuwi, nasa tindahan ako ngayon sumisimsim ng softdrinks, bumili na din ako ng junkfoods dahil wala na akong magawa dito malapit nadin 9 pm, sabi ni kuya malapit na daw matapos kaya di na ako pumasok sa loob. “Eve? Bat kapa nandito? gabi na ah.” sabi ni Justine, tumabi siya sakin at umupo sa tabi ko, naka uniform padin siya at may dalang bag kaya sigurado akong di pa siya nakaka uwi. “Hinihintay ko si kuya, ikaw ba?” kumain din siya ng junkfood ko at naki-inom sa softdrinks ko. Wala namang malisya dahil ganyan din naman si Marco at yung ibang lalaki sa Classroom namin. “Hinatid ko pa sa bahay nila si Shine… May notes ka ba sa Music? nakalimutan kong isulat kanina” nahihiya niyang sabi nilabas ko kaagad ang Mapeh notebook ko agad naman niya yung kinuha at pinasok na sa loob ng bag niya, tumayo naman siya agad at nag paalam na, palapit na kase si kuya kaya umalis na siya. “Jowa mo yun?” tanong sa akin ni kuya, sinamaan ko naman siya ng tingin at di pinansin. Nauna pa akong maglakad, dahil sa mga tanong niya sakin. “Naglilihim kana ba sakin Eva? May jowa na ba bunso namin? akala ko ba ako unang makaka alam? sino-“ pinutol ko na agad ang kadaldalan niya at agad nang nagsalita. “Gabi na kuya, kaya sinamahan ako ni Jus. Napadaan lang din siya at nakita ako sa tindahan. May jowa din yun ano ba.” tinaas niya naman ang isang kilay niya di pa kontinto sa sinabi ko. “Di ko din yun gusto”. “Okay.” tanging sabi niya. Tahimik lang kami ni kuya hanggang sa maka uwi nang bahay, hindi kami nag pansinan ni kuya at di din kami maingay dahil sa pag aaway. Baka hindi talaga siya naniniwala sa sinabi ko. “Kuya? Busy ka ba?” Kumatok ako bago pumasok sa kwarto niya. Di siya sumabay samin sa pagkain kaya dinalhan ko siya ng pagkain. Naka upo lang siya sa study table at may pinag aaralan kaya nilapag ko nalang sa mini table niya yung pagkain at lumapit para tignan ang ina aral niya, he’s concentrate reading in his book, ang iba ay ginamitan niya ng highlighter. Wala naman akong alam sa binabasa niya kaya nag paalam na akong umalis tumango lang naman siya kaya lumabas na ako ng tuluyan. Di ko na siya kinulit sa sumunod na araw dahil nagiging busy na siya sa pag aaral. “Saan ka pupunta” tanong ni kuya ng makababa na ako, nakasuot ako ng pants at oversize, bitbit ko din ang sapatos ko at sa kabilang kamay naman yung maliit kung bag. “May practice kami kuya, sama ka po?” tumango naman siya at inubos na ang kape niya bago niligpit ang mga libro niya. “May papaprint ako sa Computer shop.” Tumango nalang ako bilang sagot. Naghintay lang ako sa labas ng bahay para sabay kaming umalis, “Matatagalan ako don kaya wag mo na akong hintayin o puntahan” nabalot na naman ng katahimikan ang paligid. Sa tingin ko may tinatago si kuya sakin, ayoko din mag tanong dahil lalapit lang din naman sakin ang sekreto niya. “Sorry late haha” 1 hour na kaming naghihintay kay Lincoln. Patawa tawa niyang nilapag ang bag niya sa damohan, inis na napatayo ang iba at nag hihintay na mag simula na. “Nandito kanina si Maris, kaka alis lang dahil matagal ka dumating. Akala ko ba 12?! 