Chapter 37

2309 Words

“EZEKIEL.” Saka lang natinag sa kinatatayuan si Ezekiel nang marinig na tawagin ang kaniyang pangalan. Hindi siya nag-abalang lumingon. Nakatuon lang ang tingin niya sa papalayong kotse. “Kilala mo ba ‘yong babae na ‘yon?” Hindi siya nagsalita. Sa halip ay naglakad na siya pabalik sa loob ng chapel. Napabuga naman ng hangin sa bibig si Karen bago sumunod sa kaniya. “Okay, kunwari, hindi ako nagtanong,” pagpapatay malisya ni Karen sa sinabi kanina. Nang makapasok sa loob ay sandali muna siyang nanatili sa tabi ng kaniyang abuelo bago naupo sa tabi ng kaniyang ina. Gusto sana muna niyang magpahinga sa bahay, ngunit ang kaniyang ina ay nag-aya papunta roon kahit na ang usapan kagabi ay sa pahapon sila pupunta. Marahas na bumuntong-hininga ang kaniyang ina kaya bumaling siya ng tingin di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD