TAHIMIK lang na pinagmamasdan ni Janicah ang likuran ni Ezekiel na siyang nakikita niya ngayon. Pasimple rin kung sumulyap siya sa mismong rear view mirror para lamang makita ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasama na niya ngayon si Ezekiel. Saan naman kaya ang balak nitong puntahan at isinama pa siya? Wala ba itong balak na ihatid agad siya sa flower farm? May pangamba man na baka malaman ni Don Alonzo ang pinaggagawa ni Ezekiel ngayon ay isinantabi na muna niya iyon. Dahil walang ibang mahalaga sa kaniya ngayon kundi iyong kaalaman na kasama niya ang binata ngayon. Nang makarating sila sa town proper ng San Fernando ay dumaan pa sa may drive-thru ng isang fast food chain ang kinasasakyan nila. Um-order si Ezekiel ng pagkain. “H-hindi ka pa ba kumakain ng tanghalian?” hindi niya