Chapter 36

2011 Words

“MAMA, kailan po ulit kami pupunta kay lolo? Miss ko na po si lolo,” ani AJ na yumakap pa sa kaniyang baywang. Hinaplos ni Janicah ang buhok ng kaniyang anak na lalaki. Mas nauna itong lumabas kaysa kay Emerald kaya ito ang kaniyang panganay sa kambal niyang anak. Mataman niyang pinagmasdan ang anak na si AJ. “Soon, baby.” “Mama, kakantahan ko pa po ulit si lolo,” ungot naman ni Emerald na mahilig kumanta. Nakasanayan nito dahil sa tuwina ay palagi itong pinakakanta ng Lolo Alonzo nito. Kahit gustuhin man niya na dalhin ang mga ito sa memorial chapel, pero paano? Naroon ang mga kadugo ng mga ito. Hindi pa siya handa na makita ito ng mga iyon. “May inaasikaso pa lang si mama. Pero promise, dadalaw kayo kay lolo ninyo. Hmmm?” Marahang tumango ang mga ito. “May pasok din kayo,” paalala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD