MIRABELLA
Mabilis lumipas ang mga araw. Natapos ang finals and preboard namin ni Astrah. Ngunit, hindi nito matanggap na hindi kami sabay na makakaakyat at tatanggap ng diploma. She was crying helplessly.
Halos buong maghapon ko itong inaaamo. Hindi kasi ako ipinasa ng isa kong professor sa minor subject namin, sa kadahilanang kulang raw ang attendance ko sa kanya.
Astrah was devastated when she heard the news. "I can use our family's connection, Mira. Just say 'yes' and bukas na bukas rin ay masasama ka na sa list of graduates."
Nginitian ko ito. "Huwag na, Astrah. Kaya ko pa naman. Iilang units lang naman."
"Just accept my help, please. Alam kong kailangang-kailangan mo na."
Umiling ako. "I'm just one step behind you. Huwag ka ng mag-alala."
Tumango ito. "Okay. Alright. Just so you know, I'm not reacting this way because I pity you. I just thought that you don't deserve this."
"I'm well aware of that. You know, I think I'm so blessed to have you as my best friend."
"Damn right, you b***h. Come on, let me treat you to a good restaurant that I just found."
Hinila na niya ako papunta sa parking at sumakay sa kanyang sasakyan. Ginalaw nito ang phone at parang gigil na gigil sa pagtipa.
"Sino ba iyang katext mo? Galit na galit ka, sis." Usisa ko.
"Si Yuan. How the hell did he got my number?"
"Duh. He is Alesteir's best friend."
Napatigil ito at dahan-dahan na lumingon sa akin. Sumingkit ang kanyang mga mata. "Speaking of Alesteir. Nakita ko ang story niya kahapon. He was with you and he's holding your hand. Are you two dating?"
Nagbunting-hininga ako. "Uhm, Astrah, 'wag kang magugulat pero..."
"You fell for him, huh?" Sumandal ito ng maayos.
"Tanggap niya ako, Astrah. He... looked at me like I make him complete."
"All men do that. They lie. They are good actors."
"Hindi komo't miserable ang lovelife mo ay ige-general mo ang lahat ng lalaki. Yuan is different from Alesteir. He would never force himself on me."
Hindi nakaimik sj Astrah. Nang makita ako sakit sa mga mata nito ay saka lang ako nagsisi sa aking mga sinabi.
"Astrah... I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon."
Humalukipkip ito at tumingin sa labas ng kotse. "It's okay. You were right. I don't want you to be with Alesteir and be miserable as I am."
"Astrah, I'm so sorry. Best, patawarin mo na ko." Lambing ko ngunit hindi ito umimik.
Biglang umilaw ang phone na nasa ibabaw kanyang hita at nabasa ko ang message ni Yuan para sa kanya. Ngumitu ako ng mapang-asar.
"Kunwari ka pang nagagalit dahil binigyan ko ng chance si Alesteir, pero base sa reply ni Yuan, mukhang um-agree kang makipag-ayos sa kanya."
Napasinghap ito at agad na kinuha ang phone para ilagay sa bag. Mapula ang kanyang mga pisngi. "It.. It's.. complicated. He... He invited me for dinner and he was being romantic."
"Ah, magbest friend nga tayo. Parehas tayong marupok."
Napuno ng tuksuhan at tawanan ang buing kotse. Hindi namin namalayan na nasa harap na pala kami ng restaurant na tinutukoy ni Astrah. Pumasok kami roon at si Astrah narin ang namili ng pagkain ko dahil 'di ako pamilyar sa menu.
Isang pamilyar na pigura ang nakakuha sa aking atensyon. It was Alesteir, at may kausap itong dalawang matikas na lalaki. Mas matangkad sila ng kaunti kaysa sa kanya at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
"Is that Alesteir? So, pumupunta rin pala siya dito. And that's Inspector Jaime and Sergeant Aquillano. Hanggang ngayon kasi ay 'di pa rin nahuhuli ang pumatay sa mga magulang niya."
Nalungkot ako nang marinig iyon. Sa isang iglap lang ay naging ulila si Alesteir. "Pwede kaya akong lumapit?"
