MIRABELLA
Parang hindi ma-process ng aking isip ang nangyayari. Lahat ng tao sa sidewalk at kalapit na tindahan ay nagpulasan dahil sa kaguluhang naganap.
Mabilis ko nilapitan ang aking ama na ngayong nakahiga sa maruming semento at may dalawang lalaki na pumipigil sa kanya.
"A-Ano'ng ginagawa niyo sa tatay ko?! Bitiwan niyo siya! Lumayo kayo!" Galit na saad ko habang tinutulak ang malalapad nilang balikat.
"Mira." Napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses n'iyon.
"Alesteir."
Panandalian niyang tiningnan ang aking ama nago bumalik sa akin. Walang ekspresyon ang kanyang mukha at inumang sa akin ang kamay. "I'll explain everything if you come with me."
"Huwag... Mira! Mapapahamak.... ka!" Habol ang hiningang saad ni tatay.
"May kinalaman ka ba dito, Alesteir?" Mariin kong saad.
Hindi pa rin nito binabawi ang kamay. "Come with me and you'll be safe."
"Mira.. anak.. ah!" Napatingin ako kay tatay dahil sa sakit na napuna ko sa kanyang boses.
"Hindi. Hindi ko iiwan si tatay." Iling kong sabi. "Kung saan niyo siya dadalhin, dapat kasama ako."
Napabuntong-hininga si Alesteir at binaba ang kanyang kamay. Matalim niyang tiningnan si tatay. "Put him in the van. We will proceed as planned."
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga susunod naming pupuntahan kaya nang itayo nila si Tatay ay agad akong humawak sa kamay nito. Maski si Krome ay hindi rin inaalis ang pagkakapit sa damit ni Tatay.
Bago kami pumasok sa itim na van ay may kamay na pumigil sa akin, paglingon ko ay ang madilim na ekspresyon ni Alesteir ang sumalubong sa akin.
"Are you sure you want to bring the child?"
Bumalik ang aking tingin sa loob ng van, nakaupo si Krome sa gilid ni Tatay at hinahaplos naman ng aming ama ang buhok nito habang magkakwentuhan.
"Hindi mo kami dadalhin sa kapahamakan, 'diba?"
Unti-unting lumambot ang kangang emosyon at lumuwag na rin ang hawak nito sa aking braso. "I'm.... I'm so sorry for doing this, Mira."
"You have your reasons."
Nang bitawan niya ako ay pumasok na ako sa loob ng van at naupo sa likod ni Tatay. Tatlong armadong lalaki ang kasama namin sa loob at hindi pa rin nawawala ang kaba na aking nararamdaman.
"Mira, patawarin mo ako sa aking pag-iwan sa inyo." Mahinang bigkas ni Tatay.
Hindi na ako nagsalita sapagkat parang nauubos na ako sa nangyayari. Sa naging kilos ni Alesteir, parang may malaking kasalanan sa kanaya ang tatay.
'Hindi kaya...' Umiling ako at taimtim na nanalangin. 'Huwag naman po sana tama ang aking iniisip.'
Nakarating kami sa Police Station at nilagyan si tatay ng posas bago ito ibaba sa sasakyan. Nakasunod lamang kami sa kanya ngunit naharang kami nang ipapasok na siya sa interrogation room.
"Ate? Masamang tao ba si itay?" Tanong ni Krome.
Lumuhod ako at hinawakan ang magkabilang-balikat nito. "Hindi ko alam, Krome. Pero aayusin ni ate ito, ha?"
Lumagpas ang tingin ko kay Krome dahil sa pamilyar na pigura na pumasok. Si Alesteir iyon at madilim na naman ang kanyang ekspresyon. May kausap ito sa phone at may documents na hawak sa kabilang kamay.
Parang ibang tao ang nakikita ko at hindi ang lalaking aking minahal.
Hindi niya ako tinapunan ng kahit konting tingin kahit dumaan siya sa aking gilid. Dumiretso lang ito sa interrogation room na kinalalagyan ng aking ama.
Tumayo ako at lumapit sa isang officer. "Sir? Hindi ba ako pwedeng makinig sa usapan nila?"
"I'm sorry, miss. Confidential ang kaso na ito."
"Pero kamag-anak ako ng nasasakdal." Dahilan ko.
