MIRABELLA
Isang buwan na ang lumipas at dumadalas na rin ang mga araw na palagi kaming nagkikita ni Alesteir. Minsa'y hihintayin niyang matapos ang trabaho o kaya nama'y after school.
Ngunit tinatanggihan ko ito kapag nararamdaman kong sobra na ang pagbubuhos niya ng oras sa akin. Alam kong pagod rin ito sa trabaho at mas nakakabuti kung magpapahinga na siya agad.
Kapag nagiging mapilit naman ito ay sinusungitan ako ni Yuan dahil na ko-compromise ang safety ni Alesteir kapag sumasama siya sa akin na mag-public transport. Hay. Kaya traffic sa karsada dahil sa kaartehan ng mga tao eh.
Binagsak ni Astrah ang gamit niya sa ibabaw ng table. Medyo patabog iyon kaya napatingin ako sa kanya. "Balita ko'y susunduin ka na naman ni Alesteir ngayon."
Umupo ito sa bakanteng upuan sa akin harapan at kinuha ang compact mirror sa bag para mag-retouch ng sarili.
"Huh? Uh, tumanggi ako kasi sabi niya'y malaking kaso ang hawak niya ngayon. Dapat magpahinga nalang siya kaysa hintayin ako."
"My cousin is a good man. Pero hindi ko siya recommended ha."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
Nanlaki ang kanyang mata at binaba ang compact mirror. "'Yung mga tao na may ganoong itsura, hindi pinagkakatiwalaan 'yan. Para saan pa 'yung mukha sila kung isa lang ang makikinabang?"
"Masyado kang bitter, Astrah."
"Totoo naman. Tapos eto pa, best." Umayos ito ng upo at halatang-halata ang pagka-irita nito. "Sa lahat ng security personnel na kukuhanin niya, hindi ko alam kung bakit si Yuan pa ang napili?! 'Diba? Parang sinasadya ng hayop?"
"Woah. You've lost me." Singit ko. "Ano'ng meron sa pagitan niyo ni Yuan?"
"He is my... uh... enemy?"
Hindi ko tinanggap ang dahilan nito. Tinitigan ko siya ngunit umiwas ito ng tingin.
"Astrah, may secrets ka na 'di ko alam? Dapat na ba tayong magsolian ng kandila?"
"Look, Yuan is Alesteir's friend."
"And?"
"And he's my ex. We met when I was fourteen years old and he's nineteen."
"What's the back story?" Tinigil ko ang aking ginagawa at kinuha ang softdrinks para humigop sa straw niyon.
"Well, I couldn't give him what he wanted. He met another woman and we broke up. The end."
"What he wanted?" I asked.
"Alam mo na 'yun." Umiling ako kaya umikot ang mata nito. "s*x, dummy! He wants us to have s*x. That good for nothing bastard almost ruin my future! What if I got pregnant? I'm too young! Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko."
Tumango ako. "I agree. Dapat lang siyang i-ditch. You don't deserve him."
"Okay, changing the topic. I know Alesteir has feelings for you. But, as a friend, I want you to take care of yourself. Don't go crazy on him. Don't love him too much to the point that you'll lose yourself." Paalala nito.
"I won't."
Inabot nito ang aking kamay at pinisil. "You deserve to be happy."
Ngumiti na lamang ako at 'di na nagsalita pa. Alam kong nag-aalala para sa akin si Astrah pero itago ko man o hindi ay may ideya na ito sa nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero palagi ko ng inaabangan ang messages ni Alesteir at ang paghintay nito sa akin sa araw-araw. He's so sweet.
Ang hirap pigilan pero pinipilit ko dahil hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga ganitong bagay. Dapat ilaan ko ang focus sa aking nag-aaral na kapatid.
Sabay kaming naglalakad ni Astrah sa parking lot dahil sa kanya ako sasabay sa pag-uwi. Nagsend na rin ako ng message kay Alesteir na hindi ko ito mami-meet dahil may bonding kami ni Astrah.
Kaya laking gulat ko nang makita itong nakahilig sa kanyang kotse at may umuusok na sigarilyong hawak. Magkatabi lamang ang sasakyan nito at ni Astrah.
Hindi niya kami napansin dahil nakikipag-usap ito kay Yuan na may hawak rin sigarilyo.
"Bakit sila nandito? Akala ko nasabihan mo na siya?" Masungit na saad ni Astrah.
Patuloy lang kami sa paglalakad. "Nasend ko. Pinakita ko pa sa'yo 'diba?"
"Ikaw nalang ang makipag-usap. Ayaw kong makita si Yuan." Binilisan nito ang lakad para makalapit agad sa sasakyan.
Umayos ng tayo si Alesteir nang mapansin ako. Napansin ko naman ang mga mata ni Yuan na sinusundan si Astrah hanggang sa makapasok ito sa sasakyan.
Tinapon ni Alesteir ang sigarilyo at tinapakan para mamatay ang baga. He grinned at me and put his arms inside his pockets. "Hey."
"Nabasa mo 'yung message ko sa'yo?" Bungad ko.
Tumango ito. "Yes, but it's too late. I'm already waiting for you that time."
"Huh? Tatlong oras ka na naghihintay?" Hindi ako makapaniwala.
"Uh, the accused didn't come. So, the trial was finished earlier than expected." Paliwanag nito.
Napalunok ako. "I'm sorry. Hindi ko alam. If sinabi mo, sana naagahan ko 'yung pag-text."
"It's fine. Magba-bonding kayo ni Astrah?"
Tumango ako. "She insisted."
Napalingon kami nang bumaba ang mirror ng sasakyan at kitang-kita ang irita sa mukha ng aking kaibigan. "Mira, let's go. Ang baho na dito."
Yumuko si Yuan at ipinatong nito ang braso sa ibabaw ng kotse. "Hanggang ngayon ba ay may sama ng loob ka pa rin sa akin, Astrah."
"Huh? May dagang nagsasalita? Ew." Sabay irap nito. "Mira, kapag 'di ka pa sumakay, iiwanan na kita."
Napasinghap ako nang umikot ang braso ni Alesteir sa aking bewang. "So, akin siya for today?"
Mahina kong pinalo ang braso ni Alesteir kaya napabitaw ito. He muttered 'sorry' before letting me go.
"See you tomorrow." He whispered.
Tumango bago umikot sa kabilang bahagi ng kotse at sumakay. Bukas pa rin ang bintana sa gawi ni Astrah dahil hindi pa siya tapos inisin ni Yuan.
"Namimiss mo lang ako, Astrah." Yuan said. Pinasok nito ang kamay sa bintana at hinaplos ang pisngi ni Astrah.
Astrah gave him the sweetest smile. She held his hands. I was shocked. Akala ko'y galit ito kay Yuan.
She held his hand and bit it hard.
Mabilis na binawi ni Yuan ang braso pagkatapos dumaing ng sakit.
"You bit me." Reklamo nito.
"Kuya, start the car and let's go." Hindi pinansin ni Astrah ang hinaing ni Yuan at unti-unting sinara ang bintana.
"You will pay for this, kid." Mariib pahabol ni Yuan bago tuluyang makalayo ang sasakyan.
"Grabe ka, Astrah. Parang nagdugo ata 'yung braso niya."
"Wala akong konsensya, Mira. Saka kasalanan niya 'yun, ang landi-landi niya."
"Hinintay ako ni Alesteir ng tatlong oras."
"Kinikilig ka na? Gusto mo sabunutan kita?" Banta nito.
"Tuwing nakikita mo si Yuan, nagiging mainitin ang ulo mo. Chill ka lang, best." Saad ko sa kanya.
Nagbuntong-hininga ito. "Naiinis lang ako sa sarili ko kasi.."
Biglang umilaw ang aking phone. Tiningnan ko iyon at natuwa nang makita ang pangalan ni Alesteir.
From Alesteir:
Didn't know that you and Lucifer are good friends.
Pinigil ko ang tawa at nag-compose ng mensahe.
To Alesteir:
We're more like sisters.
Mabilis naman ang pag-reply niya.
From Alesteir:
Haha. That's good one, love.
Namula ako sa huling salita ng kaniyang mensahe.
"So, ganito na tayo?" Natago ko bigla ang aking phone nang mapansin na nakatingin rin pala si Astrah sa phone ko. "Sasabihin mo na mag-kwento ako tapos 'di ka naman pala nakikinig. Puro si Alesteir nalang."
Umayos ito ng upo at humalukipkip habang nakatingin sa labas ng bintana. Napakagat ako sa aking labi. Nakakaguilty lalo na't ngayon na lamang kami nagkasama.
"Sorry na, Astrah."
"Huh? Ano? 'Di kita naririnig."
Hininaan ko anv aking boses. "Ibibili kita ng isaw barbeque bukas. Secret lang natin."
Biglang lumiwanag ang mukha nito at tumingin sa akin. "Secret lang. 'Di mo sasabihin kay Mommy?"
Umiling ako. "Cross my heart."
"Panindigan mo 'yan ha. Limang piraso."
"Huh? Dalawa lang." Bilin sa akin ni Tita na bawal kumain si Astrah ng mga streetfoods. Pinangangalaan kasi nito ang health ni Astrah at ayaw nilang mapahamak ang nag-iisang nilang anak.
"Apat." Hiling niya.
"Best, dalawa lang. Baka kung ano ang mangyari sa'yo. Lagot ako kay Tita."
Sa wakas, she smiled and hugged my arm. Humilig pa ito sa aking balikat at naglambing. "Walang bawian ha."