HINDI nagtangkang mag-angat ng tingin si Janicah. O kahit ang sulyapan si Ezekiel sa tabi niya. Hanggat maaari ay nais niyang kalmahin ang kaniyang sarili. Ayaw niyang kumuwala sa dibdib ang lahat ng sama ng loob na namamahay pa rin doon para sa buong pamilya ni Ezekiel. Medyo nanginginig ang kaniyang kamay dahil na rin sa tensiyon. Nasa likuran naman niya si Ernesto para umalalay sa kaniya. Alam naman nito na wala siya roong kakampi. Kung hindi naman dahil sa huling bilin ni Don Alonzo ay hinding-hindi siya tutuntong sa lugar na iyon. O kahit ang magpakita sa pagbasa ng last will and testament ni Don Alonzo. At para mas pormal ang pagbasa kaya ang mismong attorney ang naroon para basahan sila ng last will and testament ni Don Alonzo. Kinuha ni Attorney Diliman sa isang black suitcase