bc

ULTERIOR MOTIVE (Filipino)

book_age18+
151
FOLLOW
1K
READ
HE
single mother
heir/heiress
drama
bxg
scary
genius
witty
office/work place
rejected
lawyer
like
intro-logo
Blurb

ONGOING | FREE

A billionaire lawyer.

A poor girl.

Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confession that could change the way she feels or cost her everything.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
MIRABELLA "'Tay, bakit po may dala kayong mga gamit?" Nagtataka kong tanong nang maabutan ko ito na papalabas sa pinto habang bitbit ang hindi kalakihang bagpack. Madilim pa sa labas sapagkat hindi pa sumisikat ang haring araw, maaga lamang akong gumising sapagkat magre-review ako para sa exam ngayon. Bigla na lamang nitong binitawan ang gamit at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa akin. Nabigla ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. "Mira, ito'y para rin sa kinabukasan niyo." Naramdaman ko ang kaunting panginginig ng payat na katawan ni Tatay. "Po?" Humiwalay ito sa akin at tinapik ang balikat ko. Ngumiti ito ngunit halata ko na may tinatago siya. "Babalik rin ako agad, 'nak. Habang wala ako, ikaw muna ang bahala sa kapatid mo ha?" "Sa ibang site ka na ba made-destino, 'Tay?" Construction worker si Tatay sa ginagawang building na hindi nalalayo sa among bahay kaya nagtataka ako ngayon kung bakit may mga dala itong damit. "Oo, 'nak. Pero sandali lang naman ako roon." "Pero bakit 'di niyo po sinabi agad sa akin para mapaghanda ko man lang kayo ng umagahan." "Ayos lang ako, 'nak." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na ito ng bahay. Iyon na ang huling beses na nakita ko si Tatay sa loob ng bahay namin. Simula no'y hindi na ito umuwi, at paminsan-minsan na lamang tumatawag para kamustahin kami ng aking kapatid. Lagi kong sinasabi sa kanya na ayos lang kami, ngunit ang totoo'y iginagapang ko na lamang ang pang-araw-araw na gastusin naming magkapatid dahil hindi na rin masyadong nagpapadala si Tatay ng pera. Hinawi ko ang kurtina na nagsisilbing pinto ng aming kuwarto at lumapit sa nakalapag na kutson kung saan nakahiga pa rin ang aking kapatid. "Krome! Gising na, mag-almusal ka na muna." "Ate, konti nalang po." Ungol nito. Tinapik ko ang kanyang balikat. "Dali na. Ihahatid pa kita. Tapos papasok na ako sa trabaho." Napadilat ang mga mata nito. "'Di ka ulit papasok ng school, ate?" "Manghihiram nalang ako ng notes sa kaklase ko. Malapit na kasi tayong palayasin ni Aling Leonor dito sa apartment kasi ilang buwan na tayong 'di nakakabayad." Bumangon ito. "Sigurado ka, ate?" Tinapik ko ang ulo nito. "Ako ang bahala, basta galingan mo lang ha." Tumango ito at inayos na ang kama. Ang totoo niyan ay pagod na pagod na ako at hindi na rin makapag-focus sa pag-aaral. Ngunit pinipilit ko pa rin dahil dahil isang taon nalang makakapagtapos na ako ng kolehiyo. Kinausap na rin ako ng prof ko sa isang major subject para sabihin na hindi na aabot ang scores ko para makapasa dahil palagi raw akong absent at mabababa ang nakukuha sa quiz. Pagkatapos kong ihatid si Krome sa elementary school ay bumiyahe naman ako papunta sa pinapasukan kong trabaho. Nagbihis agad ako ng uniporme at nagsimulang mag-ayos ng items sa shelves. Nakatuntong ako sa mababang hagdanan at maingat na pinagpatong-patong ang mga de-lata. Habang nagpupunas ako ng mga items ay naramdaman ko na may tumigil sa aking gilid. "Excuse me, miss?" Napatingin ako sa kanya at bahagyang napatigil nang magtama aming mga mata. His face was all sharp angles and fierceness. He had thick black eyebrows and deep-set, narrow black eyes with a peculiar piercing quality. He's wearing a navy blue shirt that looks crisp and freshly laundered, and pressed charcoal slacks. His dark brown hair is slightly messed up, as if he were running a hand through it right before I walked in. "Miss?" Kinurap ko ang aking mga mata. "P-Po?" Lumunok ito at tumingin sa ibang direksyon na parang nahihiya ito sa sasabihin. "There's a stain." "Stain?" Ano daw? Sinuklay ng daliri nito ang buhok at binasa ang mga labi. "This is so awkward. I'm sorry. But you might want to check