"Pwede naman siguro, may relasyon naman kayo 'diba? Matagal pa naman ang food natin, just make sure na babalikan mo ako."
Tumayo ako kaagad at unti-unting lumapit. Ngayon ko lang nakitang seryoso ang mukha ni Alesteir, madalas kasi ay nakangiti ito palagi sa akin.
Bago pa man ako makalapit sa kanilang table ay nagtama na ang paningin namin. Gulat na gulat ito at mabilis na itinago ang kung ano mang laman ng envelope.
"Uhm, hi." Bati ko.
Tumayo si Alesteir at agad na nilagay ang kamay sa aking likuran. "Hey, what're you doing here?"
"Kasama ko si Astrah." Turo ko sa 'di kalayuan. Itinaas ni Astrah ang baso ng kanyang wine at saka iyon ininom.
Tumango si Alesteir at iniharap ako aa dalawang lalaki na kasama. "These are Inspector Jaime and Sergeant Anquillano. They're helping me with a case."
"Oh, uhm, I'm sorry if naistorbo ko kayo. I just want to greet you and babalik na ko agad kay Astrah."
"No, they're leaving." Pigil nito sa akin.
Tumayo si Inspector at inabit sa akin ang kamay. "Yes, we are. Nice to finally meet you, Miss Mira."
Kumunot ang aking noo. "Alesteir didn't mention my name, Sir. How come you—"
"Actually, Mister Alesteir mentioned you when I ask him how he keeps himself busy. He is so into you, sweetness."
Namula ang aking mga pisngi. Nagpaalam ang dalawang pulis at naiwan kami ni Alesteir na nakatayo sa table, nakahawak pa rin sa aking likuran ang kamay nito.
"I should go back to Astrah."
"I don't think it will be necessary." Nang lingunin ko ang kinaroroonan ng aking kaibigan ay kasama na nito si Yuan.
Para silang nagtatalo ngunit makikitang amuse si Yuan sa mga reaksyon ni Astrah. "How..."
"His family owns the place." His finger touch my cheek and made me turn at him. His face were close to mine. "So, can I get your permission?"
"Permission?"
"To kidnap you, Cinderella, while your stepmother is currently busy?"
Wala ako sa sariling tumango. He smiled gently and bit his lower lip. Oh, I want to frame that.
Bumalik lamang ako sa normal nang nasa sasakyan na kami. "I know you're starving but can you still hold it?"
"Uhm, I don't think I can. S'an mo ko balak dalhin?"
"Far away."
Umiling ako. "'Di pwede. Malapit na ang uwian nila Krome. Kailangan ko siyang ipagluto ng dinner."
"That gave me an idea. I never tasted your cookings. Let's go to your house."
"Huh? Wait." Pigil ko nang bubuhayin na niya ang makina ng kotse.
Kumunot ang noo nito. "Bakit?"
"Alesteir, nakatira kami sa iskwater. Baka kung ano an mangyari sa kotse mo doon."
"Are you comfortable na mag-commute nalang tayo?" Tanong nito.
I unconsciously bit my lower lip. "Maliit lang kasi 'yung bahay namin. Nakakahiya, baka 'di ka sanay."
Hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. "It doesn't matter. Kahit kasing liit pa 'yan ng butas ng karayom."
"Sure?"
"Yes. So, let go of that lower lip and let me kiss it." Bulong nito.
He closed the distance between us and his lips touch mine. With his lips still slowly brushing mine, and my heart thudding, I moved my hands up and traced his collarbone beneath the white shirt, and then lifted my hands over his shoulders and around his neck, expecting him to draw back, laughing.
Instead of pulling away, Alesteir's arms came around me, strong and tight, his hands sliding down my back to my hips.
I gasped and stopped his hand.
He pulled back a little but our lips are still touching. "My bad, I couldn't help myself."
I nodded and pulled away first. "Uhm, tara na."
Pinigilan niya akongmakalabas sa sasakyan. "Let me call a driver instead. I'm not really comfortable to ride a jeepney at this hour. It's hot and tight."
Nagbuntong-hininga ako at umayos ng upo. "Fine. Go ahead."
"Good. And let me hold your hand. I'm feeling lonely, damn it."
Natawa na lamang ako sa tantrums nito.