Chapter 29

2039 Words

HABANG papunta sa kabayanan ng San Fernando sina Ezekiel at Janicah, tahimik lang siya habang nasa biyahe. Ganoon din si Ezekiel sa tabi niya. Naka-open naman ang FM ng sasakyan kaya hindi nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa kanila sa loob ng kotse. Pero kahit ganoon, alerto ang pakiramdam ni Janicah. Nakikiramdam sa maaaring gawin ni Ezekiel. Hindi siya puwedeng magpadalus-dalus dahil kasama nila ang assistant ni Don Alonzo na si Ernesto. Ayaw niya na makahalata ito na close sila masyado ng binata. Walang ideya si Janicah kung ano ba ang gagawin nila sa bayan. Basta sabi ni Don Alonzo ay si Ernesto na raw ang bahala sa kaniya. Nang makarating sa bayan ay sa isang sikat na salon sila unang humantong. “Ano’ng gagawin dito?” may kunot pa sa noo na tanong ni Ezekiel kay Ernesto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD