Six years later… “ORAS na po para inumin ninyo ang gamot ninyo,” ani Janicah kay Don Alonzo na nakahiga sa kama nito. “Apo, sinabi ko naman sa iyo na ayaw ko ng uminom ng kahit na anong gamot. Pakiramdam ko ay lalong dadali ang buhay ko sa mga ‘yan.” Napabuntong-hininga si Janicah dahil sa pagtanggi na namang iyon ng Don. “‘Lo, paano rin po tatagal pa ng isang daang taon ang buhay ninyo kung palagi ninyong tatanggihan ang mga gamot na galing sa doktor ninyo?” aniya na naupo sa gilid ng kama nito at mataman itong pinagmasdan. Anim na taon na ang matuling lumipas. Ilang buwan na ring mahina ang katawan ni Don Alonzo. Ganoon pa man ay nakakausap pa naman ito ng maayos. Hindi na nga lang makalakad ng mag-isa. Kailangan pa nitong gumamit ng walker para makatayo ng maayos at makahakban