NANG araw na iyon ay iyon na rin ang pinaka-huling araw ni Don Alonzo sa memorial chapel. Bukas ay nakatakda na itong ilibing. At nakapagdesisyon na si Janicah na pupunta nang hapong iyon sa huling araw ng Don. May vigil din at nais niyang naroon siya mamaya. “Sigurado ka ba, anak?” ani Nanay Lita sa kaniya nang sabihin niya rito ang kaniyang desisyon. Tumango si Janicah. “Opo, ‘Nay.” “Ang mga bata, kailan sila sisilip sa lolo nila? Kahapon pa ako kinukulit.” “Mamayang gabi, ‘Nay. Kapag wala na sa chapel ang pamilya ni Don Alonzo, ipapasundo ko ang mga bata kay Kuya Ernesto. Pakibilinan na lang po na matulog sila mamaya pag-uwi nila galing sa school para hindi sila antukin agad mamayang gabi.” “Sige. Ganoon na lang.” “Bukas, hindi sila makakapunta sa huling sandali ng lolo nila.” “‘