"Miss, huwag kang magalit sa akin. Sumusunod lamang ako sa utos. Kung ako sa iyo, maupo ka na lamang at hintayin ang desisyon nila."
"Desisyon? Ni wala ngang Public Attorney na kasama ang tatay ko sa loob!"
Tiningnan niya ako. "Mayroon kaming inihandang Public Attorney para sa itay mo, naitawag na iyon ni Sir Alesteir sa amin bago pa makarating ang sasakyan ninyo. Ngayong alam mo na, maaari ka na bang kumalma at maupo sa isang tabi?"
Napabuntong-hininga ako at sumunod na lamang sa utos nito. Napakaraming taong sa aking isipan na si Alesteir lang ang makakasagot.
Tumingin ako sa orasan at mag-a-alas-nuwebe na. Wala pa akong kain at si Krome naman ay tanging sandwich lang ang na-hapunan.
Bumukas ang pinto ng interrogation room at agad akong lumapit nang ilabas nila si Tatay. Namumutla ito at parang kay lalim ng iniisip.
"'T-Tay?" Tawag ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "Mira.. Mira... patawarin mo ko. Patawad!"
Niyakap ko ito dahil para siyang takot na takot. Mapapansin ang kapayatan ni tatay at ang hindi maayos na pagtulog nito sa kanyang mukha.
"Magiging maayos rin ang lahat, 'tay. Gagawan natin ng paraan kahit ano pa ito." Saad ko habang hinahaplos ang kanyang likuran.
Hindi ako dapat umiyak, kailangan kong maging matapang kung sa ganun lang hindi babagsak ang pamilya ko.
"Tatay... bakit hindi mo sinabi? G-Gumagawa naman ako ng paraan," nananakit na ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil ng luha.
"Gusto ko lang ng magandang buhay para sa inyo. Napapagod na ko na makita kayo na nahihirapan. Patawarin niyo ako, Mira and Krome."
Nanghina ang aming mga tuhod at parehas kaming napaluhod. Dinudurog ang aking puso dahil sa lakas ng iyak ni Itay. Ang labis na pagsisisi sa kanyang boses at ang nanginginig nitong katawan.
"Anak..." bulong nito. "Mag-iingat ka sa kanya. Huwag kang magtitiwala sa kanya. Lumayo na kayo ni Krome. Huwag niyo na akong intindihin."
Tiningnan ko ito sapagkat hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Itrato niyo na patay na ako, anak. Ako ang dahilan ng lahat ng ito. Kaya kong sikmurain ang buhay sa kulungan ngunit ikaw... kayo ni Krome. Hindi ko kayang mabuhay kung kayo lang ang magbabayad ng pagkakamali ko."
Bago pa ako makapagsalita ay inilayo na nila sa akin si tatay. Marahas ang pagkakahawak nila sa braso ng aking ama habang kinakaladkad nila ito. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata dahil sa nasaksihan.
Lumingon ako at nakita si Krome na gising na at nakaupo. Nilapitan ko siya at umiiyak din ito. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ma-process ng mura niyang isip ang nangyayari. Luminga ako sa paligid, hinahanap ko ang pigura ni Alesteir.
Lumabas kami ng pulisya, tangan ko ang kamay ng aking kapatid. Naabutan ko si Alesteir na nasa tabi ng kanyang itim na sasakyan habang may sigarilyo na nakaiit sa kanyang daliri.
"Alesteir," mahina kong tawag.
"Thank you, Mira."
"H-huh?"
"Thank you for your participation. Ikaw ang dahilan kung bakit namin siya nahuli."
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. "Simula pa lang ay alam mo na?"
"I planned this for almost a year."
Umuwang ang aking labi. Umiwas ako ng tingin at lumunok bago ibalik sa kanya. Ito ba ang Alesteir na kilala ko?
Lumunok ako muli. "Alesteir... gina... ginamit mo lang ba ako?"
Gusto kong marinig na coincidence lang ang lahat. Gusto ko na marinig na totoo ang pinagsamahan namin. Humarap siya sa akin at inilaglag ang sigarilyo sa pavement bago iyon tapakan. Ibinuga niya ang usok at malamig na tumingin sa akin.
"I don't have other choice."
Nabuga ako ng hininga. I was betrayed.
"I'll see you in the trial, Mirabella."
Iyon ang huli niyang sinambit bago sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot iyon paalis.