CHAPTER 8

1313 Words
MIRABELLA Bago kami tuluyang umuwi sa bahay ay ifinaan muna ako ni Alesteir sa grocery store para mamili ng kailangan sa pagluluto. "Ano'ng ulam ang gusto mo? Kumakain ka ba ng rice sa gabi? May mga ingredients ba na allergic ka?" Sunod-sunod kong tanong habang namimili ng mga gulay. "I would like to taste your sinigang. I don't usually eat rice at night but for you, I will. I'm allergic to peanuts." Nilingon ko siya. "Hm, okay." "This excites me. Are you?" "Honestly? No. Uhm, I'm nervous kasi ito ang unang beses na magdadala ako ng lalaki sa bahay." Pagkasabi ko n'un ay nilagay ko ang gulay na napili sa cart na tulak ni Alesteir. "May magagalit ba?" Tanong niya at inabot ang kamay ko. Huminga ako ng malalim. "Wala naman. Hindi naman na yata uuwi si tatay sa bahay namin." "Bakit? May ibang pamilya na ba siya?" "Hindi ko alam. Limang buwan na ang nakakaraan simula n'ung huling tawag niya sa amin." "What did he say?" "Sorry. Pasensya na. Hindi na ko babalik pero mahal na mahal ko kayo ni Krome." I looked at him. "Those were the exact words." "Ah." "I'm just hoping na makita man lang niya akong umakyat sa stage at maabot ang aking diploma." "Hindi ka galit sa kanya na iniwanan niya kayo?" Curious na tanong nito. "Hindi. Mabuting tao si Tatay, sinuportahan niya kami sa abot ng makakaya niya. Kung may dahilan man ang kanyang pag-alis, handa akong marinig iyon. Ang nais ko lang ay, nasa mabuting kalagayan siya at walang karamdaman." Hindi umimik si Alesteir kaya nilingon ko ito. Napakunot ang aking noo dahil sa kakaibang ekspresyon niya. "Okay ka lang? Nakaka-bored na ba akong kausap?" Nakabawi ito. "No, of course not. I just had a lot on my mind right now." Hinawakan ko ang kanyang braso. "Hey, wala ka na sa work. If umalis ka na sa court, leave your stress there." "You're just a ball of sunshine, aren't you?" "I got all the things I need. May iba ka bag gusto?" "Ikaw." "Gusto mo bang matikman rin 'yung guyabano juice ko?" "Yes." "Ano pa?" "Ikaw." I sighed. "Tara na nga. Para kang baliw." Naglakad na kami papunta sa counter. "Mahaba pa naman ang pila. May nakalimutan lang akong kuhanin." Tumango ako. "Okay." Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Nilapas ko ang aking cellphone at naglaro ng puzzle game para magpalipas ng oras habang nakapila. Nagulat na lamang ako nang may mga braso na humawak sa magkabilang gilid ng hawakan ng cart. Naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Alesteir. "What are you doing?" Tumaas ang balahibo sa aking batok nang dumampi ang mainit nitong hininga sa aking tenga. "Hey, lumayo ka ng konti. Maghapon akong bilad sa araw." Siniko ito ngunit hindi ito gumalaw. "Hindi ko alam ang amoy ko." Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "You don't have to be conscious around me." Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate iyon. Unregistered number iyon kaya agad kong binuksan ang mensahe. 'Hey, pretty boy. You free tonight?' "Huh? Sino 'to?" Kunot noong n ko. "Just a friend I met a while ago. Ayaw niyang umalis hangga't hindi ko binibigay 'yung number ko." He's smiling like a child. "At binigay mo 'yung akin?" "Yeah. I don't want any unknown numbers on phone beside yours." "Hay, ewan." Tumalikod ako sa kanya upang matago ang matamis na ngiti. Isa-isang kinuha ng cashier ang aming pinamili at pinaraan sa barcode reader. "Baby." Napalingon agad ako kay Alesteir. "Wha.. y-yes?" Hindi ko alam kung ano ang dapat isagot doon. "I decided not to eat rice, but mashed potato is good. Could you pick some good potatoes for me?" "Uhm, s-sure— wait." Sumimangot ako. "Pinapaalis mo ko para ikaw ang magbayad ng lahat na ito." "Well, I'm the one who ask you to cook for me. Me paying is not wrong, isn't it?" "Pero may iba ang binili like 'yung asukal at pang-almusal ni Krome." Dahilan ko. "Girl, hayaan mo na si pogi ang magbayad. Humahaba ang pila. Parang-awa mo na oh." Sagot ng babae na nakatayo sa likuran namin. "Konti nalang, aabutin na n'ung cashier 'yung jowa mo." Nag-init ang aking pisngi, samantalang si Alesteir naman ay nakangiti lang na inabot ang card niya. Si Alesteir na rin ang nagbuhat ng pinamili namin at magkasabay kaming naglakad papunta sa parking nang bigla itong tumigil. "Bakit? Mabigat?" Nag-aalala kong tanong. "I think something is missing." "Huh?" Inilipat nito ang lahat ng plastic bags sa kaliwang kaway at inabot ang aking kamay. Dinala nito iyon sa kanyang labi at ngumiti. "Hm, found it." Umiwas ako ng tingin at itinago ang ekspresyon sa kanya. Lumipat ito sa harapan ko at pinagtapat ang mukha namin. "Why do you keep on hiding your face?" Yumuko ako. "Ang weird kasi. Teka, lumayo ka muna, natataranta ako." "Bakit?" Patuloy nitong hinuhuli ang tingin ko. "Oh my god, Alesteir, hihinga lang ako." "Bakit?" Binitawan ko ang kamay nito at itinakito sa aking mukha. "Kinikilig kasi ako eh." Sabay padyak ng paa. Narinig ko ang pagtawa nito kaya mas lalo akong nahiya. "There is nothing wrong about that." "Ang weird kaya ng ekspresyon ko. Baka ma-off ka. Ugh!" Ang landi ko ata. Muli itong tumawa. "Come on, baby." "Ayan ka na naman eh." Pinadyak ko ang aking paa. "Ayaw mo ba? Masyado ba akong romantik?" "Para kang baliw." Inalis ko na ang mga kamay sa aking mukha. Ngunit muli ulit namula ang aking pisngi nang magisnan ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. "You're enjoying this." Sumimangot ako. "Are you pissed? I'll stop." Nagbuntong hininga na lamang ako at inunahan na itong maglakad. "Mira, hey, where are you going?" Tawag nito. Hindi ko siya nilingon. "Tse, mauuna na ko sa sasakyan." "Kanina pa tayo nasa harap ng sasakyan ko. Are you okay?" Amused na sabi nito. Huminto ako at mabilis na bumalik. Parang gusto kong lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Hindi ko pa rin ito tinitingnan at pumasok na sa backseat ng sasakyan. Pumasok na rin ito sa loob. Nakatingin lang ako sa labas. "Did I do something wrong?" "Pinagtatawanan mo ko." "I-I'm not." Seryosong saad nito. Ngunit nang tuminginin ako sa kanya ay naglaro muli ang ngiti sa labi nito. "Tingnan mo na?" "I'm sorry, okay? You're so cute and I couldn't help it. Please 'wag ka ng toyoin." "Sino ang tinotoyo?" His expression became soft. "Baby, my client was mad at me today. He told me that I wasn't doing well with my job and that I should quit because I wasn't good enough." Napasinghap ako at humarap sa kanya. "Huh?! Gusto mo ipatumba ko 'yan? Ikaw na ata ang the best sa field niyo. If my research were correct, you managed to win the.. uhh.." "Ni-research mo ko?" Tumaas-baba ang kilay nito. "Manong driver, sa ano, sa San Klaro Elementary School po tayo." Peke akong humikab. "Hay, ano ba 'yan. Ang aga ko palang gumising. Ano, pakigising nalang ako kapag nakarating na tayo." Pagkatapos kong sabihin iyon ay pumikit na ako. Hindi ko naman intensyon na matulog talaga ngunit mukhang nagtuloy-tuloy iyon. Paggising ko ay nakasiksik ang aking mukha sa leeg ni Alesteir at magkasakop ang aming kamay. Ipinatong rin nito ang kanyang coat sa aking katawan para hindi ako malamigan. "Are you awake?" Hinaplos nito ang aking pisngi. "Napasarap ata ang tulog mo." Tumango ako. "Humihilik ba ako?" "Nope. Hindi mo lang alam ang lahat ng ginagawa ko sa'yo habang tulog ka." Hinampas ko ang braso nito. "Alesteir!" "It was a joke!" He chuckled. Huminto ang sasakyan at umayos kami ng upo. "We're here. Nasaan si Krome?" "Nasa fishball-an 'yun, sandali at susunduin ko." Bumaba ako ng sasakyan at pumunta sa naghilerang tindahan ng streetfoods. Hindi nagtagal ay nahanap ko rin ang aking kapatid. Ngunit napatigil ako sa aking kinatatayuan nang makita kung sino ang kanyang kausap. "'Tay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD