HABANG inihahatid ni Janicah ng tingin ang papalayong sasakyan na kinasasakyan ni Ezekiel ay sige lang sa pagpatak ang mga luha niya. Hindi rin niya napigilan ang mumunting hikbi na kumuwala sa labi niya. Matapos nga nilang kumain ay nagpaalam na rin si Ezekiel na aalis na katulad ng ipinangako nito sa kaniya. She wants him to stay, pero hindi niya magawang isatinig. Hinayaan lang niya ang kaniyang sarili na umiyak hanggang sa kumalma siya. Habang lumalapit ang araw ng Linggo, daig pa niya ang pakiramdam ay bibitayin. Kinabukasan, maagang sinundo ang kaniyang kapatid na si Jenny at Tatay Julio ni Mang Roberto. Sumama pa rin si Jenny sa Maynila, nagpaabot na lang ito ng excuse letter sa classmate nito para ibigay sa adviser nito. Na hindi ito makakapasok ng isang linggo dahil kasama it