NANG magmulat ng mga mata si Janicah ay ang unang tinamaan ng kaniyang tingin ay ang bubungan na yari sa pawid. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Ramdam pa niya ang bahagyang panghihina ng kaniyang katawan. Gustuhin man niya ngunit hindi niya magawang kumilos. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya muling nagmulat ng mga mata. Sa pagkakataong iyon ay saka lang niya nagawang ilibot ang tingin sa kaniyang kinaroroonan. Ang dingding naman ng silid na iyon ay yari naman sa sawali. May bintanang nakabukas sa kabilang bahagi ng silid na iyon. Pumapasok ang simoy ng preskong hangin. Matigas ang kaniyang kinahihigaan na papag na yari naman sa kawayan. Nalalatagan iyon ng banig. Nasaan ako? iyon ang tanong niya sa kaniyang sarili. Hindi siya makagalaw na para bang kay bigat ng kaniyang kataw