1 pm na ah.” Inis na sabi din ni Ellah, kanina pa siya na bobored dito, nag bilang na din siya ng mga mangga sa puno. Napakamot si Lincoln sa batok niya at nag peace sign samin “12 nako ngising, haha sorry na!” Di na nagpaaligoy ligoy ang lahat at nag simula na ang practice ang iba ay nag kukulitan pa ang iba naman ay na ubusan ‘nang lakas. “Jerald mali na naman stepping mo!” galit na sabi ni Lin, na inis naman agad si Jerald at marahas siyang tinulak nito. “Laki talaga ng galit mo sakin noh!? Dahil ba ako ang gusto ng crush mo!? Apaka bata naman ng pag-“ malakas siyang sinuntok ni Lin kaya nag kagulo na ang lahat. “Ano ba!? mag si ‘tigil kayo ha! publikong lugar pinapakita niyo ugali niyong basura!” Sigaw ni Yumi sa kanila, si Pres naman ay nasa gitna nang dalawa, ina ‘awat sila. Hinatak muna nila Ellah si Lin sa may puno ng mangga at si Jerald naman hinila nilang Justine sa may tindahan. “Water Break muna guys! init naman dito!” Makahulogang sabi ni Marco, pinaypayan pa niya ang sarili at umalis muna saglit. “Eve, wag kang mag alala may away yung dalawa ngayon dahil sa ka ‘unting bagay” inakto niya pa sa kamay niya ang kaunti “mag kaka ‘ayus din yang mga yan.” Hinawakan ni Shine ang kamay ko at ngumiti sa akin. Pag balik ni Marco ay meron na siyang dalang pamaypay at dalawang water bottle, binigay niya samin ang dalawang water bottle kaya ininoman namin yun ni Shine. “Pahinge naman ng tubig Shine!” nakangusong sabi ni Marco, inirapan lang siya nito at naglakad na papunta sa tindahan kung saan naroon si Justine. “Awts naman!” mahina niyang hinampas ang dibdib niya at tumawa, binigay ko sa kanya yung tirang tubig ko kaya ininuman na niya yun. Pinaypayan niya din ako, dahil ako lang yung malapit sa kanya. “Hoy! Marco paypayan mo din ako ang init!” Sigaw ni Ellah sa di kalayoan, Di naman siya pinansin ni Marco at ‘tila nag bibinge binge-an, “Hoy! ano ba! Kokoy!” Agad naman siyang pinanlakihan ng mata ni Marco. “Wag mo nga akong tawagin sa palayaw ko! ang pangit!” Inis na hinagis ni Marco ang pamaypay sa banda nilang Ellah, tumawa naman si Yumi at tila may na aalala. “She’s smilling because of Kris!” mahinang tinulak ni Ellah si Yumi at pataas taas yung kilay niya, nakangiti din siya ng nakakaloka. “Shut up!” inis na umiling si Yumi at may tinype sa phone niya. “Last practice nalang!” naka tuon lang ang pansin ni Kris sa phone niya, habang papalakad sa gitna ng court. “Good job Everyone! see you in Monday All” Ellah wave before turning her back to them. “Pres! sama kana samin!” hindi pa nga sumasang ayon si Kris ay agad na siyang hinatak ni Ellah si Yumi din ay hinatak na din ng tita niya. “Tayo muna date ngayon Eve!?” Agad na niyakap ni Marco ang isang braso ko at hinila na ako papuntang sakayan ng jeep. Nasa kabilang upuan sila Yumi, Ellah at Kris habang kami naman sa kabila, nasa gitna ako nila Marco at Shine, Katabi naman ni Shine si Justine. “Nakita ko Si Kuya Tin kanina, asan siya ngayon?” tanong ni Ellah habang may kinakalikot sa selpon niya, natahimik naman sila. Hinihintay ata sagot ko. “Mag tatagal daw siya sa Computer shop, umuwi na daw ako mag isa.” Saad ko sa kanila. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng jeep, huminto ko bigla sa isang lalaki na mariing nakapikit ngayon. “Ayus ka lang ba Marco?” tanong ko dito tumango tango naman siya at inabot ang bag ko na kanina pa niya dala dala. “May nilagay akong white flower jan hanapin mo nga Eve.” Nakapikit parin niyang sabi, nahanap ko naman agad kahit maliit lang yung bute, binuksan niya yun agad at nilagyan ang kamay niya bago pinahid sa dibdib niya, nilagyan niya din ilong niya. Uminit ata ang ilong niya kaya pinaypayan niya eto. “haha! sira ka Marco, bat mo naman nilagay sa ilong mo! haha Eve nangangamoy matanda katabi mo” patawang sabi ni Ella hang lakas ng boses niya kaya ping titignan kami ng ibang naka ‘sakay. “Ang bango naman ng katabi ko!” nag unat unat pa si Ellah ng maka ‘baba na kami sa jeep “Ikaw Eve? amoy matanda ba katabi mo?” natatawa niyang sabi, agad naman lumpit samin si Marco. “Mas pipiliin ko pang maka amoy ng matanda kaysa amoy putok! nakakadiri! amoy putok katabi ko” sinamaan ko naman ng tingin si Marco at inamoy amoy ang katawan ko, hindi naman ako mabaho ah! “Haha hindi ikaw eve! yung isa ko pang katabi kanina, amoy putok talaga nahihilo na ako kanina! akala ko mamatay na ako sa baho!” tinakpan niya pa ang ilong niya at nandidiri na ang pagmumukha. “Laitero ka noh? buti nalang di ka ‘pa kinuha ni bro” saad ni Yumi, tumawa naman si Ellah kasabay ang pag hampas hampas sa braso ni Kris. “Ang tanong si bro ba kukuha sa kanya?” patawang sabi ni Ellah “Wag na mag ‘tanong di naman yan kukunin ni bro eh” nakangiti kong sabi, niyakap naman ni Marco ang sarili niya at malungkot na ang mukha. “Grabe naman kayo sakin” nag form pa siya ng broken heart sa kamay niya, nag aaktong nasasaktan. “Couple tayo Eve oh!” pinakita ni Marco sakin ang couple t-shirt. Color red eto na may maliit na babae at lalaki sa gilid, ‘di na niya hinintay ang sasabihin ko at dumaretso na siya sa cashier namili na din yung iba ng bibilhin, ng bumalik na si Marco binigay na niya sakin yung damit na may maliit na babae at sa kanya naman yung maliit na lalaki. “Parehas pala yung design ng binili natin!” Maingay na sabi ni Marco ‘kila Shine, nasuot na din nila yung sa kanila, magkaparehas nga yung design ng damit yung kulay lang talaga ang hindi, pink kase yung sa kanila. “Ako lang walang ka couple haha” Sabay naman lumabas sila Yumi, Kris at Ellah sa store, Nag sale yung store kaya namili kami ang gaganda pa ng mga kulay at design pati yung font ng nakasulat sa damit ang ganda tignan. “Yieee kayo na ba?” Tanong ni Shine kay Yumi at Kris na nakasuot ng ‘Only you’ na damit Kulay itim yung sa kanila, ang ganda talaga ng mga damit na pinili namin. “Sana all! When kaya?” patawang basa ni Shine sa Damit na suot ngayon ni Ellah, ngumiti muna si Ellah kay Shine bago sinamaan ng tingin si Marco. “Epal yung isa eh! bat kase bawal tatlo!?” pasigaw na sabi ni Ellah, usto din kase niya suotin yung kagaya samin ni Marco kaso pinag bawalan siya nito kase gusto ni Marco na ako yung ka couple niya. Nag hihintay na kami ngayon na umakyat ang elevator, nangangawit nako kakalakad ayoko na mag hagdan sira din ang escalator ng mall, ng bumukas ang pinto ng elevator hinintay muna namin lumabas ang mga tao bago kami pumasok. Di ako nakagalaw ng magtama ang paningin namin ng isang lalaking papalabas nang elevator, may ka akbayan itong babae, napamura ako ng huminto ang lalaki at yung kasama niya. Sila Ellah din ay napatulala. “Kuya Tino.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD