Chapter 60

2015 Words

“HINDI!” Kasabay ng pagsigaw na iyon ni Ezekiel ay ang bigla rin niyang paggising mula sa isang napakasamang panaginip. Habol ang paghinga habang pawisan ang noo nang maupo siya buhat sa pagkakahiga. Napapalunok pa nang ilibot niya ang tingin sa kaniyang paligid. Nasa master bedroom siya ng mga sandaling iyon. Patunay na nanaginip lang siya. Pero bakit parang totoo? Mariin siyang pumikit. Pinalis rin niya ang tumulong pawis buhat sa noo niya. Napanaginipan niya ang babae sa pinanggalingang morgue sa San Isidro. At ang mukha na nakita niya sa panaginip niya, walang iba kung hindi ang mukha ni Janicah. Nag-iinit na naman ang bawat sulok ng kaniyang mga mata nang maalala ang asawa na hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita. Pero isa sa ipinagpapasalamat ni Ezekiel ay hindi si Janic

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD