MIRABELLA
"Ate, ang laki ng bahay nila Ate Astra 'no?" Saad ni Krome habang sakay kami ng tricycle at pauwi ng bahay. "Balang araw, magkakaroon rin tayong ganoon kalaking mansyon!"
"Balang araw, Krome." Nakangiti kong sabi at niyakap ito ng mahigpit.
"Siguro kapag umuwi na si Tatay, maraming-marami na siyang pera."
Hindi ako umimik sa sinabi nito. Ilang heses ko na tinatawagan ang numero ni tatay ngunit hindi ito sumasagot. Wala na akong balita sa kanya. Para kaming mga tuta na in-abandona niya sa kalye.
Nang makauwi na kami ay pinagbihis ko muna ng damit si Krome bago ito patulugin. Binuksan ko muna ang aking mga libro na kailangan aralin para sa exam bukas.
"Ate, anong oras ka hihiga?" Tanong ni Krome habang sinasampay nito ang ginamit na tuwalya.
"Pamaya-maya lang." Pagkasabi ko n'un ay humiga na ito at natulog.
Pinipilit ko na aralin ang exam para bukas ngunit sadyang pagod na ang aking katawan. Ang tanging dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa pag-aaral ay ang pangako ko sa aking ina bago ito mamahinga.
Alas-tres na ng umaga at ilang kape na ang aking naiinom. Marami na rin ang aking naaral kaya nagdesisyon akong humiga. Nagset ako ng alarm na ilang minuto lamang ang pagitan para siguradong magigising ako ng alas-syete.
Mabuti na lamang ay malaki na si Krome at kaya na nitong maghanda ng almusal. "Ate, alam ko na ang biyahe papasok, okay na po akong mag-isa."
Kumunot ang aking noo. "Ayaw mo na hinahatid kita?"
"Kasi, ate, alam kong napapagod ka na--"
"Hindi pa." Singit ko.
"Alam ko pong pagod ka, pinagsasabay niyo po ang trabaho, pag-aaral, at dumadagdag pa ako. Kaya, magtiwala ka dahil kaya ko na po." Saad nito habang nagpapalaman ng pandesal. "Saka, may kasabay na po akong pumasok. Kaklase ko po 'yung mga anak ng kapit-bahay natin."
Wala akong nagawa kundi tingnan ang grupo na sinamahan ni Krome habang papasakay ito ng jeep. Nawala ang bigat na aking nararamdaman dahil nagkaroon na ng mga kaibigan ang kapatid ko.
Napabuntong hininga ako at binalik ang tingin sa daan para pumara ng jeep papunta sa unibersidad. Ngunit bago ko pa mapara ang jeep ay may humarang na sasakyan sa aking harapan.
Bumaba ang salamin niyon at bumungad ang matamis na ngiti ni Alesteir. "Ihahatid na kita, Mira."
"Okay lang, Alesteir. Wala akong pamalit sa gas na uubusin mo para mahatid ako."
"Gumagawa ka talaga ng mga paraan para i-reject ako." Sumeryoso ang mukha nito. "Fine."
Tinaas nito muli ang salamin at pinaandar muli ang sasakyan. I felt relieved nang umalis ito sa harapan ko. Ngunit akala ko'y tapos na, akala ko'y hindi na niya ako guguluhin. 'Yun pala ay ipinarada lang nito ang sasakyan sa tabi at bumaba.
"Ano ang ginagawa mo?" 'Di makapaniwalang sabi ko.
"Ayaw mong sumabay sa akin, kaya ako nalang ang sasabay sa'yo."
"Baka ma-chop chop 'yung kotse mo dyan!"
"Old model naman 'yan." Niluwagan nito ang necktie at tiniklop ang sleeves ng kanyang polo hanggang sa makarating ito sa siko. "Take me to your world, Mira."
Gusto kong sampalin ng malakas ang aking noo. This man is unbelievable! He isn't combat ready para sa public transportation.
"Alesteir, itigil mo na 'to. Ikaw lang ang mahihirapan sa huli."
"Walang makakapagpasuko sa akin." Mayabang nitong sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Tingnan natin."
Pumara ako ng jeep at huminto iyon. Naglakad ako papunta sa likuran at ramdam ko na kasunod ko si Alesteir.
"Isa nalang! Makikiusod na po sa kaliwa oh!" Sigaw ni Manong driver.
Tiningnan ko si Alesteir. "Isa nalang daw. Male-late na ko. Sumabit ka nalang."
He looks confused. "Huh?"
"Ano? Kapit na! Lalakad na tayo!" Sigaw ni manong driver.
Alesteir glanced at me before making himself comfortable at the back of the jeep. Awang-awa ako habang nakakapit ito at naiinitan. Gusto kong makita kung gaano ito ka-dedicated ngunit ayaw kong nahihirapan ito.
Maraming bumaba sa isang kanto kaya nakaupo kaagad sa loob si Alesteir. Pawis na pawis ito at halatang hindi kumportable sa init.
"I've told you, hindi ka para dito, Alesteir." Bulong ko sa kanya.
"I'm fine." Giit niya habang pinupunasan ng panyo ang leeg at mukha.
Napabuntong-hininga ako. "Ano ba ang magpapasuko sa'yo? MRT?"
"Sasakay din tayo d'on?"
Tumango ako. "Oo."
"Hija." Napatingin kami sa nagsalitang babae na nasa harapan. "Huwag mo naman masyadong pinahihirapan si pogi. Kawawa naman, eh."
"Hindi ko naman po siya pinahihirapan, 'nay."
"Hay naku, kung nag-abot lang kami ng edad, pinakasalan ko na 'yan."
Tumawa ito ng mahina bago tumingin sa akin. "Narinig mo 'yon?"
"Magtigil ka. Ni hindi ko nga alam na nanliligaw ka."
Nauna akong bumaba ng jeep at inayos ang bag sa aking likuran. Sumunod sa akin si Alesteir, halata ang pagkairita nito dahil sa init. Yumuko ito at nagtagpo ang aming mga mata.
"Kamusta?" Tanong ko.
"Mainit." Reklamo nito. Hindi nito pinuputol ang eye contact namin habang tinatanggal ang butones ng polo nito. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay habang patuloy ito sa pag-unbutton ng kanyang suot.
Tuluyan na niyang hinubad iyon at tanging ang puting t-shirt ang natira. Napalunok ako habang ginagawa niya iyon.
"Like what you see, Mira?"
Napaiwas ako ng tingin. "Kailangan na nating magmadali. Mahaba ang pila sa MRT."
Narinig ko itong nagbuntong-hininga. "Yeah, let's go."
Wala pang limang hakbang ang nagagawa namin ay may lalaki nang humarang sa aming harapan. Malaking tao ito at nakasuot ng itim na t-shirt.
"Sir." He's addressing to Alesteir. "We will not let you continue this."
Huh?
"Get out of our way, Yuan." Seryosong sabi ni Alesteir.
"Sir, this is for your own safety." Humalukipkip ang tinawag nitong Yuan. "Come with us."
"Don't make me repeat myself."
"The killer is nowhere to be found and we're here to secure you. Don't make our job more complicated, Attorney."
Alesteir stared at Yuan annoyingly.
"A-Alesteir, tingin ko'y dapat mong sundin ang sinabi niya. It's for the best." Singit ko.
"Papayag ako kapag sumama ka rin." Pahayag nito.
Kumunot ang aking noo. "I'm gonna be fine here. Lagi ko naman itong ginagawa."
"Then I'll go with you."
"Look, Alesteir--"
"Stop hesistating, Miss, and come with us. We will assure you that you'll arrive at the university on time."
"Hindi naman iyon ang pinag-aalala ko kundi---"
Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin at tumalikod na ito bago magsalita sa isang walky-talky. "Get the car in here. ASAP. There's no enough time."
Sumimangot ako at bumulong. "He's rude."
I heard Alesteir laughed. "Yeah. That's the main reason why he's single."
"I don't need commitments." Sambit ni Yuan.
Huminto ang itim na kotse na heavy-tinted sa harap namin at dali-daling binuksan ni Yuan ang pinto ng backseat. Pinauna ako ni Alesteir pumasok at sumunod ito. Bumukas ang passenger seat at sumakay si Yuan roon.
"Make yourself comfortable, Miss. We don't bite unless you want us too." Namula ako sa sinabi ni Yuan.
"Yuan, you son of a gun, I could shot your face right now if I have my gun with me."
"There's beautiful woman with us, so will you stop acting like two wolves who fights to be the Alpha." Saad ng driver habang binabagtas namin ang daan papunta sa unibersidad.
Ugh, gusto ko ng bumaba.
"Why are you quiet? Is there a problem?"
"Wala naman. Hindi lang ako sanay ng ganito. Hindi ako kumportable."
I felt Alesteir hands entwined mine. "Let's use this chance to get to know each other better."
"Ano pa ang gusto mong malaman about sa akin?"
"Everything. Your hobbies. What you do after school? Your family."
"Hm, lumaki ako sa isang sobrang hirap na buhay. If we don't work, we wont eat. Iyan ang prinsipyo namin."
"What was your father's work?"
"Iba-iba. Contrustion worker, driver, or tagabuhat sa palengke. Masipag ang tatay ko. Sinikap niyang buhayin kaming mga anak niya ng mag-isa lang siya."
"Where is he now?"
"Hm, hindi ko alam. Ilang buwan na ang nakakaraan n'ung huling tumawag niya sa amin."
"Did he said anything? Anything unusual?"
"Hindi ko na masyadong matandaan. Pero sana'y nasa magandang kalagayan siya ngayon. Namimiss na kasi namin siya ni Krome."
Tumango ito. "I can't wait to meet him."