“SCARED of me?” Lihim na napalunok si Janicah sa sinabing iyon ni Ezekiel. “Bakit naman ako matatakot sa iyo?” aniya na sinikap na hindi magpasukol kay Ezekiel. “Then, prove it. Hindi ka naman pala natatakot sa akin. Stay here, with me,” hamon pa nito sa kaniya. Ang sarap mag-walk out. Kung hindi lang siya magmumukhang talo sa paningin ni Ezekiel. Nagsukatan pa sila nito ng tingin. Tingin na sa bandang huli ay siya rin itong naunang magbawi. Sa halip na kunin pa ang kaniyang maleta ay ang kaniyang laptop na nakalagay sa mismong bag niyon, na ngayon ay nakapatong sa may coffee table, ang kaniyang kinuha. “Saan ka pupunta?” habol pang tanong ni Ezekiel nang hayunin niya ang palabas sa silid na iyon. “Sa pagtanda,” pamimilosopo pa niya rito. “‘Wag ka ng sumama,” dagdag pa niya. Nasaan