NGAYONG nakauwi na sa bahay nila si Janicah, saka lang siya parang natauhan sa kaniyang mga pinaggagagawa kanina kasama si Ezekiel. Ang mainit na tagpo sa tabing dagat. Bakit nawala sa isip niya ang pamilya niya? Ang kapatid niya na hanggang ngayon ay hindi pa maayos ang lagay dahil hindi pa rin nagigising… Isang maling desisyon lang niya, baka dumating ang kinatatakutan niya na talikuran siya ni Don Alonzo dahil sa pagpatol niya sa apo nito. Hindi kasali si Ezekiel sa napagkasunduan nila ng Don. Paano kapag nakarating sa Don ang namamagitan sa kanila ni Ezekiel? Sino pa ang tutulong sa kaniya para sa patuloy na gamutan ng kaniyang kapatid na si Jayson? Kaya ba niyang talikuran ang pamilya niya para sa pag-ibig na wala namang kasiguraduhan kung hanggang saan lang? “Ate, kakain na,” ani