“BYE, ‘Ma!” nakangiti pang kumaway kay Janicah si Emerald at AJ na kasalukuyang ihahatid ng kaniyang Tatay Julio sa eskuwelahan ng mga ito. Sakay ng Fortuner na ibinigay na ni Don Alonzo sa kaniyang ama upang may magamit ang pamilya niya. Okay pa naman iyon dahil maingat gumamit si Mang Roberto sa mga sasakyan. Kaya nang ipasa sa kaniyang ama ay animo bagong-bago pa. Kahit hindi sila humihingi ng kahit na ano, kusa namang ibinibigay ni Don Alonzo. Ganoon ito kabait, lalo na sa pamilya niya na hindi talaga nito itinuring na iba. “Bye, babies, mag-aral mabuti,” nakangiti ring kumaway si Janicah sa kaniyang mga anak matapos hagkan ang mga ito sa pisngi. “Bye, Mama!” “Bye!” Buhat sa may gate ay tinanaw niya ang papalayong sasakyan. Nang mawala na iyon sa paningin ni Janicah ay isinara na