your...." Bumaba ang tingin nito sa aking likuran at namula ako nang magsink-in sa isip ko kung ano ang tinutukoy nito. Napatakip ako sa aking pang-upo at bumaba ng hagdan. "Halatang-halata po ba?" Halos mangiyak-ngiyak kong sabi. "You're wearing light brown skin-tight pants, uh... god, woman, feels like I'm harassing you." Napahilamos ito sa kanyang mukha. "The comfort room is meters away from here and I have nothing to offer para magamit mo pangtakip, so I'll just walk behind you. Okay?" Tumangon ako at pilit na binababa ang hindi gaanong kahabaan kong tshirt. Habang naglalakad kami ay napansin ko na nakukuha ng lalaki ang atensyon ng iilang namimili. Maling desisyon ata na pumayag akong maglakad ito sa aking likuran sapagkat mas marami pa ang tumitingin sa amin. Nang makarating kami sa comfort room ay agad akong naghulog ng barya sa vending machine upang makakuha ng napkin. Ngunit ang problema ko ngayon ay 'yung pants ko. Mahirap iyong alisin at patuyuin, panigurado na kapag 'di ako nakabalik agad sa puwesto ko ay baka matanggal na naman ako sa trabaho. Napakislot ako nang may kumatok sa pintuan. "Are you okay, miss?" Bahagya akong lumapit sa may pintuan ngunit hindi iyon binuksan. "Okay lang po, sir. Thank you po." "Will you open the door? May ibibigay lang ako sa'yo." Tiningnan ko ang aking sarili. Wala akong pants at tanging pang-loob ko lamang ang aking suot. For employees lang kasi ang CR na ito kaya malaya ako na hubarin ang pants ko. "Pasensya na po, hindi pa pwede." "Isasabit ko nalang sa doorknob tapos tatalikod nalang ako." Bakit ang bait nito sa akin? Lumunok ako at tinanggal ang lock ng pintuan habang dahan-dahan itong binubuksan. Nagtago ako sa gilid at bahagyan sumilip. Nang makita ko na nakatalikod ito ay kinuha ko na ang plastic na nakasabit sa doorknob, pagkatapos ay sinara ko muli ang pinto. Nagulat ako nang makita ang nasa loob ng plastic. Binilhan niya ako ng pamalit sa nadumihan kong pants. Inalis ko iyon sa plastic at sinuot ang binili nitong palda. Hindi umabot ang haba nito sa aking tuhod. Itim ang kulay niyon at may mumunting puting bulaklak na naka-pattern. Naalis ang pag-aalala sa aking dibdib na baka 'di na ako makabalik sa trabaho. Pagkatapos kong ipaloob ang dulo ng aking tshirt sa palda ay inilagay ko sa plastic ang pants bago lumabas ng comfort room. Nagulat ako nang makita itong nag-aabang sa labas ng pinto. Bahagya akong nahiya nang humagod ang mga mata nito sa aking katawan bago nuling pagtagpuin ang aming mga mata. Napakatamis ng ngiti nito sa labi. "You're all good now." Naramdaman ko na uminit ang aking pisngi. "Thank you, sir." "I'm Alesteir by the way." Ngumit ito at in-offer ang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon. "Mirabella, sir." "I just said my name so quit calling me 'sir', Mira." "Salamat po ulit sa palda, sir-- I mean, A-Alesteir. Sa swelduhan ko nalang po kayo babayaran." Parang kumikiliti sa tainga ko ang mahinang tawa nito. "Seriously, woman, you don't have to pay for it." "Bakit? Mahirap kumita ng pera tapos---" "If you really want to pay me back, why don't you accompany me to lunch?" Bahagya akong umatras. Is he making a move on me? Nahalata nito ang pagkailang ko kaya agad itong nagpaliwanag. "Mira, wala akong gagawin na 'di mo magugustuhan." Ang mga salita na iyon ay mas lalong nagpadagdag ng kaba sa aking dibdib. "Sorry, sir. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho." "Mira--" "Salamat po ulit sa pagtulong sa akin." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ako at mabilis na naglakad papunta sa station ko. Ang lalaking may ganoong katayuan sa buhay ay hindi magkakaroon ng interest sa isang tulad ko. Siguradong paglalaruan lang niya ang nararamdaman ko at kapag sawa na siya'y itatapon na niya ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Kalabit (SSPG)

read
137.5K
bc

Pisilin Mo, Mr Wild (SSPG)

read
18.8K
bc

Loving the betrayed wife (Tagalog)

read
7.8K
bc

Lick It Harder (SSPG)

read
29.3K
bc

Wife For A Year

read
42.2K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
70.8K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook