Chapter 26

2027 Words

NANATILI lang sa may unahan ng simbahan si Janicah. Doon siya dumiretso pagkakuha niya sa kaniyang bag kanina sa may kubo. Nagpapasalamat siya dahil walang Ezekiel ang sumunod sa kaniya nang makalabas siya ng farm. Baka hindi niya kayanin ang bugso ng damdamin at mabawi pa ang anumang binitiwang salita rito kanina kung humabol ito sa kaniya. Habang may oras pa, siya na lang ang kusang iiwas kahit sobrang nasasaktan ang kalooban niya. Napakurap siya nang maramdaman ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. May text message si Don Alonzo. Himala at nag-text ito na mas sanay sa pagtawag lang. Hija, magpalit ka ng mga bulaklak dito sa bahay bukas. Salamat. Huminga muna siya nang malalim bago nag-reply. Sige po. Matapos mag-send ng text message ay muli niyang ibinalik sa bag ang kaniyang cel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD