HINDI kalayuan sa may green house ay mayroong mga tanim si Janicah. Sumubok siya noon na magpasibol ng mga halaman na magaganda kapag namulaklak. May hilera din ng mga roses. Open space kasi sa banda roon at hindi naman siya tinaggihan noon ni Don Alonzo nang magpaalam siya rito na magtatanim doon. Karamihan naman doon na mga halaman ay mga inakat din niya sa loob ng green house. Na sa kabutihang palad ay mga nabuhay. Napangiti pa siya nang makita na unti-unti ng namumulaklak ang mga tanim niyang Hydrangea. Iba’t ibang kulay iyon. Iyon ang halaman na naisipan niyang dalhin sa hacienda sa susunod niyang pagpunta roon. Napabuntong-hininga pa siya nang maalala si Ezekiel. Ngayon, si Ezekiel na ang mas higit na nagpapaalala sa kaniya sa hacienda. May point tuloy na ayaw na muna niyang tumap