ITANGGI man ni Janicah, ngunit deep inside, nagtataka siya kung bakit wala si Ezekiel nang umagang iyon. Samantalang dalawang beses itong dumating sa farm ng mas maagap pa kaysa sa kaniya. Walang nangangabayong Ezekiel. Wala ring bakas na nadiligan na ang mga halaman sa loob at labas ng green house. Inilibot pa niya ang tingin sa paligid ng green house nang makapasok siya sa loob niyon, nagbabaka-sakali na nasa paligid lang ito. Ngunit wala. Hindi ba ito pupunta sa flower farm? “‘Yan na nga ba ang sinasabi sa hula, Janicah Caldenela. Hahanap-hanapin mo na ngayon ang presensiya ng lalaking ‘yon. Umayos ka,” litanya pa niya sa kaniyang sarili. Bago magdilig ng mga halaman ay inasikaso muna niya ang pagkuha ng mga bulaklak na dadalhin niya mamaya sa hacienda. Iyon ang araw na nakatakda s