IYON ang unang pagkakataon na nakasama ni Janicah sa isang biyahe si Ezekiel. Ang loob ng sasakyan ay nababalot ng nakabibinging katahimikan. Kahit na ganoon ay hindi nangahas na magsalita si Janicah. Sa labas lang din ng bintana ng sasakyan nakatuon ang kaniyang tingin. Sandali siyang binalingan ni Ezekiel. Pagkuwan ay nagbawi rin ito ng tingin. Makalipas pa ang ilang sandali ay lumiko ang kinasasakyan nila papasok sa gate ng isang private cemetery. Napalunok siya. Bigla ay nagkaroon siya ng ideya kung sino ang pupuntahan ni Ezekiel. Gusto niya itong balingan ngunit pinigilan lang niya ang sarili. Kung ganoon, para kay Donya Esmeralda ang ipinagawa nitong bouquet. Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi. Wala naman itong ibang dadalawin doon. Kaya pala iginigiit nito ang Ivory Roses k