HABANG pinagmamasdan si Don Alonzo sa mahimbing nitong pagtulog ay hindi maiwasang balikan ni Janicah ang mga alaala mula sa nakaraan… Pakiramdam ni Janicah ay biglang bumaligtad ang tiyan niya nang maamoy ang daing na tuyo na piniprito ng kaniyang ina pagkalabas niya sa silid nila ni Jenny. Mabilis na hinayon niya ang lababo at doon ay sinikap sumuka. Ngunit wala naman siyang ilabas. “Okay ka lang, anak?” Ang mga mata ni Janicah na maluha-luha ay agad niyang pinunasan. Pakiramdam niya ay nanlambot maging ang mga tuhod niya. “O-opo, ‘Nay,” aniya na napalunok pa. Nilapitan siya nito at hinagod ang likuran. Pagkuwan ay inalalayan paupo sa bangko sa may lamesa. Kumuha rin ng tubig si Nanay Lita na agad ding ipinainom sa kaniya. “H-hindi ko lang po nagustuhan ‘yong amoy ng daing, ‘Nay,”